THE HEIRESS 32 Nag-aasaran lamang kaming apat ng maisipan ko na ang maglinis na ng aking katawan upang magpunta sa university. May iba’t-ibang event pa ang magaganap ngayong araw na ‘to para sa lahat ng estudyante na katulad ko. Kaya naman ang lahat ay nag-eenjoy habang wala pa ang tunay na klase namin lahat. “Ayos lang ba ‘tong suot ko?” nag-aalangan na tanong ko sa kanila bago umikot sa harap nila. Isang sleeveless fitted black dress lamang ang sinuot ko. ‘yon na lamang kasi ang natitirang matinong damit ko para sa araw na ‘to dahil ang iba ay nilalabahan pa lamang. Kaya naman ay wala na akong ibang magawa kundi ang ito na lamang ang suotin. Kakaunti lamang ang mga damit ko na pwede ipakita as iba dahil baka kung ano-ano na naman ang isipin nila. “Ngayon ko lang na maganda ang kurba

