Kabanata 1

1071 Words
Para mapalapit kay Ninong ay siyempre gumagawa ako ng paraan para lang makita siya. "Ang aga mo yatang nagising Tita Kris?" "Oo, gusto kong sorpresahin ang Ninong Royce mo. Kaya heto nagluto ako ng paborito niyang ulam." "Ah, kaya pala." Lihim na nagngitngit ang aking kalooban nang marinig ang sinabi ni Tita Kris. Kailangan kong paghiwalayin sila ni Ninong para masolo ko na ang lalaking pinagpantasyahan ko. "Pwede bang sumama sa'yo, Tita?" Kumunot ang noo ni Tita Kris sa narinig mula sa akin. "Are you sure that you want to go with me?" "Opo, t'saka na bored na rin ako rito sa bahay." "Ikaw naman kasi ayaw mo pang pamahalaan ang kompanya niyo at mas gusto mong i-focus ang atensyon sa maliit mong flowershop." Yes, may maliit akong flower shop pero kahit paano ay kumikita naman iyon. Kumikita nga ako ng limang-libo sa isang araw, minsan kapag mahina naman ay malas na ang isang libo at limang daan. Sariling-sikap ko ang aking flower shop, dati na nag-aaral pa lamang ako, iniipon ko ang aking baon kaya nagkaroon ako ng sarili kong negosyo. "Sige na pumayag ka na Tita Kris. Malay mo baka may makilala ako doon na gwapo at matipuhan ko?" biro ko pa. "Ikaw talaga, sige na nga. Ang mabuti pa tulungan mo nalang din ako at nang makaalis na tayo." "Pero...magbibihis pa ako, Tita." "Ha? Aba'y okay na iyang suot mo na naka-t-shirt ka at naka-maong." Hindi ko napigilan na mapasimangot. "Alam mo naman na naiinitan ako kapag ganito ang suot ko, hindi ba?" "Ay, ewan ko sa'yo. Hala sige at bilisan mo at nang pagkatapos ko rito ay aalis na tayo." "Yes!" excited kong bulalas at nagmamadaling pumanhik sa taas patungo sa kwarto para magbihis. Pinili ko ang maikli kong white shorts, at spaghetti trap, pagdakay pinatungan ko ng red cardigan na yari sa Satin. I also wear my white Skechers and of course my Louis Vuitton shoulder white bag. Umikot pa ako sa salamin at masayang pinakatitigan ang maganda kong mukha at katawan. Hmmm... tingnan ko kung hindi maglalaway sa'kin si Ninong Royce. Pagkatapos ay nagmamadaling bumaba na ako at hinanap si Tita Kris. "Manang si Tita nasaan?" tanong ko nang hindi ko makita sa kusina si tita. "Hinihintay ka nasa garage na dalian mo at baka ikaw ay maiwan," ani Manang. Nagmamadaling naglakad ako hanggang sa nakita ko nga si tita kasalukuyang nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sa relong-pambisig. "Tita!" Sigaw ko. "Halika na!" Sigaw din niya sa akin at pumasok sa may driver seat ng kotse. Nagmamadaling tumakbo ako patungo kay Tita Kris at mabilis an pumasok sa may front seat. "Naku, pagpipiyestahan ka na naman ng mga kalalakihan diyan sa suot mo, Lorna." "Tita, buwan ng Marso at mainit na ang panahon, hello... paparating na ang summer. Bagay naman sa'kin ang suot ko." "Tiyak kong pagagalitan ka na naman ng Ninong mo riyan sa mga style ng pananamit mo. Alam mo namang very conservative iyon." Sa narinig ko kay Tita Kris ay naglalaro sa aking mga labi ang excitement. Excited na naman akong akitin si Ninong Royce. Alam kong nararamdaman nitong may gusto ako rito at malakas ang dating ko sa bumubukol nitong harapan sa tuwing pasimpleng sinasagi ko iyon ng aking mga kamay. Hindi naman nagtagal ay dumating na kami sa naturang building. Halos tumalon sa tuwa ang aking puso nang sa wakas ay makakaapak akong muli sa building na ito. Mula sa kotse ay sabay na umibis kami ni Tita Kris. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang ilang mga kalalakihan na ngayo'y nakapako ang tingin sa akin. Hmmm... maglaway kayo sa makinis at seksi kong katawan. "Look, Lorna. Naku, pansin mo ba ang ilang mga kalalakihang employees ng Ninong Royce mo? Nasa iyo ang lahat ng tingin." "Hayaan niyo na lang sila, Tita Kris. Hindi rin naman ito magiging kanila at hanggang tingin lang sila sa akin." Naglakad na kami ni Tita Kris at halatang excited na makita si Ninong Royce na tulad ko. Hayan na naman ang pagbangon ng inis at selos sa aking puso. Sumakay kami sa elevator at pinindot ni Tita Kris ang palapag kung nasaan si Ninong Royce. "Halatang in love ka, tita." "Oo naman, mahal na mahal ko ang Ninong Royce mo. Siya lang ang lalaking nagpapasaya sa akin ng ganito." Totoo ang sinabi ni tita. Pero hindi niya parin maitatago na nagtaksil siya sa kanyang unang asawa dahil kay Ninong Royce. Kaya hindi ko siya gusto kay Ninong. Ako ang nababagay kay Ninong Royce, hindi siya. Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin kami sa mismong opisina ni Ninong Royce. Kumatok muna si Tita Kris saka namin narinig ang baritonong tinig ni Ninong. Tinig pa lang ay nag-init na ako. Paano na lang kaya kung malasap ko na ang halik at haplos nito sa aking malambot na katawan? Heto na naman ako sa pagpapantasya ko kahit gising. Nagulat pa nga si Ninong nang makita ako pero agad din siyang nakahuma nang maramdaman ang halik ni Tita Kris sa kaliwang-pisngi nito. "Akala ko ikaw lang mag-isa. Kasama mo pala si Lorna?" "Yes, ang kulit kaya sinama ko na." Napansin namin ang sekretarya ni Ninong na si Emily na malaki na pala ang tiyan. "Buntis ka pala, kailan ka manganganak?" tanong ko kay Emily. "Oo, e. Heto nagpasa ako ng resignation kay sir. Nalulungkot nga ako dahil wala pa akong kapalit." Biglang nagliwanag ang aking utak at mabilis na nagsalita. "Pwede ako, what do you think, Tita Kris?" Nakangiting napasulyap ako kay Ninong Royce ngunit tumigas lang ang kanyang anyo nang marinig ang aking suhestiyon. "May hiring kaya no need," seryosong sagot ni Ninong Royce. Aaminin kong may naramdaman akong munting kirot dito sa aking puso. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito at kunway kalmadong nakaupo lang ako sa couch habang nanood ng TV. "Bakit kasama mo si Lorna?" tanong ni Ninong kay Tita Kristine. "Gusto niyang sumama, isa pa alam mo naman na mapilit ang babaeng 'yan. Agree ako na pwede si Lorna bilang sekretarya mo. Lahat ng skills ay nasa kanya." Narinig ko ang marahas na buntong-hininga ni Ninong Royce. "Oo nga naman, sir. Lalo na at tambak pa ngayon, kung skilled si Ms. Monsanto, ibig sabihin madali lang sa kanya ang lahat ng trabaho na naiwan ko." Gusto kong yakapin ang dating sekretarya ni Ninong sa narinig mula rito. Sana nga pumayag si Ninong para naman may pagkakataon akong mas lalong akitin pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD