"Magaling na rin talaga. Matapos mong gumawa ng gulo, aalis ka ng bigla. Aalis ka ba dahil alam na ng mga tao dito ang kagaguhang ginawa mo?" galit na sambit ni Aaron nang makita niyang nilalagay ni Ezra ang kaniyang mga gamit sa sasakyan. Napalunok ng laway si Ezra. Ang sama ng tingin sa kanya ng mga tao doon at pinagtsitsismisan din siya dahil kumalat ang ginawa niyang kalokohan. Kung anu- ano tuloy masasakit na salita ang natatanggap niya sa mga tao kaya naman sinabihan na siya ng mama niya na bumalik sa Maynila. "I'm sorry, Aaron..." nakayukong sabi niya. "Kung hindi ko lang pinigilan ang nobya ko na gantihan ka, baka wala ka ng mukhang ihaharap dito. Wala kang laban doon dahil mahina ka naman. Kaya mabuti pang umalis ka na lang dito kaysa ano pa ang magawa ko sa iyo," inis na sambi
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


