THE HEIRESS 28 “Dito na lang kayo manuod, hindi ‘yong nagsisiksikan kayo sa maliit na screen.” Ani ni Natalie na binuksan ang kanyang dalang laptop at nag-umpisa na magtipa. Katulad ng kanyang sinabi ay isa-isa kaming lumapit sa kanya. Nag-uumpisa na magsalita si Adrian ng mabuksan at makapunta siya sa mismong forum ng University. “Ang dami ng views!” mangha na ani ni Penelope, “Kahit na hindi niya account ang gamit ay ang dami pa din nag-aabang sa chismiss na ‘to.” Dagdag pa niya. “Ikaw din naman.” Sagot ko sa kanya. Nagpeace sign naman siya sa akin at mahinang napahagikgik. Tumabi sa akin si Kai habang seryoso na nanunuod din sa harap ng screen ng laptop na nasa harap namin. Muling bumalik ang tingin ko sa Live na ‘yon at nanahimik na kaming lahat. “Katulad ng narinig niyo at si

