Dahan-dahang iminulat ni Isaac ang mga mata. The first thing he realized was it was cold. Wala kasi siyang suot maliban sa maikling short. Tinaas niya ang comforter hanggang leeg niya. Then, he rekindled what he just saw while sleeping.
That dream… when was the last time he saw it? Matagal-tagal na rin kaya halos makalimutan na niyang nangyari pala iyon.
Dahan-dahan siyang ngumiti. Maraming beses na niyang nakita ang panaginip iyon. Mula pa noong bata siya. Kung hindi nga siya nagkakamali, nagsimula iyon matapos niyang maka-close ang matandang guard sa nilipatan niyang school noong Grade 3 pa siya.
Kumusta na kaya si Mang Tani? isip niya habang inaalala ang pilyong ngiti ng lalaki. Unfortunately, he never had a chance to see him again after he graduated in Elementary dahil lumipat siya ulit ng bagong school. Sana naalala pa niya ako. I really should thank him for encouraging me to pursue my dream.
Then, he remembered the guy in his dream. Hindi niya kilala iyon, but he concluded it was just a random image his mind created for him. Kwento kasi sa kanya ng guard, mayroon daw itong apo na sobrang galing kumanta at sumayaw. When Isaac was younger, he always hoped he would meet that guy someday.
“Nakangiti ka dyan?”
Natigilan si Isaac saka napatingin sa kaliwa. Nadatnan niyang nakatitig si Dean sa kanya. Bakas pa sa mukha nito ang antok.
Napakurap-kurap siya. “Ha?”
Umiling-iling ito saka humikab. Pagkuwa’y bumangon ito at nagkusot ng mga mata. “Paano kaya tayo nagkasya sa kama mo?” tanong nito sa kanya pagkatapos.
Matapos ang ganap nila kagabi, nakiusap si Dean kung pwede ba silang matulog nang magkatabi. He actually begged him to hug him. Hindi rin ito matigil sa pag-iyak, and Isaac just let him. Ramdam kasi niyang may mabigat itong dinadamdam at nangangailangan ng karamay. So they ended up cuddling each other until they both fell asleep.
Samantalang, hinarang naman ni Isaac ang kamay sa mata. Nasa kabilang side ni Dean ang bintana, at may tumatagos na liwanag sa siwang ng nakahawing kurtina. Nasisilaw siya sa liwanag na iyon.
Suddenly, he remembered that guy in his dream. Napabalikwas tuloy siya ng bangon.
“Huy, ayos ka lang?” nagtatakang tanong ni Dean nang mapansin nito ang pagkalito niya.
Hindi siya sumagot. Sa halip, hinagod niya ng tingin ang katawan ng lalaki. That muscular body and beautiful tan skin… kawangis na kawangis ng nasa panaginip niya. Hindi pa siya nakuntento, kinuha niya ang isa nitong kamay at pinatong sa balikat niya. Even this was eerily similar.
“Huy, ano bang nangyayari sayo?” kunot-noong ulit ni Dean sa sinabi matapos bawiin ang kamay.
Pero gaya kanina, hindi siya sumagot. Sa halip, umiwas lang siya ng tingin at nangalumbaba. Nagkataon lang siguro iyon, isip niya. Besides, common naman ang ganong body type sa mga Pinoy. I can probably name at least ten Filipino models na kamukha ni Dean kapag nakatalikod.
Napailing-iling na lang si Dean saka muling napahiga. “Rough days ahead,” sabi nito matapos bumuntonghininga. “Puno na schedule natin, so be prepare.” Tumawa ito.
Isaac shook his head as he quashed his thoughts earlier out of his head. Tapos, lumingon siya kay Dean.
“Dean,” panimula niya. “About last night…”
Biglang dumilat si Dean. Pagkuwa’y marahas nitong hinila ang balikat niya para mapahiga siya ulit sa kama. Everything happened so quickly that the next thing Isaac knew, Dean was on top of him, and their faces were a inch away from each other.
Napalunok siya. Ramdam niya ang init na nagmumukha sa katawan ng lalaking nakaibabaw sa kanya.
“Whatever happened last night, sa atin lang iyon, okay?” bulong ni Dean. “Walang makakalabas, ha? Keep this as a secret between us.”
Dahan-dahan siyang tumango.
Then, Dean licked his lips and scanned his face. His eyes fixed on his lips. Muli nitong dinilaan ang sariling labi.
Isaac thought it was hot, and he would be lying if he denies that he was tempted to attack Dean’s lips. Pero minabuti niyang magtimpi. He really wanted to talk about last night.
Kaya, hinarang niya ang mga braso sa mukha nito saka ito tinulak palayo.
“Not now, Dean,” sabi niya habang pinapausog ito.
Nang harapin siya nito muli, napansin ni Isaac na nakabilog ang mga bibig nito na parang amaze na amaze sa kanya.
“What?” nagtatakang aniya.
Umiling ito saka ngumisi. “Naks, pumapalag na siya. Iba na,” kantiyaw pa nito.
Napatalak siya. “Tigilan mo nga ako.” Pinitik niya ang noo nito. “Aga-aga!”
Tumawa ito saka nahiga muli sa tabi niya.
Then, there was silence. Unti-unting nanumbalik ang lamig na nararamdaman ni Isaac palibhasa’y humuhupa na rin kasi ang pagkasabik na naramdaman niya kanina.
But rather than being bothered by the cold, muli niyang sinariwa sa isip ang nais sabihin sa kabanda. What happened last night was really messed up. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin niya lubos na maisip na nagawa niya iyon. It was unlike him.
But then, desperado na rin kasi siya. Habang tumatagal, lalong sumisikat ang grupo nila. As a matter of fact, sunod-sunod na nga ang guesting nila. Kaya naman mas nananaig na ang takot ni Isaac na baka masayang lang lahat ng hirap nila dahil sa katigasan ng ulo ni Dean.
“Dean,” sa wakas ay sabi niya ulit na bumasag sa katahimikan. Hindi umimik ang lalaki pero seryoso ang mukha nito, at sa wari ni Isaac, mukhang alam na nito ang pag-uusapan nila. “For sure siguro, pagod ka na rin sa kakakulit ko. Pero hindi talaga kita tatantanan--”
Bumuntonghininga si Dean. “No need to tell me, Isaac. Alam ko naman ang gusto mong sabihin.” Sinalubong nito ang tingin niya.
The first thing Isaac noticed was Dean’s eyes were full of regrets. Napamaang tuloy siya.
Bumangon muli si Dean at nangalumbaba. “Tama ka nga. Nabubulag na ako masyado sa galit at ambisyon ko.” Tapos napahilamos ito.
Habang bumabangon si Isaac, noon nagsimulang humikbi ang lalaki. As a reflex, dahan-dahan niya itong niyapos.
“I feel s**t, Isaac. I’m sorry,” bulong pa nito. “Tama ka nga. Kung tutuusin, wala naman talagang kasalanan si Lukas. It’s not his fault na willing gumastos ang papa niya para suportahan ang career niya. Masyado akong nainggit dahil walang pakialam ang nanay ko sakin.”
Agad na sumagi sa isip ni Isaac ang gabi na umuwing lasing si Dean matapos nitong makipagkita sa nanay nito. Tama nga talaga ang hinala niya. Hindi talaga naging maganda ang pagtanggap ng mama nito.
Pinunasan ni Dean ang mga luha. “Sa totoo lang, kaya talaga ako desperate na magkaroon ng malaking impact ang grupo natin e dahil gusto kong ipamukha sa Mama kung paano niya ako sinayang.” Nagkuyom pa ang kamao nito. “Gusto kong dumating ang araw na lalapit siya sa akin at magmamakaawang kilalanin ko siya bilang mama ko. And I’ll reject her right on the spot, the same way she rejected me.”
Napakalas si Isaac sa lalaki. “Ni-reject ka ng mama mo? Pero akala ko ba siya ang nakipagkita sayo mismo?”
Bumuntonghininga si Dean saka sinimulan ikwento ang nangyari: nakipagkita lang ang mama nito para ibida sa mga amiga na mayroon itong anak na artistahin.
“My mom has always been like that. She’s a narcissist, at gusto niya, siya lagi ang bida sa mga amiga niya,” dugtong pa ni Dean. “Tamo, ni hindi nga niya ako hinanap noong naglayas ako about eight years ago. Nakipagkita lang siya noong nag-debut na tayo at naging successful ang debut natin.”
Napamulagat siya. “Naglayas ka?” bulalas pa niya. That was a news to him.
Tumango ito. “Nakitira ako sa mga grandparent ko hanggang sa namatay sila a year later. Tapos, kinupkop ako ni Tito. At noong mga panahon na iyon, ni minsan ay hindi ako hinanap ng mama ko.”
“What the hell?” Napamaang na lang si Isaac pagkasabi niyon. Hindi siya makapaniwala na ganoon pala ang kwento ni Dean. “Bakit? Saka bakit ka ba kasi lumayas?”
Saglit na tumahimik si Dean. Parang nag-alangan pa itong magkwento pero kalauna’y sinabi rin. “Like I said, my mom is a narcissist. Against siya sa pangarap kong mag-pursue ng singing career dahil gusto niyang mas mag-focus ako sa pagiging top student. She even sabotaged my school performance once dahil pinili kong mag-practice kaysa mag-review sa exam.” Punom-puno ng galit ang boses nito. “So by the time I’m 14, napuno na ako. I decided to run away from home.”
Muli na lang napamaang si Isaac. He was out of words. Hindi niya talaga inakalang may ganitong kwento si Dean. Now, he was starting to understand where his anger is coming from.
Dean heaved a sigh. “Kung itatanong mo kung bakit matindi ang galit ko kay Lukas, that’s the answer. I’m envious. Because unlike him, I don’t have someone to support me.”
“That’s not true. Nandyan si CEO Franco.” And this suddenly reminded him of what Franco said a few days ago. Huwag daw panghihinaan ng loob si Dean because everything comes with a price. Sinabi niya iyon sa lalaki.
Biglang nanlisik ang mga mata nito. “Tang ina?” Nagkuyom muli ang mga kamao nito. “Akala mo naman siya talaga ang naghirap kaya siya sumikat.”
“Ha?” naguguluhang tanong ni Isaac. “Sino?”
“Si Tito. Sino pa ba?” Tumalak ito. “Remember, naging rapper muna siya bago niya naisip itayo ang label niya?”
Tumango-tango si Isaac. Kung hindi siya nagkakamali, nasa underground hiphop community muna si Franco bago ito biglang pumasok sa mainstream scene around five years ago. Then, a few hit songs later, tinayo na nga nito ang sariling record label. Hiphop artist din ang mga naging talent nito hanggang sa nagdesisyon nang mag-produce ng idol group dahil sa pagiging patok ng Kpop sa bansa.
“Pero bakit mo naman nasabing hindi siya ang naghirap?” nagtataka niyang tanong. “Napaka-hardworking naman ng tito, di ba? Nagkataon lang talagang na-discover siya ng dati niyang manager na nagpasikat sa kanya?”
Tumalak ito muli. “Hindi naman talaga siya ang na-discover kundi ako.”
“Ha?” Napakurap-kurap siya.
Pero tumiim-bagang lang ang lalaki. Salubong na salubong din ang mga kilay. Kung nakakahiwa nga lang ang titig, paniguradong naging pino na siya.
Pero kalauna’y pinakalma rin ni Dean ang sarili sa pamamagitan ng sunod-sunod na paghinga.
“Let’s stop talking about this. Basta ang masasabi ko lang, wag kang basta-basta magtitiwala kay Tito.” Naningkit ang mga mata nito. “Like my mom and his sister, narcissistic din si Tito. At karamihan sa mga pinagmamalaki niyang achievement niya, hindi naman talaga siya ang naghirap kundi ako.”
Tapos, tumayo ito at lumapit sa cabinet para kumuha ng damit.
As for Isaac, pinanood lang niya si Dean sa ginagawa. Pinipilit niyang intindihin ang sinabi nito. Si Dean daw ang totoong naghirap para may marating si Franco? But how?
He was so lost in that thoughts na tipong hindi niya namalayang tapos na palang magbihis ang lalaki. Muli itong bumalik sa tabi niya sa kama.
“But anyway, I guess I owed you an apology,” sabi nito sa kanya. Bagaman hindi makatitig, paramdam ni Isaac ang sincerity sa boses nito. Medyo nauutal pa nga ito at parang nahihiya. “I’m sorry, Isaac. Sa inyong apat, kung tutuusin, ikaw talaga ang pinakainapi ko. Will you forgive me?” Noon lang nito sinalubong ang titig niya. And Isaac could tell Dean really meant it based on his expression.
“Well…” Napakamot pa siya ng ulo. “Hindi naman ako mahilig magtanim ng sama ng loob. But promise me, titigilan mo na kung ano ang pinaplano mo, ha?”
“Sure.” Muli itong tumayo at nilapitana ng closet nito. Pagbalik sa kanya, inabot nito ang isang botelya ng gamot. “You can have this now. Tutal hindi ko naman na gagamitin.”
“What’s this?”
“Aphrodisiac.” Ngumisi pa ang gago.
“Tang ina mo, Dean. Ba’t mo binibigay sakin ito?”
“E ano bang gagawin ko dyan? Sabi ko naman, hindi ko na gagamitin, di ba?” Inabot nito ang kamay niya at pinatong ang gamot doon. “And besides, parang hindi naman yata tumatalab. Hindi umepekto kay Keaton, e. Actually, mas mukhang ikaw pa yata ang pinainom ko dahil ang wild mo kagabi.” Ngumisi ito.
Tinaas niya ang mga middle finger niya. “Gago.”
Humalakhak ito saka muling naupo sa tabi niya. “But yeah, that’s a promise. Titigilan ko na. Tama ka naman kasi. Masyado lang akong nadadala ng galit ko. Hindi na healthy.”
“Yeah. Mabuti naman at naintindihan mo rin ako,” tugon naman niya habang binabasa ang label ng gamot. “Pero baka naman ngayon lang yan, ha? Bukas, makalawa, balik ka na naman sa dati.”
“Oh? Wala kang tiwala sakin?”
“Hindi naman sa ganon. Pero… parang ganon na nga.” Naningkit ang mga mata niya. “It’s too good to be true, Dean. Pwinetan lang kita, bigla ka nang bumait? Parang ang hirap isiping totoo nga.”
Humalakhak ang lalaki. “Then, how about we make a dare?”
“Dare?”
“Yeah. A dare.” Saglit itong nag-isip. “Ang dare ay hindi ko na uulitin ang pinaplano ko kay Lukas. Actually, plano ko sa inyong lahat. So that means, no more s****l exploitation. Walang prostitution na magaganap para lang sumikat tayo lalo.”
Tumango-tango siya. “At kapag inulit mo?”
Muli itong nag-isip. “Hmm… I don’t know. Ano bang pwedeng consequence?”
Pati siya ay napaisip. Pero gaya nito, wala rin siyang ideya. “I don’t know,” tugon niya kasabay ng pagkibit-balikat.
“Then, how about this: kapag inulit ko, you’re free to leave the group?”
“Wow, that’s an easy solution. Kaso baka naman i-blackmail mo na naman kami.”
Tumawa ito. “E di i-blackmail mo rin ako. You know my secrets. Saka madali lang mag-turn table. Apat kayong witness laban sakin, hello?”
Napahimas si Isaac ng baba. Oo nga naman. The four of them could work together against Dean. Bakit nga ba hindi niya iyon naisip dati?
Ah, sabagay, ayoko kasing matibag kami. Kasi umaasa pa akong magbabago si Dean. Then, he smiled. And I’m right. Nagbabago na nga siya!
“Napangiti ka dyan?” hirit ni Dean kasabay ng pagngisi. “Tuwa ka bang binigyan na kita ng ideya kung paano ako kakalabanin?”
Binatukan tuloy niya ito. “Gago, hindi! Masaya lang ako kasi nagbabago ka na.” He heaved a sigh. “I’m glad hindi kita sinukuan agad kahit ba inaabuso mo na ako.”
Napawi ang ngiti nito at muli na namang binagabag ng kunsensya.
But before Dean could say any word, Isaac interrupted him and said, “Let’s forget about it starting today, okay? Mula ngayon, wala nang manipulation-manipulation na magaganap. I want our friendship to be real, Dean. Wala nang plastikan. Maliwanag ba?”
Tumango ito. “Yes.”
“Good.” Tinaas niya ang pinky finger. “Now, to seal our promise…”
Napakunot ito ng noo. “Tang ina? Ano ka, bata?”
Natawa siya. “Dali na!” Nang hindi kumilos si Dean, kinuha niya ang kamay nito at pinataas ang hinliliit. Then, he entwined his finger with Dean’s. “And this seals our promise.”
Napailing-iling na lang si Dean. “Parang bata lang,” reklamo nito pero kalauna’y ngumiti rin. “But you know what? I like this deal. Parang gumaan kasi ang dibdib ko pagkatapos nitong pag-uusap natin.”
“I’m glad you did. Mabuti iyan. Para sa ikabubuti rin ng banda natin.”
“Bigla tuloy akong na-excite na simulan na itong araw natin. Excite na excite na akong simulan na ang dare na pinag-usapan natin.”
“Yes. Tama ka dyan. And I think I have an appropriate response fo that.” Siya naman ngayon ang ngumisi.
Napakurap-kurap si Dean, senyales ng labis na pagkalito. “Ha? Ano?”
He cleared his throat and readied himself para sa pakulong naisip niya. Then, while imitating Dean’s arrogant tone, he said, “Well, come then, Dean! I dare you to move!”