"Why can't you speak? Come on. Open that wild and hot mouth of yours." Tumawa ito nang bahagya matapos italunton ang isang daliri sa mukha ng binatilyo. Lahat ng mga tao ay literal nang napahinto at pinagmamasdan na lamang silang dalawa, na eksakto pang nasa gitna ng field. Ang Light Anax ay napamaang dahil sa nasasaksihan, gustuhin man lumipat ay tila nabato na sila sa kanilang kinatatayuan, kaparehas ng mga kapwa nito estudyante, guro at kababayan na kasama nila lumaban. Lahat ng dark holder ay umatras at lumayo sa kanila, na isa pa sa kanilang kinagulat. Halong pagtatakha ang makikita sa kanilang mga mukha dahil sa mga biglaan na nangyayari na hindi manlang sila naabisuhan. Hindi naman yata sila mahilig sa surpresa. Pero sa lahat ng surpresa, mas gusto ko ito kesa sa surprise quiz ng

