Hindi ako tigarito. Iyon ang napagtanto ko noong pumasok sakin lahat ng nangyari.
Hindi ko ito lugar o kung ano pa. Hindi ko alam kung nasaan ako. Nawawala ako at hindi alam ang daan pabalik.
Nawawala ako sa hinaharap.
Isa akong prinsesa pero lahat ng tao dito ay hindi ako kilala at kung tignan ay akala mo ay kung sino lang ako!
Pero nagtataka ako dahil ang tawag nila sa lugar kung nasaan ako ay palasyo.
Pilipinas— at tawag sa hari ay Presidente.
"What did you tell Stella?" Tanong nito sa'kin noong naglakad na kami palayo mula sa babae. "I hope you didn't act stupid or tell anything to her. She is a journalist."
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," sabi ko ulit. "Hindi ako nakakaintindi ng wikang ingles," diretsong sabi ko sakanya.
Kumunot ang noo nito. "What?"
"Hindi ako tigarito," bahagi ko sakanya. "Galing ako sa ibang–"
"Saan ka nanggaling? What country?"
"Galing ako sa sinaunang panahon," kwento ko sakanya.
Doon na kami tuluyang huminto sa paglalakad.
"What the h3ll?" Tinignan ako nito ng masama. "Stop saying ridiculous things..."
"Hindi kita maintindihan. Kung nais mong kausapin ako, maari bang sa wikang binibigkas ko rin?"
Tinignan niya ako na tila hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.
"I don't know what's your game here, but stop it before I get really mad," aniya ng may seryosong tono, tila nagbabanta.
"Hindi kita maintindihan pero bakit mo sinabi sa iba na ako ay iyong kasintahan? Saan mo nakuha ang illusyong iyon?"
Lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki sa sinabi ko. Namula ang leeg nito.
"Bakit mo naman naisip na nag-iilusyon ako na girlfriend kita? Tingin mo ba, gusti kita?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit, hindi ba?"
Hindi naman niya ipagkakalat sa ibang tao na ako'y kasintahan niya kung hindi ako gusto!
Pagak itong natawa. "Hindi ka umabot sa standards ko. Lumaki ata ang ulo mo masyado?"
Ano ang salitang standards at bakit hindi ako nakaabot?
"Hindi lumaki ang ulo ko, sadyang hindi ko lang talaga mahanap ang dahilan kung bakit mo sinabi sa iba na ako'y iyong kasintahan— pasensya ka na ngunit wala akong balak magpatali sa kahit na sino dahil gusto ko pa maging masaya mag-isa."
Ngumisi lang ito sa'kin. "Hindi mo alam ang dahilan? Kailangan may magpanggap na girlfriend ko for this event. Huwag kang mag-alala, napilitan akong ipakilala ka dahil wala akong choice. At ikaw ang unang nakita kong babae kaya... ikaw ang hinila ko."
Kailangan may magpanggap na girlfriend? "Bakit naman kailangan kong magpanggap na kasintahan mo? Isa pa, pumayag ba ako?"
Hinila ulit nito ang braso ko. "Hindi ka pala pwede umalis dahil hinahanap ka ni dad."
Hinawakan nito ang aking kamay. "Can you act normal and don't say anything weird?"
"Anong sabi mo?" Takang tanong ko sakanya. "Uulitin ko, hindi ako nakakaintindi ng wikang ingles."
"Sabi ko, magpanggap ka na normal. Huwag kang tono sinaunang tao–"
"Ngunit galing talaga ako sa sinaunang panahon!" Inis na sabi ko sakanya. "At hindi ako pumapayag sa pagpapanggap na nais mong mangyari! Ayokong magsinungaling!"
"Bakit mo ba ako tinatanggihan? Can you just say yes so I can do this smoothly?" Iritadong aniya.
"Ikaw pa ang iritado sating dalawa? Ikaw ay may kailangan sakin, hindi ba?"
Napahinto ulit ito sa paglalakad at nakatiim ang bagang nito noong nilingon na ako.
"Are you threatening me now?"
"Hindi kita maintindihan," sabi ko sakanya at kinuha ko ang aking braso. "Huwag mo rin ako basta hawakan."
Nilagpasan ko ito upang hanapin ang daan paalis.
Tunay ba na ito ay ang hinaharap?
"How unlucky I am... of all girls that who wanted to date me, ikaw pa talaga ang nahila ko," bulong niya sa sarili na hindi ko na lang pinansin. "Hey, woman!" Habol nito sakin.
"Huwag mo akong hawakan," inis na sabi ko sa lalaki.
"At bakit namam hindi? Maraming babae ang gusto magpahawak sakin–"
"Bakit napaka-ilusyunado mo?" Hindi ko mapigilang itanong sakanya. "Saan ba ang lagusan palabas sa lugar na ito?"
"What the fvck? Lagusan?" Tanong nito. "Can you stay here for a while? Don't worry, I'll pay you good."
Lumiko ako sa pasilyo. Ang daming pasikot-sikot ng palasyong ito. Mabuti na lang at walang tao.
"I didn't expect that you wouldn't agree with what I want. I am the president's son. Ayaw mo ba talaga na tulungan ako? May kapalit naman."
Kapalit?
Napahinto ako sa sinabi nito. Kailangan ko malaman at makumpirma kung hinaharap nga ba talaga ang lugar na ito.
"Kung ganon ay ipakilala mo sakin ang mundong ito at tutulungan kita," sabi ko sakanya. "Wala bang palasyo dito?"
"This is palace—"
"Kung gusto mong tulungan kita ay itigil mo ang kakasalita sa lenggwaheng iyan," aniya.
Kumunot ang noo nito. "Ayaw mo ba ng pera?"
"Pera?" Takang tanong ko. "Ano ang bagay na 'yon?"
Suminghap ang lalaki. "Pera, salapi—"
"Ah, salapi?" Putol ko sakanya. "Marami kaming ginto sa kaharian at hindi ko kailangan ng salapi mo," sabi ko sakanya.
"You're funny," tawa niya. "So ayaw mo ng pera?"
"Ayoko. Gusto ko ay kausapin mo ako sa wikang binibigkas ko rin at sagutin ang mga tanong ko."
"That's easy," he chuckled. "Sigurado ka na ayaw mo ng pera? O may kailangan ka sakin?"
"Ano namang kailangan ko sayo?" Nakangiwing tanong ko sakanya. "Sisimulan ko na ang pagtatanong."
Tumango lang siya bilang sagot–pero napatigil din agad ako noong ilagay niya ang kamay sa beywang ko.
"Pangahas?!" Tinapik ko ang kamay nito.
"Kasintahan kita, hindi ba? Kailangan nating magpanggap ng maayos," sabi nito.
Hindi ako nakapagsalita at siya naman ay tuloy lang ang paghawak sa'king beywang.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sakanya.
"Gusto ka makita ni dad."
"Dad?"
Suminghap siya. "Dad– ama."
Tumango-tango ako sakanya. "Bakit naman gusto ako makita ng iyong ama—"
"Dahil girlfriend kita. Natural na dapat kitang ipakilala doon. Hinahanap ka din ng iba sakin... So kailangan mo magpanggap ng matagal."
"Kung ganon ay mag-iisip pa ako ng ibang kapalit dahil matagal akong magsisinungaling," sabi ko sakanya.
Pagak itong natawa. "Okay."
Binuksan nito ang pintuan.
"Pero huwag kang umakto na parang hindi mo sila naiintindihan, alright?"
"Hindi ko naman talaga sila—"
"Hindi mo pwede sabihin na hindi mo naiintindihan ang english. That's a basic language here at nakakapagtaka kung bakit hindi mo alam..." Umiling pa ito. "Saan ka ba galing? Korea?"
"Korea?"
Tumaas ang kilay ng lalaki sakin at tinignan ang mukha ko.
"Come to think of it, you look like one..." Aniya. "Saan ka ba talaga galing?"
"Galing ako sa unang kaharian–taong 1889," sabi ko sakanya.
Kumunot ang noo ng lalaki sa sinabi ko. "Well, that's fvcked. Mukhang galing ka sa mental hospital..."
Hindi ki ito pinansin dahil may bumati sa'min.
"Hello, River at Adelaide!" Bati sa'min.
Nakita ko na marami na namang nakatingin sa'min at mukhang gusto na namang kausapin si River.
"Magandang gabi," bati ko pabalik. "Kumusta po kayo?"
Napalingon sa'kin ang ginang. "Ang formal naman magsalita ng girlfriend mo!" Tawa nito at tinanguan ako. "Ayos lang ako, hija. You look very fine by the way! You look ethereal!"
"Ano—"
"Thank you..." Si River na ang nagsalita. "If you will excuse us... I need to find my father first."
Habang naglalakad ay may hinugot ito na isang kahon at inilagay niya sakanyang tenga.
"Good evening, I think I fvcked up... i randomly pull a girl on the party and just... announce that she was my girl..." Aniya. "No, there is something wrong about her. Nagpapanggap siya na galing sa ibang lugar and talking about sh!ts. Can you find her for me? ASAP? My father is meeting her– Yes! Yes! I know I fvcked up!"
Kumunot ang noo ko. Sino ang kausap niya?
Kinalabit ko ang lalaki. "Baliw ka ba?"
Nakakatakot ang ugali ng lalaking ito.
"Ako pa ang baliw?" Balik sakin nito.
Itinapat sakin ng lalaki ang bagay na kaninang nasa tenga niya.
"I sent a picture. Faster, please. Call me when you find who she is– Anong pangalan mo?"
"Adelaide Cosavelli," ulit ko pa.
"That."
Mukhang hindi mapakali ang lalaki kaya naman ay tinignan ko na siya ng masama.
Pinaupo muna ako ng lalaki—tapos ay doon ko napagtanto na hindi pa siya nagpapakilala.
"Ikaw? Ano ba ang iyong ngalan?" Tanong ko sakanya pabalik.
"River Serrano," aniya at may kinakalikot sa maliit na kahon niyang hawak.
River? Kakaibang pangalan.
"River, ano iyang hawak mo?"
"Cellphone," aniya at hindi manlang ako tinitignan.
"Ano ang... cellphone?"
"Stop asking stupid questions please."
"Nasaan na ang iyong ama? Akala ko ba ay–"
"Ayokong magpakilala ng baliw. Just sit down there and I am getting information about you."
Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya.
"Baliw? Tingin mo ba sakin ay baliw?"
"Sinong maniniwala sa pinagsasabi mo? A girl from 1889?"
Hinawakan ko ang aking bestida at tumayo. "Kung hindi ka naniniwala sakin ay itigil na natin ang pinag-usapan. Kailangan mong maniwala dahil maski ako ay naguguluhan."
Inirapan lang ako ng lalaki. Kahit kailan ay walang umirap sakin na lalaki! Tunay na kakaiba ang isang ito at hindi ko maintindihan ang ugali!
Lalaki ba siya o isang babae na nagmamaldita?
"Son."
Napalingon kaming pareho ni River noong marinig ang boses na iyon.
Nakita ko ang isang lalaki na may katandaan na. Tinititigan ako nito.
"Dad!"
"So this is your girlfriend? She is pretty..."
Hindi ako sumagot at yumuko na lang. "Magandang gabi po."
"Where did you came from–"
"She is from a non-political family, dad," singit ni River. "Seriously dad, ngayon ko lang siya dinala dito. Don't ask her pressuring questions... and happy birthday."
Tumawa ang ginoo sa harapan ko sabay tango.
"Okay, I won't dig information about her right now. But you need to tell me all right?"
"I'll tell later..." Si River. "But anyway dad. This is Adelaide... Adelaide, siya ang dad ko." Pakilala nito.
Oh, ito pala ang ama nito!
"It was nice seeing you here, hija."
Kumunot ang noo ko. Ano? Hindi ako nakasagot– at bigla akong kinabahan dahil hindi ko alam ang sasabihin.
"She is glad to see you too, father." Si River na ang sumagot. "I am so sorry, pagod ata ang girlfriend ko."
Ngumuso ang ginoo. "Mukhang hindi ka masaya na makita ako."
Nanlaki ang mata ko sabay iling. "Iyan po ay hindi totoo! Ikinagagalak ko pong makilala kayo!"
"Oh..." Natawa ito sa'kin. "Ikinagagalak kong makilala ka, hija. I need to go now because I have a lot of people to attend still. Enjoy the party!"
Ang daming nakasunod sa ama nito at tuluyan na silang umalis sa wakas.
Umupo si River sa tabi ko. Habang ako ay nakatayo pa rin.
Saan naman ako pupunta talaga?
"You don't have any existing information?" Kunot noo na aniya habang nakatingin pa rin sa telepono nito. "Ano ka?"
"Anong ano ka?" Nakasimangot na tanong ko sakanya. "Kailangan mong maniwala sakin na galing ako sa nakaraan at ito ang hinaharap—"
"1889? Dude, walang palasyo noong panahon na iyon! Walang palasyo sa sinaunang panahon ng Pilipinas!"
Nagimbal ako sa sinabi nito. Anong wala?
Kung ganon, saan ako galing?
"Are you serious, River? Are you telling people that you have a new girlfriend now?"
Tinignan ko ang babae na bigla na lang sumulpot sa gilid naming dalawa. Oh. Ito ang bumangga sakin kanina!
"Don't cause a scene here, Klare. Nandito ang presidente and yes, I am over you so stop being ridiculous dahil the moment you cheated, we are done."
Naluha ang babae—kaya naman ay bigla akong nag-alala. Mukhang inaway siya ni River!
"A-Ayos ka lang ba? Huwag kang umiyak—"
Tinabig nito ang kamay ko at umalis. Anong problema ng babaeng iyon? Napapansin ko– sa lugar na ito, maraming tao ang may problema sa ugali nila.
Napailing na lang ako.
Napahinto ako noong dumilim ang paligid.
"Sino ang babaeng iyon?"
Umiling ang lalaki at seryoso akong tinitigan. Inabot niya ulit ang aking braso at hinila palabas ng piging.
Sayang, mukhang sayawan na dahil narinig ko ang musika.
"Nothing," aniya. "Tutal ay nakilala mo na ang aking ama, let's go home. Okay?"
"Ha?" Takang tanong ko sakanya.
"Maghiwalay na tayo dito."
"Saan ka pupunta?" Hinawakan ko ang suot ng lalaki at hinila siya. "Isama mo ako kung saan ka pupunta dahil hindi ko alam ang daan dito."
Napaamang ang labi nito.
"What?"
"Gaya ng sabi ko, galing ako sa sinaunang panahon at hindi alam kung paano gagalaw sa estrangherong lugar na ito kaya kailangan kita," paliwanag ko sakanya. "Tutal ay tinulungan kita– tulungan mo rin ako. Huwag mo akong iwan dito..."
"Look," inalis niya ang aking kamay sa braso nito. "Salamat at tinulungan mo ako. Pero hanggang dito lang ang tulong mo..."
Inabutan ako nito ng ilang kulay asul na papel.
"Hindi ko alam kung anong klaseng tao ka but I will make sure to find who the hell are you..."
Tinalikuran ako ni River at doon ako nakaramdam ng pagkatakot at lungkot. Hindi ko alam ang gagawin o magiging reaksyon dahil... iniwan niya ako ngayon dito.
Paano ako? Sino ang tutulong sakin ngayon?
Nagkibit balikat na lang ako. Tutal ay sanay na akong mag-isa, naglakad na lang ako at nagtanong sa ilang tao.
Nakakalito. Ang daming pasikot-sikot ng lugar na ito.
"Hindi ba ito ang girlfriend ni River Serrano?"
"Magandang gabi po, maari niyo bang ituro ang daan sakin paalis ng palasyo?"
Nagtanong ako sa tatlong lalaki.
"Oh? Bakit hindi mo po kasama si River, miss?"
Akmang sasabihin ko na iniwan ako nito–pero ang alam ng mga tao sa lugar dito ay kasintahan ko siya.
"May kailangan siyang gawin kaya ito ay nauna. Maari bang ituro niyo ang daan paalis sa gusaling ito? Hindi ko kasi kabisado."
Hinawakan nila ang braso ko– kaya naman ay napaatras ako.
Nagtawanan silang tatlo. "Ay, sorry Ma'am..."
"Mukhang malambot iyong balat niyo Ma'am ano? Ang swerte naman ni Ser Serrano..."
"Gusto po kayo makilala ni Senador namin... mukhang magugustuhan ka non..."
"Senador?" Takang tanong ko.
"Opo, Ma'am! Kanina ka pa binabanggit noon! Si Senador Julius!"
"Julius?"
Itinulak nila ako kaya naman wala akong nagawa kung hindi magpatianod kahit nagtataka.
Dinala nila ako sa harap ng isang silid.
"Hindi ito ang daan palabas– at hindi ako pumayag na dalhin niyo dito." Sabi ko sakanila.
Nagkatinginan ang mga ito.
"Pre, utos diba?"
"Gusto ka po makilala ni senator Julius..."
"Ako, ayoko." Diretsong sagot ko sakanila. "Ngayon kung ako ay inyong pahihintulutan, aalis na ako–"
Nagulat ako noong bumukas ang pintuan at doon nila ako itinulak papasok!
"Mga lapastangan!?"
"Good evening, young lady..."
Napahinto ako sa pagkalampag ng pintuan at nilingon ang boses na 'yon.
Nakita ko ang isang matabang lalaki na nakaupo sa silya– nakangisi.
Hindi maganda ang pakiramdam ko sa sitwasyong ito.
"Anong kailangan mo?"
"Girlfriend ka ba ni Mr. Serrano?"
Tumango ako bilang sagot.
"Nice meeting you, hija. Ako nga pala si Senator Julius Del Fuego."
Hindi ko makuha kung bakit kailangan niya pa magpakilala.
"Adelaide." Ganti ko na lang rin. "Pwede ba? Palabasin mo na ako? Kailangan ko ng umalis sa lugar na 'to—"
"Bakit? Bakit ka nga pala mag-isa, hija?"
Napaigik ako noong marinig ko ang malakas na kalabog sa pintuan. Ilang saglit lang ay bumukas iyon.
"Senator Julius," si River!
Nanlaki ang mata ko noong may dugo ang kanyang labi— kaya mabilis akong nagtungo papunta sakanya.
Hinawakan ko ang mukha nito.
"Anong nangyari sa'yong labi?"
"Hindi ka pa rin talaga nagbago sa pagiging m******s mo." Si River at masama ang titig sa matabang lalaki.
"At sino ka para akusahan ako ng... m******s!?" Inis na sabi nito.
Hinawakan ni River ang aking kamay.
"Halika na, uuwi na tayo," anyaya ni River at napatango naman ako doon.