HAPON. Sa pagitan ng alas-kuwatro at alas-singko nang biglang magkagulo muli sa buong barrio. Iyon ay matapos pasukin ng mga sundalong hapon ang bawat tahanan. Kung dati ay nakakaligtas ang mga Mariano ngayon ay maging ang kanilang bahay ay pinasok ng mga ito. Napasigaw silang mga kababaihan nang walang babala na pumasok ang mga ito doon at tinutukan sila ng baril. May sinisigaw ang mga ito na hindi nila maintindihan. Pagkatapos ay puwersahan silang pinalabas. “Nasaan si Badong?” kinakabahan na tanong ni Soledad. “Hindi ko alam, hindi pa yata bumabalik galing sa bukid,” takot na sagot ni Elenita. Mula doon ay pinalabas sila sa kalye at tinipon doon ang mga tao. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang kasama si Nena at Perla sa mga babaeng pinalabas. Napagitnaan sila ng mga sunda

