Ilang oras na yata ako nakatulala sa kawalan habang nakaupo. Daig ko pa ang broken sa pagmumuni! I can't stop thinking about my dream. Patuloy parin ang pag-kabog ng aking dibdib dahil sa takot. Ni minsan hindi ako natakot sa mga kalokohan na ginagawa ko, tapos etong panaginip ay ganito ako kadali takutin? Oh-no! Napahiga ako at gumulong kaso, nawala sa isip ko na nasa sofa ako. Sinalo tuloy ako ng sahig, una mukha. Ponyetaaaaaasss! Paghumarap, tapon ulo! "Napakasakit, kuya Ed--este ng mukha ko. Huhuhu! Bad floor!" dinuro ko pa ito at sinamaan ng tingin na para bang papalag sa'kin. Nakanguso akong bumangon habang hinihimas ang ilong na unang pumalakda sa sahig. Buti hindi siya napipi. Pag-nagkataon palagi na siyang nakahiga at nakadapa. Maglalakad na sana ako papuntng kusina kaso na

