"Simon... I'm sorry sa mga nasabi ko. Sa nagawa ko kay Jamaica. Inaamin ko na nagkamali ako pero nagawa ko lang iyon dahil mahal kita. At mukhang hadlang sa atin ang anak mong si Jamaica kaya nagawa ko siyang saktan..." mahinahong sabi ni Rosmary nang pumunta siya kompanya ni Simon. Asar na tumawa si Simon. "At talagang dinamay mo pa ang anak ko sa kagaguhan mo? Hindi mo na mabibilog pa ang ulo ko. Umalis ka na dito bago pa mandilim ang paningin ko sa iyo at baka sakalin lang kita ulit. Hindi mo na ako madadala pa sa kasinungalingan mo. Nang dahil sa iyo, nagdudusa ako ng ganito. Nangungulila ako ng sobra kay Valentina. Bakit hindi ka na lang maglahong bigla? Para naman manahimik na ang mundo ko." Tumikhim naman si Rosmary. "Simon... hayaan mo sanang buksan ang puso mo para sa akin. Baki

