Tumayo na ito kaya naman ay tumayo na rin ako at sinundan ito palabas ng coffee shop. Tinanong ako nito kung saan ko gustong pumunta kaya naman ay inaya ko ito sa mall kung saan nakapwesto ang arcade, sinabi ko sa kaniya na gusto ko pumunta sa karaoke at kumanta-kanta, ngunit ang gusto ko lang talaga ay marinig ko siyang kumanta. Pumayag itong pumunta sa arcade kaya naman sinundan ko na ito papunta sa kanyang kotse. OMG! Ang ganda ng kotse nito, Coupe at kulay pula ito. Pagkalapit namin sa kaniyang magarang kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto. "Aw! Ang sweet naman ng baby ko, Thank you!" Pang aasar kong ani sa kanya habang nakangisi. "You're welcome babe!" Nakangisi din nitong turan sa akin na parang nangaasar. Tinignan ko ito ng masama at naiinis ako dahil kapag inaasar ko siya ay s

