Kinaumagahan, maaga akong nagising para asikasuhin ang pagkain ng mag-ina ko. Naabutan ko si Nanay at Tatay. "Magandang umaga po," bati ko. "Magandang umaga din, iho. Kape ka na, bakit aga mo nagising?" "Gusto ko po na ako ang mag-asikaso ng almusal natin, Nay." "Aba! Ikaw bahala, iho, kung ano ang gusto mong lutuin. Tingnan mo na lang dyan sa refrigerator." Pagbukas ko, nakita ko ang itlog, ham, hotdog, at talong. Kaya 'yun ang niluto ko, pinrito ko na lang lahat. Nagluto din ako ng fried rice. Habang naghahanda ako sa lamesa, napapangiti ako. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng pamilya. Ang pagbabalik ay kinatuwa ko ng sobra, sigurado ako pati si Nanay Lita. “Daddy…” sigaw ng tatlo kong anak. Niyakap ko sila at hinalikan. “Good morning, babe. Aga mo nagising, ah! Yes, para ako

