"Hey, I miss you!" Saad nito.
"Oh, okay." Tanging nasabi ko. Hindi ako mahilig sumagot ng I miss you too, alam niya rin naman yon kaya hindi na siya mag r-react ng kung ano sakin dahil sa sagot ko.
He's Kennedy, Kenneth's twin brother. Pero mas okay na siya kesa sa kapatid nyang si Kenneth. Kennedy is smart, masipag yan sa pag-aaral at hindi babaero kagaya ni Kenneth.
"Hindi ka pa rin talaga nag babago." Tawang sabi niya at ngumiti lang ako.
"Pano ka nga pala nakapasok dito? Teka may dala ka bang sasakyan papunta dito?" Tanong ko sakanya.
"Oo, ayan oh." Sabay turo sa likuran niya.
"Yang van?" Paniguradong tanong ko at tumango naman siya. Nagtaka ako ng parang may ibang tao pa yata don sa loob ng sasakyan niya.
"Hmm, sino yang mga kasama mo?" Takang tanong ko habang nakatingin parin don sa van. Para din kaseng may nakamasid sakin na tao don sa loob ng van.
"Ah, mga ano kaibigan ko." Sagot nito at napatango-tango nalang ako.
Biglang tumunog ang phone ko, mukhang may nag text yata kaya kinuha ko yon sa bulsa ko pero hindi ko muna ito tinignan. "Ba't ka pala nandito?" Takang tanong ko sakanya.
Napakamot siya sa ulo niya. "Yayain sana kita lumabas, weekend naman bukas eh, walang pasok."
Magsasalita sana ako pero hindi ko na nagawa kase hinatak niya ang kamay ko at bubuksan na sana ang pintuan ng sasakyan. "Teka wala pa nga akong sinabi na sasama ako sayo." Napatigil siya at ako rin.
Sobrang lapit niya sakin kaya na aamoy ko siya. "Teka ba't nangangamoy alak ka?" Kunot noo kong tanong.
Saka nangangamoy sigarilyo pa sya ah?
"Hindi ah! Ano ba Summer alam mo namang di ako umiinom." Deny nito sabay tinaas pa ang dalawang kamay.
"Anong tingin mo sakin? Tanga o bobo? Hindi ako umiinom pero alam na alam ko ang amoy ng alak." Seryosong sabi ko sakanya at seryoso rin siyang tinignan.
Ilang saglit lang ay tumawa siya. "Maldita ka talaga kahit kelan. Oo na, kunti lang naman."
"At kelan ka pa natutong uminom. Alam ba yan nila Tita?"
"Di naman nila kailangan malaman."
Magsasalita sana ako pero bigla niyang iniba ang usapan.
"Althea sige na sumama ka na please? Kahit ngayon lang." Sabay nag puppy eyes pa siya sakin kaya natawa nalang ako ng saglit.
"Magpapaalam muna ako kay mommy--" titignan ko na rin sana 'tong phone ko pero hinawakan niya ang kamay ko kaya napatigil ako.
"Wag na! I mean, tapos na Althea nagpaalam na ako sa mommy at pumayag naman siya. Sinabi ko rin naman na ihahatid kita pauwi sainyo."
"Okay sige, basta ayokong magpa gabi okay?" Tinuro ko pa sya gamit ang hintuturo ko. Nag okay naman siya sabay na tumango at hinawakan ang kamay ko, hinila niya ako papasok don sa loob ng van.
Napataas naman ang kilay ko kase akala ko ordinaryong van lang, party van pala to. Napaupo ako at napatingin sa mga kasama niyang apat na lalake at isang babae, mukhang mag boyfriend at girlfriend yata itong dalawa na nasa gilid kase nakaakbay yong lalake don sa babae at basta medyo sweet sila tignan, parang may something sakanila ganon.
"Kenn ano to? Ba't ganito dito?" Tukoy ko pa sa table don na nasa gilid, may mga alak na nakalagagay pa don at yong dalawa niyang kaibigan ay kasalukuyan ngang umiinom. May kunting music dito sa loob ng sasakyan at may lights pa na parang nakakahilo tingnan.
"Nagsasaya lang kami Althea." Pabulong niyang sagot sakin.
"Guys si Althea nga pala, siya yong sinasabi ko sainyo." Sabi nito at nagsingisi lang yong mga kasama niya na para bang may kung ano yata silang iniisip na sila lang ang nakakaalam. Inakbayan pa ako ni Kenn pero dahan-dahan kong inalis ang kamay ni qya.
Ramdam ko yong pag andar ng sasakyan. Nag hi naman sila sakin pero di ako nag hi pabalik.
Napakamot ako sa ilong ko dahil sa na amoy ko. "Ba't nangangamoy sigarilyo itong sasakyan ny--" napatingin naman ako sa isang kasama nila na naninigarilyo tapos yong usok talaga sa akin na nupupunta kaya tinatakpan ko ang ilong ko.
"Pwede bang wag kang manigarilyo? Ambaho kase, sumasakit ang ilong ko dahil dyan." Pagtataray ko. Hindi ko maiwasang hindi mag taray lalo na sa mga taong hindi ko gusto.
"Pre attitude talaga."
"Papatulan ko na talaga yan pre." Dinig ko ang bulongan nong dalawa pero di ko nalang 'yon pinansin.
Napatingin na lang ako dito kay Kenn na umiinom ng alak kaya umusog ako kunti palayo sakanya at napahinto ng tumingin siya sakin.
"Althea gusto mo?" Tanong niya.
"Hindi ako umiinom Kenn." Mabilis kong sagot sakanya.
"Ganyan rin naman ako nong una pero masasanay ka rin." Saad nito at inabutan pa ako ng baso.
Ano bang nangyayari sakanya? Hindi naman siya ganito dati ah? Mukha yatang naimpluwensyahan nitong mga kasama niya!
"No, thanks. Ayoko talaga uminom Kenn. Saka ano ba to ha? Inaya mo ba ako para dito? Saka ano ba yang mga kasama parang mga sira na yata eh, sobrang laseng na!" Malakas kong sabi para marinig niya itong pinagsasabi ko eh, kase naman biglang nilakasan yong music dito sa loob.
I'm sure hindi to alam ni mommy ang tungkol dito, dahil kung alam niya di nya ako ipapasama kase malamang hindi naman ako nito papayagan na uminom at sumama sa ganyang klaseng tao. Saka hindi lang naman ang mommy ko ang may ayaw, ako rin ayoko sa ganyan.
Hindi ko alam kong narinig nila yong sinabi ko kase napatingin sila saglit sakin at bumalik rin naman sa ginagawa nila. Ang iingay nila kahit sobrang lakas na ng music, kumakanta sila sumasabay sa sa music habang umiinom ng alak.
Itong isang kasama nila I think same age ko lang siya, kame ni Kenn at itong dalawa naman mukhang mas matanda pa sa amin. Around 20 na yata ang edad nitong dalawa.
"Wala ba kayong dalang tubig dito?"
"Obvious naman na puro alak lang ang nandyan oh." Sagot ni Kenn sabay turo pa.
Mukha namang may nakarinig sa boses ko na kasama nila. "Ako meron akong tubig dito." Saad nong babae at may kung anong kinuha sa may likuran niya. Inabot niya sakin 'yong bottle na may tubig at kinuha ko naman 'yon.
I think, mas matanda pa siya sakin, feeling ko lang naman. Base sa mukha naman siyang mabait na hindi, di ko alam kung bakit kahit parang nagpapakita siya ng kabaitan sakin sa pamamagitan ng pag bigay niya ng tubig eh, hindi ko parin siya gusto.
Uminom na ako ng tubig na binigay nito sakin at para bang may nalasan yata akong kakaiba sa tubig. "Tubig ba talaga to?" Mahinang tanong ko sa sarili. Napailing-iling nalang ako at uminom pa ulit.
"Kenn ihinto mo nalang ako dito ayoko sumama sa ganito." Kalmadong saad ko sakanya. Pero kumunot lang ang noo ko dahil mukhang hindi siya nakikinig sakin.
"Kenn," may kung anong binigay ang kaibigan niya sakanya at nagsitawanan sila.
Tumayo na ako pero para yatang bigla akong nahihilo kaya napaupo ako ulit.
Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng mariin.
"Althea try mo to promise mag e-enjoy ka sige na." May nilagay siya sa kamay.
"A-Ano to?" Tanong ko at tinitigan 'yon pero nandadalawa na ang paningin ko kaya mabitawan ko 'yon.
Napasandal na lamang ako habang nililibog ang mata sa paligid.
Ramdam ko na may humawak sa hita ko at ramdam ko ang mainit na hininga ni Kenn sa bandang leeg ko. "Wag kang mag aalala Althea, iuuwi naman kita pagkatapos nito."