*Bailey's POV* Nang makalabas ako ng kwarto ay bigla akong may narinig na mahinang tili na nang-gagaling sa loob ng kwarto. Natawa ako sapagkat alam kong nilalabas lang ni Eliza ang kilig na nakatago sa kaniyang katawan. Ang cute n'ya pag namumula ang kan'yang pisngi, para s'yang kamatis na may ilong hahaha. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin si Eliza sa kaniyang kwarto. Naka uniform ito at ang buhok nito ay naka high ponytail at may dalawang string ng buhok na nakaladlad sa kaniyang mukha. Hindi ito naka make up pero ang kaniyang mukha ay napaka ganda. Mamula-mula ang kaniyang pisngi at ganoon din ang labi nito. "Tara na!" Inaya na ako nito kaya naman ay dumiretso na kami sa sasakyan at pumunta ng campus. As usual, maraming nakapaligid sa sasakyan ko ng mag park na ako. Bumab

