LUCIEN POINT OF VIEW. Hihimas himas akong naglakad pabalik sa aming pila matapos akong batukan at palayasin ni Arys.Ang sakit talaga para akong hinampas ng kahoy ang bigat talaga ng kamay ng tao na yon. "Hoy Pare ano na naman ang ng yari sayo" Tanong ni Akih sakin.Saktong pagdating ko don ay naglabasan na ang mga candidate ng Pageant ang ingay naka-kabingi ang sigawan nila. "Bakit naman pre muka kang sinakluban ng langit at lupa" Tanong pa ni Carl.Bumaling ako sa mga ito habang ang sama-sama ng tingin ko. "Kasalanan ko bang akala ko inaakit nya ako kaya ko na gawa yon" Pagma-maktol ko sa kanila.Nagta-taka naman ang mga tingin ng mga ito sakin habang naka kunot ang nuo. "Ano bang ginawa mo at sinong ng aakit" Tanong ni Keilah tuluyan akong na upo sa tabi nila habang naka-dukmo ang muka

