Tama ang sinabi ni Manang sa akin,
alam nga ng taxi driver ang address na ipinakita ko at ngayon inihatid na ako nito. Medyo mahal ang binayaran ko
pero ayos lang ang mahalaga,ligtas na nakarating ako rito.Nakatayo ako sa isang malaking bahay na may tatlong palapag.
Ang ganda ng mga bahay rito
pati ang kalsada at mga pananim sa mga gilid ng bawat bahay ay sobrang ganda.
Meron din mga puno sa di kalayuan at isang parke na puno ng mga iba't ibang klase ng mga bulaklak. Maya-maya ay nagsimula na ako kumatok at magsalita mula sa gate.
"Tao po!Tao po!" malakas na sigaw ko sa labas ng malaking bahay. Matagal ako naghihintay sa labas at nag si-sigaw sa labas ng gate.
Anak ka ng pating,Kanina pa ako rito sa gate,may dalawang oras na 'ata ako dito wala pa din lumalabas sa bahay na' yan.
Pero maya-maya lang ay nakita ko na bumukas ang pinto mula sa dulo.
Agad ako nag ayos ng tayo habang nag aabang sa paglabas ng tao sa pinto.
Laking gulat ko ng isang maliit at cute na bata ang lumabas,maputi ito at kulot ang blonde nitong mga buhok.
"Ang cute mo naman,"agad na sabi ko sa batang cute na cute, hanggang sa makalapit sa gate at sa akin.
Maya-maya sumunod naman ang isang lalaki na naka suot ng short na itim at walang suot pang itaas.Napaawang ang labi ko sa matipuno nito na katawan at sabayan pa ng makinis niyang kutis,napalunok ako habang pinagmamasdan ito at papalapit sa akin.
"Do you need something?"bungad na tanong nito sa akin.
"Good morning po,ako po si Jessie Domingo.Heto po 'yung address na binigay sa akin ng agency ko."
saad ko at agad pakita ko rito ng maliit na papel na ibinigay ng agency ko.Kinuha naman nito habang kunot ang noo nito at magulo ang blonde nitong buhok. Artista ba ang Amo ko na ito o foreigner hindi ako makapaniwala ito ang amo ko, turan ko sa isipan ko.
"So you are,"baling sa akin nito.
"Opo,"sambit ko.
"Come' in,"sabi nito at binuksan na ang gate at isinara din nang makapasok ako.
Sinundan ko ito habang ngayon ay karga na nito ang batang maliit na kaninang lumapit sa akin.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay napanganga ako sa laki ng bahay.
Pati na din sa mga mamahaling gamit na nakapalibot sa loob ng bahay, hanggang sa nagsalita ang amo ko.
"You are so late,Kanina pa ako naghihintay sayo kaya hindi na ako tumuloy umalis pa."wika nito habang may kinukuha mula sa refrigerator.Habang ako naman ay nakatayo lamang sa tabi ng pintuan at nakatanaw sa buong bahay nito, binalingan ako nito ng tingin at nagsalita.
"Hey!Come 'in,"saad nito nang makitang nasa gawing pinto lamang ako nakatayo. Yumuko ako dito at ngumiti at doon pumasok ako at umupo sa sala, napansin ko ang cute na batang lalaki,tulala na pinagmamasdan ako.
"Hi," Sambit ko rito ngunit napaigtad ako sa gulat ng bigla itong malakas na umiyak.
"What happened, Zeb?" sigaw ng amo ko sa anak nito mula sa kusina, habang ako naman ay hindi alam ang gagawin.
Nilapitan ko ang bata at mabilis ko ito kinarga. "Shuuu 'Wag ka matakot sa akin,good girl po si Ate," saad ko dito habang karga ito at nilaro. Doon ay napansin ko ang amo ko papalapit sa gawi namin.May dala itong tray na may nakapatong na dalawang juice at dalawang sandwich. Inilapag nito ang dala niya sa centertable. Doon ay mula sa akin kinuha nito ang cute na bata at nagsalita ito.
"You just eat, take a rest for a while.
Then, I'll take you later to your room,"wika nito.
Tinalikuran na ako nito habang
karga ang bata, nabaling naman ang tingin ko sa centertable. Bakit dalawa ang Juice pati na ang sandwich?Isa lang naman ako, wiko ng isip ko habang nagtataka.Mabilis ko kinain ang sandwich at ininom ang juice at nang matapos dumighay pa ako. Maya-maya ay napansin ko ang katahimikan sa paligid ko, ano ang susunod ko na gagawin.
Dinala ko na lamang sa lababo ang baso at naiwan ang tray na may Juice pa at sandwich sa center table at muli bumalik sa sala para maupo.
Tahimik ako nakaupo at nililibot ng mga mata ang buong bahay.
Nakita ko ang isang napakalaking frame sa dingding na ang litrato ng kaninang cute na bata.Bumaling ako sa amo ko habang papalapit na pala ito sa gawi ko.
"Come On,I'll take you to your room,"
bungad na saad nito.
Doon tumalikod na ito at agad ko naman binuhat ang malaking bagahe ko. Sinundan ko ito hanggang sa makaakyat ako sa dalawang palapag ng bahay.
Sumunod ako rito papasok sa isang kwarto at nagsalita."This is your room.
If you have any questions, tell me immediately while i'm not busy,"
wika nito.
"Salamat po,"sagot ko.
Napansin ko na tumitig muna sa akin ang amo ko bago ito tuluyan lumabas ng kwarto at isinara ang pinto. Inayos ko ang mga gamit ko at inilagay lahat sa kabinet na naroon,malawak at maganda ang kwarto at malambot ang kama na purong puti. Dahil hindi ako maputi at morena ako ay, ako na lamang tuloy nahihiya dumikit sa sa puting-puti na kama na ito.
Nang matapos ako ay mayroon din pala banyo sa loob ng kwarto na ito, naligo ako at nagbihis bago lumabas at nagtungo sa ibabang sala. Dahil maya-maya lamang ay gabi na at kailangan maagang makapag handa na ako ng hapunan.
Nang makalabas ako ng kwarto bumaba ako at nagtungo sa sala.Nakita ko mag isang naglalaro ang cute na bata sa sala habang nasa play mat ito. Binalingan ko ng tingin ang amo ko, wala pa din ito suot na damit pang itaas at tanging short lamang na itim.Doon ay napa titig ako sa maamong mukha nito at matipunong katawan, Jusko ko! Maghunos dili ka nga d'yan, Gigi.Huwag ka nga tumitig sa katawan ng amo mo,saway ko sa isipan ko. Agad ako nag sign of the krus bago
nagsimula lumapit rito at magtanong habang nakaharap ito sa laptop niya na nakaupo sa sala.
"Sir,ano po ang lulutuin ko ngayon?"
tanong ko habang abala ito sa laptop niya.