*Bailey's POV* Pagkatapos naming mag usap ni Eliza ay dali dali akong lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan. Binuksan ko ang aking GPS sapagkat hindi ko gaanong kabisado ang lugar nila Eliza kaya naman ay sinave ko ang kaniyang location sa aking phone. Nag simula na akong mag maneho at sinundan ko na ang linyang tumutupok sa tahanan ni Eliza. Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako. Nag buntong hininga ako at nag ipon ng lakas ng loob bago ako lumabas ng aking sasakyan. Ang papa ni Eliza ay nasa bakuran nila at nakaupo sa isang bench kaya naman ay nilapitan ko ito at kinawayan. Tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at pumasok sa loob ng kanilang bahay. "s**t! Tinalikuran lang ako ni tito." Ani ko sa aking sarili habang nagkakamot ng aking ulo. Tumalikod na ako at bumalik sa aking sasaky

