PAGLILIHI ISANG buwan na hindi pa rin ako makakauwi, at kahit tawag, hindi ko magawa. Sobrang hirap hanapin ang lungga ng mga sindikato. Kahit araw at gabi, ginagawa namin ang pagsisiyasat. Sana lang tama ang ibinigay ng mga agent kung saan ang kuta nila. Pakiramdam ko, sa lupa sila tumatago! Nainis na ako. Kapag nakita ko talaga ang pinuno nila, ililibing ko ng buhay dahil tumatagal na ako dito. Miss na miss ko si Marian. Kahit miss na miss ko siya, tiniis ko muna ang kalumbayan. Hindi ko rin muna binubuhay ang mobile ko; ayaw ko mawalan ng konsentrasyon sa mission ko. Nakasalalay dito ang buhay ko at ng iba, kaya tinitiis ko para mapadali ang pakay namin dito. Pina-tulong ko na rin ang dalawa kong tauhan, sina Lason at Damon, kahit sila ay nahihirapan din. Bago pala kami pumunta dito

