Nagtitinginan at nagbubulungan ang mga ito, Triny ko silang huwag pansinin ngunit hindi ko iyun magawa. Nang mapansin ni Bailey na humigpit ang pagkakawak ko sa kaniyang kamay ay nagsalita ito. "Don't mind them!" Ani nito sa akin. Hindi ko alam kung pa'no n'ya nagagawang maging kalmado sa tuwing pumapasok siya at napapaligiran siya ng mga babae. Halatang sanay na sanay na ito Habang ako naman ay hindi mapigilang mangatog ang mga tuhod habang naglalakad sa gitna ng mga nagkukumpulang babae. Nang makalagpas kami sa mga babaeng iyun ay nakita ko sila Christine na naglalakad papasok sa loob ng campus. Tinawag ko ang mga ito ngunit hindi nila ako pinansin. Siguro ay hindi nila ako narinig sapagkat may isang metro ang layo namin. Magkahawak ang aming kamay habang pumapasok sa campus. Nang makapa

