IKA-7 NG DISYEMBRE, 1941 “MAHAL, sasama ka ba sa akin kila inay?” tanong ni Badong. “Marahil ay mauna ka na, kailangan nila mama ng tulong ko rito sa bahay,” sagot ni Soledad. Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na si Badong at Soledad. Nag-ayos na ang kanyang asawa para pumunta sa bodega at ayusin ang mga palay na nauna nang inani noong mga nakalipas na buwan. Habang si Soledad naman ay inasikaso ang damit na isusuot ni Badong pagkatapos ay sabay silang nag-umagahan. Dahil sa dami ng naghihintay na trabaho. Mabilis na natapos itong kumain pagkatapos ay ginawaran siya ng halik sa labi. “Kung may sapat pang oras ay bumalik ka sa pagtulog, ha? Nang sa ganoon ay makapagpahinga ka pa. Huwag kang magmadali sa pagpunta kila inay, naroon naman si Marciana para tumulong sa kanya,” m

