Expect a typographical and grammatical errors. Enjoy reading. — "Ano nangyayari sa kaniya, Ma? Baliw na ata talaga..." Bulong ni Raven sa kaniyang ina habang hindi inaalis ang mga mata sa babaeng nasa harapan at nanginginig sa takot nang hindi nila malaman ang dahilan. Palinga-linga si Lia sa kaniyang paligid na animong may hinahanap na kung ano. Napatakip na rin ito ng kaniyang tenga at biglang nagsisigaw habang umaatras. Pinagpapawisan ito habang wala pa rin tigil ang pangangatal at pangangatog dahil sa takot at kaba na nararamdaman. "Hindi ko alam, anak." Sagot ni Stacy sa kaniyang anak habang yakap-yakap ito. Pare-parehas napakunot ang kanilang mga noo dahil sa pagtatakha sa nangyayari sa babaeng nasa kanilang harapan. Kanina lamang ay maayos ito ngunit maayos nga ba ang bigla-bi

