Prologue
[Tulips Group Chat]
Jordi: Ate Mina? Kayo na ni Yanyan?
Muntik ko nang maitapon ang cellphone ko nang bumungad sakin ang tanong na iyon. Ito na ba ang tamang pagkakataon na aamin na ako sa kanila?
Totoy: Ooooohhhhh...Asking the real questions
Mother Horn: OMG
Ate Jane: Tapang ha! I stan Jordi!
Ina: Woah.hahahahahaha nice Jordi!
Ate Jane: Tama yan boy! Diretsahan na 'to.
Binabasa ko pa lang mga reaksyon nila, tila nae-excite ako sa susunod na mangyayari. Nag-iisip muna ako kung paano ko sasagutin ang tanong na 'yun o kung ako nga ba ang sasagot nun o si Yanyan na lang?
Jordi: Pls paki explain guys HAHAHAHAHHA dead air utak ko ngayon
Totoy: This deserves a sksksksksk
Ate Jane: @Eza Asan ka? Makinig ka dito
Ina: @Mina @Yanyan @Eza
Ate Jane: Hintayin natin silang magreply
Mother Horn: For the benefit of ebribadi
Jordi: Yes or No lang po, goods na ako hehe
Ate Jane: @Jordi Thank you for your question
Totoy: Spill the tea sis
Ate Jane: I admire your courage. I stan! Maknae line doesn't know the truth yet.
Ate Jane is right. I only told Ina and Jimmy about me and Yanyan dating. Yung ibang members medyo nahahalata na din nila dahil sa palitan namin ng cheesy words ni Yanyan sa group chat. Maliban na lang ata kina Eza, Jordi at Jill kasi hindi sila ganun ka active sa group chat kaya hindi na nila nababasa 'yun.
Biglang tumahimik yung chat. Seems like they are all waiting for my answer. I am in the mood to keep them guessing.
Me: Hulaan niyo
Ina: Anong klaseng sagot 'yan?
Mother Horn: Yes or yes? AHHHH @Nathan ASAN KA? WALA AKONG HAHAMPASIN DITO
Ate Jane: Shhh kayo muna. Ang tagal ng sagot!
Jimmy: Sana all matapang
Mother Horn: OO NGA JIM, DIBA??? SANA MATAPANG KA DIN
Jimmy: Sad
Yanyan: @Mina Ako na magsasabi?
Biglang nag-ingay yung chat dahil finally andito na si Yanyan.
Nathan: AHHHHHH
Eza: Ehe
Ate Jane: Eza makinig ka na
Eza: Nag backread na po ako hehe. Waiting for the reply. @Mina @Yanyan ANO NA?
Nathan: Halaaaa AAAHHHHHH
Ate Jane: Tapang talaga mga maknae namin eh. Demanding for an explanation
Eza: I deserve an explanation for I have been over thinking about dis situation for days
Ate Jane: Wow! Englisher
Isang katahimikan ang bumalot sa group chat habang naghihintay sila ng sagot galing sa aming dalawa. Pati ako ay naghihintay din dahil gusto ko na galling kay Yanyan yung sagot.
Yanyan is typing...
Lahat sila naka-seen ngunit walang bumibitaw ng salita o kahit isang emoji. They are all focusing on what Yanyan is about to send without blinking so they won't miss anything.
Yanyan: Yes. We're dating
There he said it. I couldn't stop smiling seeing those words beside his profile in the chat box. And the squad gone wild.
The Scam
Mina's POV
COINCIDENCE. A slightly complicated word. Some may think it's a normal thing we encounter everyday. A lot of things you can assume because of that. Some mistaken it from 'Destiny'. And some used it as an excuse.
Oddly, I'm afraid of that thing. Meeting a person anytime anywhere gave me that 'I want to hide' feeling. Sometimes, seeing someone I know in public made me pretend I didn't see them. My poor eyesight as an excuse, well, not all the time. Not that I hate them or what, it's just that I ain't good in talking to people unless he/she is a close friend of mine. I can say it's a weakness. Though,It's not a bad thing. Just a habit...a personality. It's just me.
"Manong bayad po.", wika ko sabay abot ng bayad. Almost one hour yung travel ko araw-araw papuntang school. Not that long coz I'm getting used to it.
But one day, one hour seems so long for me. It bothers me everytime I pass that certain area where chances I could meet him increases.
Manong wag kang tumigil dito please. The phrase I always say in my mind. Thank God, today the driver listened to my thoughts.
Minsan na weweirdohan din ako sa sarili ko. I wonder why I am so afraid seeing that guy along the way when I could still see him in the classroom. Yes, kaklase ko ang taong iniiwasan ko. It's not that he is some kind of killer to be afraid of but because he is a bit crazy.
He is smart and all but he is fcking weird! We were close back then before that embarrassing confession he made to me happened. I don't want to elaborate the details about it. Its killing me.
Now he is acting like a stalker and It's making my college life suffocating.
Bumaba na ako nang pumara yung bus sa tapat ng school. Tinanggal ko ang tali sa aking buhok para takpan ang piercings ko bago pumasok. Huminga muna ako ng malalim at humiling na sana hindi ko siya makasabay sa pagpasok.
"Mina!", boses palang alam na alam ko na kung sino ang tumawag sakin. It's him. The crazy classmate.
Lilingon ba ako? O wag na lang? Naka earphones naman din ako so I can pretend I didn't hear anything.
Mas binilisan ko ang lakad ko. Siguradong mahahabol din naman niya ako kasi mahaba mga biyas niya at iisa lang din naman ang destinasyon namin. Wait... so what's the point of walking this fast? Bobo ko talaga.
"Mina, hey!", there you go. Napahinto ako nang tapikin niya balikat ko.
I rolled my eyes with a sigh before facing him with a plastic smile. "Oh?"
He welcomed me with a smile but it just gave me goosebumps. Hindi ko alam ano iniisip ng taong ito.
"You're early", he casually said.
You're early because you want to see me longer... In his thoughts.
Not that I can hear thoughts or I'm being judgemental, but a friend of mine told me everything. Everything about what this person assumed that made him confess to me bravely. Too brave that it's too public na parang gusto ko na lang ibaon sarili ko sa lupa noong time na 'yun. Damn.
"Yeah", my only response. I'm about to plug-in my earphones to end the conversation when he spoke again.
"Siguradong may activity na naman si sir. You want me to help you in programming?"
There he goes. He knows what I need and he is using his weapon for that...intelligence.
"No need. I can manage. I can ask the prof directly if I need help"
And I won't fall for that again.
He assumed before that those small kindness I showed for him have deeper meaning.
He assumed that I am the one who liked him because I always talk to him, I accompany him in the library to solve problems, and I always spit jokes to him. Yes, I always asked for his help in our subject because he is smarter and capable. But that's it.
I don't know if he's narcissistic or what to assume all of that. Even after I rejected him, he is still clinging to me and it's making me uncomfortable.
***
"Ginulo ka na naman ba niya?", tanong ni Kiran. Siya yung tinutukoy kong kaibigan na nagsabi sakin lahat ng kabaliwang iniisip ng kaklase kong yun. Sa kanya din kasi humihingi ng tulong yun dahil alam niyang matalik kong kaibigan itong si Kiran.
"What's new?", walang ganang sagot ko.
"Alam mo Mina, naiistress na talaga ako sa lalaking 'yun eh", ramdam na ramdam ko ang inis ni Kiran sa pagkasabi niya nun.
"Wow. Diba ako dapat ang nagsasabi niyan?", patanong kong wika.
"Eh ang tigas ng ulo niya eh. Palagi ko nang sinasabihan na tigilan ka na niya dahil hindi ka na komportable sa mga pangungulit niya pero ayaw makinig. Pati ako kinukulit kung ano daw gagawin niya para maging close kayo ulit. Napaka stressful na nga itong kurso natin dumagdag pa siya. Ba't di mo na lang sagutin nang tumigil na?"
Napahalakhak ako dahil sa suhestyon niyang yun. "Ni ayaw ko ngang lapitan jojowain ko pa? Tss. Wala na akong magagawa diyan. Sasanayin ko na lang sarili ko araw-araw na iwasan siya. "
Akala ko nga nasanay na ako dahil ilang araw na din namang hindi ko siya masyadong pinapansin. Pag nag chachat siya sakin, parang sinasapian ako ni Totoy pag nagrereply. Pero ganun pa din. Walang nagbago. "But... I'm still anxious going to school everyday because of him.". dagdag ko.
"Exactly! Alam mo Mina, hindi na talaga tama 'to eh. Kausapin mo na lang kaya na wag na siyang lalapit sa'yo", suhestyon ni Kiran.
"As if makikinig yun", masyadong matigas ang ulo nun. Binigyan ko na nga din ng warning yun na wag na magconfess kung gusto pa niyang i-save yung friendship namin. Hindi ko alam kung sino ang may problema samin. Ako na tila may phobia sa 'love life' o siya na hindi marunong umintindi.
"Alam ko na!"Nagulat ako nang bigla siyang pumalakpak na parang may naisip itong magandang ideya. "Ito lang naiisip kong effective na paraan para layuan ka ng lalaking 'yun."
Ano kaya iniisip ng babaeng 'to. Siguraduhin niya lang na effective yan...at kaya ko.
"Ano?", I asked with a straight face but I'm actually curious.
"Fake boyfriend"
Nanlaki ang mata ko sa suhestyon niya. "F-fake boyfriend?"
***
No Boyfriend Since Birth? Guess, I have one now...but not real. Who would have thought that some time in my life I would be involve in this kind of prank? I never knew it would be this fun.
"Mukhang iba mood ng kaibigan ko ha? Ano? Nag work noh? ", komento ni Kiran sa tabi ko kasi pangiti-ngiti akong nakatitig sa phone ko. Maaga kaming pumunta ng school para magpa enrol for the next semester. Nagsimula na din itong fake boyfriend scam namin at kaya ako pangiti-ngiti dahil hindi lang para sa kaklase kong baliw itong scam, pati buong Tulips ay na biktima namin.
"Nakakatawa kasi kinikilig talaga mga tao dito sa groupchat namin", sagot ko.
"Ha? Bakit kinikilig---omaygad! Pati sila dinamay mo? Akala ko para lang sa lalaking 'yun lahat ng ito? ", gulat na gulat itong si Kiran.
"Hindi ko ideya yun, sumakay na lang ako. Mukhang masaya naman hehe",wika ko kasama ang pilyong ngiti.
Umirap naman si Kiran saka nagsalita,"Scammer ka talagang bata ka! Eh yung lalaking 'yun? Naniwala na bang may jowa ka? O kinukulit ka pa rin?"
"Hindi ako sigurado kung nagwork nga ba. Pero hindi na siya nagchachat sakin simula nang maghint ako sa f*******: story ko about me being inlove.", nakangisi kong sagot.
Before niya kasi nalaman na may 'boyfriend' na ako, halos araw-araw nagchachat yung lalaking yun.
[Mina, busy ka?]
[Mina, naiprogram mo na ba ito?]
[Mina, naisolve mo ba yung huling problem na binigay ni Sir?]
[Mina, anong magandang gawin kapag bored ka?]
[Mina, recommend mo nga ako ng kpop girl group na magandang i-stan]
Akalain mong pati KPOP pinasok niya para makausap ako. Minsan hindi ko na lang siniseen at binabasa lang sa notification yung chat niya o kaya nag o-offline na lang.
"Sino nga pala yung 'chosen one'?", kumunot noo ko sa tanong ni Kiran.
"Anong 'Chosen one'?"
"Ang slow mo talaga! Yung fake boyfriend mo, sino?", napanganga ako ng konti nang ma gets ang ibig niyang sabihin. Hindi ko pa pala nasabi ang bagay na yun.
"Ah, si Yanyan"
"Yanyan? Sino yan? Hoy, baka random guy lang sa f*******: yan ha! Alam mo kinakabahan na ako sa'yo Mina", Hinampas pa niya ako ng mahina. Ito talagang kaibigan ko kahit kailan napakapraning.
"Gaga! Syempre hindi ko magagawa 'yan. Mas mahihirapan ako kapag random stranger. Tss"
"Eh sino nga yung Yanyan? Crush mo? Nagtetake advantage ka?---Aray!", This time binatukan ko na talaga.
"Overthinker ka sist? One question at a time lang kasi atsaka anong crush yang sinasabi mo? Kaibigan ko si Yanyan. Kasama ko siya sa grupo, yung Tulips"
"Ahhh", napatango siya habang hinihimas pa yung ulong binatukan ko. "So bakit siya? Atsaka ano yung sinasabi mong f*******: story? Ba't di ko nakita 'yun", tanong niya ulit.
Ngumisi ako habang inaalala mga pagplaplano namin sa scam na ito. Hindi si Kiran ang kasabwat ko sa pagplaplano kahit siya yung nagsuggest ng lahat nang ito, si Mother Horn.
***Flashback***
December 26, 2019
"Eh sino naman gagawin kong fake boyfriend nito?",mag-isa kong kinakausap sarili ko.
"Si Totoy ", napalingon ako nang may sumagot sa likod ko. Ate ko pala. Mother Horn tawag sa kanya ng mga kaibigan namin kasi Doctor na tatandang dalaga. Mukhang magkapatid nga talaga kami.
"Kanina ka pa diyan? Narinig mo pinag-usapan namin ni Kiran kanina?", tanong ko at tumango siya.
"Syempre eh sa lakas ng boses niyong dalawa. Sana all may stalker, ganda ka girl?", napairap lang ako sa komento niya.
"Tss. Ginusto ko ba 'to? Ba't di na lang ako pinanganak na pangit edi sana wala akong problemang ganito.", sabi ko with hair flip pa.
"Ambisyosa ka talaga. So ano plano mo d'yan?", umupo si ate sa tabi ko habang nagscroscroll lang sa f*******: nito.
"Ayun nga, Fake boyfriend daw suggestion ni Kiran. Malakas din ang feeling ko na magwowork yun. Siguro nama'y lulubayan na ako ng stalker pag nalaman niyang may boyfriend ako, diba?"
"Sigurado ka? What if psycho yun at papatayin niya sino mang jojowain mo kasi obsessed siya sa'yo at gagawin niya lahat mapunta ka lang sa kanya?", sumama tingin ko nang sabihin niya yun.
"Alam mo, masyadong lumilipad na yang imagination mo kakanood ng Kdrama. Hindi naman ganoon ka weird yung lalaking 'yun. Talagang matigas lang yung ulo nun at siguro itong fake boyriend na 'to magwowork sa kanya.", I'm quite positive that this mission might be the way to end my anxiety in going to school everyday. "Pero ang problema ko ngayon, sino naman gagawin kong fake jowa?"
"Problema ba yan? Dami mong kaibigang lalaki d'yan. Kahit mag random pick ka lang sa Tulips, sasakay mga 'yun.",suhestyon niya nang hindi nakatingin sakin.
"At bakit si Totoy sinabi mo kanina?"
"Eh diba may access tayo sa isang account niya sa f*******:? So in case na magchat yang stalker mo for confirmation, edi tayo lang din magrereply.", suhestyon niya. Gumawa kasi talaga kami ng second account para kay Totoy kasi marami itong fangirls at ayaw niyang makita ang totoong account nito sa f*******:. Ayaw din niyang i-tag namin siya sa mga photos kapag may event, pa mysterious effect ba, kaya naisipan na lang naming gumawa ng public account para sa kanya.
May point din naman si ate at pwede din si Totoy yung gagawin kong fake boyfriend kaso..."Tapos hindi na ako kakausapin ni Ina habang buhay? Ganun?"
"Ay oo nga pala! Nakalimutan ko na crush pala ni Ina itong si Totoy. Hmmm..si Jimmy na lang kaya? Mas madali para sa'yo na magpanggap kasi close kayo"
"Oo pwede sana si Jimmy pero ang problema, kilala nitong si stalker mga close friends ko. At alam niyang may barkada ako na mix gender. Na may girl, boy, bakla, tomboy, butiki at baboy. Obviously, kilala niya din si Jimmy. Baka weird lang na bigla kong jinowa ang isang close friend to think na isa din sa dahilan ba't ako nagbabala na huwag nang ituloy ang 'confession' ng stalker...para hindi masira ang friendship namin. Pero gago siya at tinuloy parin so eto ako ngayon, mangi-iscam para tumigil na siya sa pangungulit.",napasinghal ako dahil first time kong sabihin mga ganitong bagay sa ate ko. Puro KPOP at course struggles lang kasi talaga pinag-uusapan naming magkakapatid.
"Eh ba't ganyan ka? Parang confession lang naman F.O. agad? Eh bakit si Jimmy, kaibigan mo pa rin naman siya kahit alam mong may gusto siya sa'yo?"
Napaisip ako sa tanong na 'yun. Ilang beses na kasing magparinig sa group chat itong si Jimmy na crush niya ako especially kung lasing siya. Nalaman ko din kay Ina na totoo yun at hindi trip trip lang. Pero siguro dahil second time na ito kaya hindi ako naawkwardan. Noong grade 9 pa kasi akong crush nitong si Jimmy at nong time na yun hindi ko talaga siya pinapansin kasi awkward pero noong malaman kong iba na yung crush niya, dun naging close kami ulit.
"I know that this personality of mine is weird and I'm trying to change it. I'm trying myself not to be awkward with them. I tried to be mature on those things."
But this crazy classmate of mine is a special case. Aside from confessing in a not so good way, he keeps bothering and pestering me when I'm in the middle of fighting the trauma he gave to me. I considered keeping my friendship with him when I knew that he likes me since I'm working on my maturity with these kind of things but, what he did is making me uncomfortable. I was traumatized because of that embarrassing confession. He should at least gave me time after that to process everything but he is damn hard-headed. Now I'm really serious in doing this scam if that could stop him.
"Alam ko na! Si Yanyan na lang kaya? Hindi naman siya siguro kilala ng stalker mo? ", napatigil siya sa ginagawa nito sa phone nang sabihin yun.
"Pwede si Yanyan...", pagsang-ayon ko habang nag-iisip ng cons kung si Yanyan yung magiging chosen one "Sa naiisip ko...mukhang wala naman akong makitang negatibong rason na kung si Yanyan ang magiging fake jowa ko. Hindi siya kilala ng stalker, close kami kaya hindi mahirap umakting at single din siya so walang magagalit. "
"Exactly! At isa pa magaling sumakay sa mga trip yun. He is a prankster, remember?" napatango-tango ako dahil sa suhestyon ni ate.
"Alright! Let's go with Yanyan", I decided.
The decision was made that night and Yanyan is going to be my fake boyfriend. On the same night I messaged him to inform about this matter
Me: Yan...
Wala pang limang segundo ay nag reply agad ito.
Yanyan: Yes?
Me: Sumakay ka plss
Yanyan: Ok2
Kita mo na, hindi pa nga niya alam kung ano sinasabi ko, nag 'okay' na agad.
Me: Can you pretend as my boyfriend?
Yanyan: Sure. Bakit? Para saan?
Usually, if you ask someone to pretend as your boyfriend, their reactions are either shocked or speechless while gasping the situation. This kid is kinda different. He isn't shocked at all.
Me: Eh ganito kasi yun... may kaklase akong baliw.. not literally...just a 'Sasaeng'type of craziness.
Yanyan: hahahaha. Then?
Me: Ayaw niya akong tantanan kasi mahal niya raw ako like WTF?! That fast? That Sure?
Yanyan: OMG! HAHAHAHAHAHA Sana all
Me: Hindi sa assumera o ambisyosa ako ha... sinabi lang din naman sakin ng kaibigan ko mga iniisip niya. Like ako pa nga daw ang may gusto sa kanya. Naiinis lang ako kasi nakakabother na yung mga chats niya sakin.
Yanyan: Don't worry. I can relate.
The moment he said it, I knew Yanyan would be perfect for this role.
Me: To the point na it creeps me out. I'm getting anxious in going to school because of him.
Yanyan: That's sad. I can truly relate, Mina. I experienced that before...
Nagsimula na din siyang mag share sakin.
Me: You got a stalker? Well, not surprised tho, famous ka din naman hahaha
Yanyan: Hindi naman... sinusundan lang naman ako sa bahay.
Lang? Some stranger following you at home and you gonna chill like that? Sanay na sanay ata ang batang 'to.
Me: WTF? So anong ginawa mo 'dun?
Yanyan: That was a long time ago. I talked to that girl and gladly, she stopped stalking me.
Sana all madadala mo sa 'talk'
Me: That's a big problem for me. Yung kaklase ko kasi hindi madadala sa 'talk' at kailangan ko pang hiramin ka para tumigil na siya.
Yanyan: Parang hindi naman ata tama 'yan. What can I do?
Me: Yun nga. Suggestion ng friend ko na 'fake boyfriend' daw. Eh sa palagay ko kasi kayang-kaya mo 'yun hahahaha Is it fine with you?
Yanyan: Ya. No problem. Ano gagawin ko? Chat him? To stay away from you?
Me: That would be too obvious. You don't need to take a move, all you need is to go along. Uhmm.. just in case na mag message siya sa'yo to confirm something, that's the time you will pretend as my boyfriend.
Yanyan: Alright. Ano ba sss niya?
Me: I'll send the link.
Saglit na tumahimik yung chat dahil hindi na siya nag reply. Hinukay ko na din gallery ko para maghanap ng picture naming dalawa ni Yanyan. Unfortunately, puro group photo lang namin sa Tulips yung nandito. May mga group photo din naman na magkatabi kami pero alangan namang i-crop ko lang iyon. Hindi na kapani-paniwala na magjowa kami kung ganun.
Me: Yan.. May picture ba tayong dalawa sa phone mo? I-stostory ko lang sa fb
Yanyan: Sent a photo
Me: Thanks! I-cucustom ko lang yung viewers. Maraming pa-issue, mahirap na.
Sinave ko na yung photo at inupload ito sa f*******: strories. Nilagyan ko pa ng mga heart emojis para mas kapani-paniwala. Yung viewers naka custom lang sa kaklase kong baliw at kay Yanyan.
Yanyan: Mina
Hindi ko alam ba't bigla akong kinabahan sa pagbanggit niya ng pangalan ko.
Me: Bakit?
Yanyan: What if...i-extend natin yung scam na 'to?
Me: Ha? What do you mean?
Yanyan: Biktimahin na din natin yung Tulips. Hahaha
Napaisip ako sa sinabi niya. Iniisa-isa ko muna mga pwedeng mangyari kapag gagawin namin 'yun.
What if maging kami ni Yanyan, ano kaya magiging reaksyon nila? Lalo na si Jimmy at Ina kasi sila yung matagal na akong kilala, maniniwala kaya sila na may jowa ako kahit na buong buhay nila iniisip na tatandang dalaga ako? Sigurado naman ako na mabilis namin mapaniwala yung ibang members kasi hindi pa naman nila ako kilala nang ganun katagal.
Mina: Curious din ako sa magiging reaksyon nila, so why not?
***End of Flashback***
"Aba't parang professional ha! So ano na plano niyo?", reaksyon ni Kiran matapos kong maikwento ang pagplaplano kagabi.
"Anong plano? Edi magpanggap"
"I mean kay stalker. Nakita ba niya yung story mo kasama 'yang Yanyan?", tanong niya.
"Kanina chineck ko din yung viewers pero mukhang hindi pa niya nakikita." Pero bakit tumigil na siya sa pagchat kung hindi pa niya nakita yung story ko?
"Pm ko kaya sa kanya? Like casual lang... 'Uy, nakita mo na 'to? Jowa ba ni Mina 'to?' Parang ganun", suhestyon ni Kiran.
"Sige game!", I agreed. Ilang minuto na lang ay makakarating na kami sa school at makikita ko na naman siya. How I wish he viewed my story to keep distance from me at least today.
Ginawa ni Kiran yun at good timing kasi online siya.
"Ano sabi? Naniwala ba?",tanong ko.
"Hala, sineen lang ako", napasinghal ako nang sabihin yun ni Kiran. Paano kung hindi naniwala? Ang aga naman kung mission failed na agad. Hindi pa nga kami nakaka acting for real.
Bumaba na kami ng bus nang nasa tapat na namin yung school. Wala pa masyadong tao dito at wala pa yung mga school staff na mag-eenrol sa amin. Masyado kaming maaga at tila nasa unahan kami ng linya for enrollment. Mabuti nga kung ganun para hindi na ako aabutin ng hapon dito. Pupunta kasi kami after lunch doon sa hometown ni Yanyan. May KPOP event kasi dun, wala namang sasali samin pero balak lang talaga naming pumunta at manood doon for roadtrip at para na rin sa scam.
Lumabas muna ako ng school para bumili ng cup noodles. Hindi kasi kami nakapag almusal ni Kiran. Ako lang yung bumili para siya yung babantay sa pila. Medyo nagsisi nga ako na ako yung bumili kasi what if makasalubong ko siya? Bahala na.
Nakabili ako ng cup noodles na hindi ko siya nakikita. Mabilis akong naglakad sa hallway pabalik kay Kiran kasi mainit itong hawak ko. Biglang naramdaman ko ang paglagpas ng isang aninag sa gilid ko. Naunahan niya ang mabilis kong paglakad at napahinto ako upang tignan kung sino 'yun nang makalagpas na siya sa akin. It's him, the stalker. Naka-earphones siya at nilagpasan niya lang ako. Not that I'm anticipating it but it's odd that he didn't call my name when I'm sure that he saw me. I wore a smile because I have this feeling that this scam is working.
***