13: To Stay

229 Words
"For how long do I need to endure you, acting like a princess?" Sinimangutan ko si River. "Pagkatapos ng mahabang kwento ko sayo ay talagang magsasalita ka sa wikang banyaga?" "Now I am stuck with you," suminghap na naman ito na parang ang laki ng kanyang problema. Kaharap ko ito at nasa loob daw kami na tinatawag niyang 'opisina'. Pagkatapos ng gulo na nangyari kahapon sakin ay mabilis akong binalikan din agad ni River. "Puwede bang huwag mo iyon gawin ulit sakin?" Biglaang sabi ko sakanya. Napahinto ito sa pagtingin sa mga papel at tinignan ako. "Anong gagawin ko sayo?" Takang tanong niya. "Huwag mo ako iwan basta kung saan. Natatakot ako," sabi ko sakanya. Muling natigilan ang lalaki at tinitigan ako na tila may awa sakanyang mata– ngunit saglit lang dumaan iyon sakanya at bumalik din sa malamig na tingin. "Hindi kita kilala at hindi lang ako basta na tao. Anak ako ng presidente–" "At anak ako ng hari noon—" "And that is bullsh!t," irap nito. Halatang hindi naniniwala. "Bakit hindi mo na lang kasi sabihin kung tiga saan ka talaga para matapos na 'to? Ihahatid kita at bibigyan ng proteksyon. Bakit hindi mo na lang sabihin at tigilan ang imahinasyon na isa kang prinsesa?" "Pero isa talaga akong prinsesa!" "Oh god, hanggang kailan ko titiisin 'to?" Aniya sabay sandal sa inuupuan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD