ANG HIWAGA NG HOPIANG BABOY Dumaan muna ako sa central house para alamin kung ano ang nakalap nila. Tamang-tama, nandiyan ang anim. “Pareng! Este, Svyatoslav,” wika na sabay ng mga hudas. “Anong balita? Ang nakalap niyo?” “Yes, kami pa! Syempre mayroon. Siya pala ang nakikipag-deal sa tauhan natin na gusto niyang pasukin natin ang shabu.” “Siya pala yun! Tang ina mo siya. Kapag ako na ang nahuli, ililibing ko siya na puno ang bibig niya ng droga.” “Nabanggit din sa akin ni Carlyn na malagkit kung tumitig sa kanya ang hayop na si Don. Buti na lang, ako talaga ang mission niya, Svyatoslav. Hindi ako papayag na makuha nila ang organisasyon ng magkapatid. Kailangan natin kumilos bago mahuli ang lahat, at gusto ko ring ibalik ang totoong mukha ni Carlyn.” Naalala ko pala, magkamukha sil

