20th Scandal “Sya yun, di ba?” Nakaturo sa’kin ang isang babae habang kausap nya ang isang pulutong ng mga babae. Nakatingin na ko sa kanya, pero parang wala pa rin sa kanila na nahuli ko silang nakatingin sa’kin. Titig na titig sila sa’kin habang umiiling. Weird! Ano naman kaya ang problema nila sa’kin? Masyado ba talagang halata na hindi ako bagay dito sa Maynila dahil isa kong conservative na babae? Mukha ba kong probinsyana talaga? “Kaylee,” Nakuha ni Yael ang atensyon ko na ngayon ay nakatingin sa’kin at makikita mo ang lungkot sa mga mata nya. Kinagat nya ang labi nya at tumungo. Diretso ang tingin nya sa sahig pero hinayaan ko munang tapusin nya ang sinasabi nya bago ako magsalita. “Kahit ganun, handa pa rin akong tanggapin ka. Basta kung kailangan mo lang ako, lumapit ka lang sa

