Hindi niya ito nakita kasama ang mga Light holder habang hinuhuli kanina. Umiling na lamang siya at naisip na baka nasa ibang bahagi ng akademya ito nahuli kung kaya't hindi niya nakita. "Ate Ayuki... Asan si ate Ayuki?" Nanghihinang sambit ni Raven habang nakasalampak ito sa sahig kasama ang iba pa na miyembro ng light holder. Sa ilalim ng eskwelahan ng building itinapon ang mga light holder kung saan puro rehas ang nakapaligid bukod pa roon ang mga halimaw na nagiging dahilan para sila'y manghina. Hindi nila inaasahan na may underground pa pala ang kanilang eskwelahan dahil kahit ang headmaster ng paaralan ay nabigla nang sila'y dalhin at ipatapon doon. "Where the fvck is my twin sister..." Bulong na lamang ang kayang gawin ni Akimiro habang pinipilit na huwag mawalan ng malay. Sa dam

