ARAW ng linggo. Dahil walang pasok sa trabaho ay naroon lamang sila sa bahay. Matapos magsimba kaninang umaga ay magkasama silang namalengke. Habang abala si Soledad sa ginagawa sa loob ng bahay. Matapos magligpit ng pinagkainan noong tanghali. Nagtaka siya nang makita wala doon sa bakuran ang asawa. Kaya naman naisipan ni Soledad na lumabas ng bakuran upang hanapin si Badong. Biglang sumama ang kanyang timpla nang makita ang isang hindi kaaya-ayang tagpo. Kasama ni Ricardo, may kausap si Badong na babae. Ang hindi niya nagustuhan sa lahat ay panay ang himas ng babae sa braso ng asawa kanyang asawa. Biglang naningkit ang kanyang mata. Lalo na nang makitang todo bigay na nakikipagtawanan si Badong na hindi man lang sinasaway ang babae. Nang hindi nakatiis ay lumapit siya sa mga ito at h

