Dahil kami na nga ni Bailey ay napagdesisyonan nito na ihahatid sundo n'ya ako every school day. Sinabihan ko ito na kakausapin ko muna sila Jeff dahil ayaw kong magisip sila ng kung ano. Pumayag naman ito at sinabihan na kung ano ang aking magiging desisyon ay okay lang sa kaniya. Kinausap ko sila Christine at Jeff tungkol sa napag-usapan namin ni Bailey, nung una ay nagdadalawang isip ang mga ito pero dahil may tiwala naman daw sila kay Bailey ay pumayag na rin ang mga ito. Ang sabi nila sa akin ay naiintindihan naman daw nila. Nag biro pa nga si Jeff sa akin, sabi n'ya na makakatipid na daw s'ya sa gasolina. Kahit na naging kami ni Bailey ay sinisigurado ko talagang may mga oras pa rin kami sa aming mga kaibigan. Kung tutuuson nga ay mas marami pa ang date namin ni Bailey na kasama ang

