"Ate Valen... please pumayag ka na po! Gala po tayong kasama si daddy. Huwag ka po munang magalit sa kaniya. Gusto ko lang po kasi na maramdaman na may mommy at daddy po ako..." nakangusong sambit ni Jamaica. Bumuntong hininga si Valentina. Sinabihan kasi siya ni Simon na gustong lumabas ni Jamaica ngunit hindi siya naniwala. Inakala niya na pakulo lamang iyon ni Simon para makasama siyang gumala. "Okay sige... anong oras na tayo aalis kung sakali?" Namilog ang mata ni Jamaica. "Yehey! Mamaya pong hapon. Mag- sleep po muna ako ngayong tanghali. Thank you po, ate Valen!" magiliw na sambit ng bata sabay yakap kay Valentina. Yumakap na rin siya kay Jamaica. Masaya siya na nakikitang masaya sa piling niya ang bata. Magaan sa kaniyang pakiramdam. Hinaplos niya ang buhok nito. "Sige na ma

