Nanatiling nasa loob lang ng kotse ang kaibigan niyang si Susan. "Mag-ingat ka, okay?" "Salamat," aniya. Umibis siya mula sa kotse saka naglakad papasok ng naturang building. Abut-abot ang kanyang nadaramang kaba. Pero kailangan niyang ipaalam kay Royce ang kanyang kalagayan. Dumiretso agad siya sa front desk at sinalubong siya ng matamis na ngiti ng isang babae at pagbati, inaalam kung may appointment ba siya kay Royce. "Actually, wala akong appointment sa kanya but this is urgent," aniya na nagmamakaawa pa. "Pasensiya na po, Ms. Monsanto pero kailangan muna nating mag-set ng appointment dahil kung hindi ay baka madali pa ang trabaho ko kung sakaling hahayaan kitang pumasok ng walang appointment sa mismong opisina ng CEO." Naintindihan naman niya ang naturang babae kaya minabuti

