33rd Scandal Bakit ganun? Bakit kung sino pa ang mga taong itinuring mong espesyal ay sila pa ang may kakayahang saktan ka? Malandi. Isang salita lang naman ang sinabi ni Gail pero bakit parang gumuho ang mundo ko? Hindi nya man lang ako nagawang kausapin kung bakit. Kumatok ako ng tatlong beses sa dati kong inuupahan. Kahit masama pa rin ang loob ko sa kanya, gusto kong maayos 'to. May pinagsamahan kami at pinapahalagahan ko yun. Hindi ako yung tipo ng tao na basta na lang umaayaw sa kaibigan ng hindi sya nakakausap at naiintindihan. Bumukas ang pinto at sumalubong sa'kin ang mukha ni Alex. Nagulat sya at halatang kinakabahan ngayon. Napayuko ako. After all, masakit pa rin. Hindi ko pa rin nakakalimutan. Sana nabubura na lang lahat ng masasamang alaala para makalimutan ko na yun. "Nan

