Alam kong mali ang aking gagawin, pero itutuloy ko pa rin para lamang tuluyang maangkin ni Ryan.
Anumang sandali ay papasok na siya rito sa loob ng silid kaya pinagbuti ko ang paglalagay ng lotion sa'king balat.
Hindi ito isang ordinaryong lotion na mabibili sa kahit saang mall dito sa loob ng bansa dahil sa abroad lamang ito nabibili.
Bigla akong gininaw nang umihip ang malamig na hanging nagmumula sa aircon. Manipis na nighties lang kasi ang suot ko at bakat na bakat pa ro’n ang hubog ng aking katawan. Sinadya ko iyong suutin para sorpresahin ang aking nobyo.
Naaalala ko ang kwento ng mga kaibigan ko tungkol sa una nilang karanasan. Masakit daw sa simula pero kapag paulit-ulit nang ginagawa ay talaga namang nakakaadik.
Ako na lang ang birhen sa aming mga magkakaibigan. Natatakot kasi akong gayahin sila dahil tiyak na mapapatay ako nila mommy at daddy. Bukod pa roon ay gusto ko rin talagang ibigay ang aking virginity sa isang lalaking karapat-dapat pagbigyan.
Malakas na ang loob ko ngayong ialay kay Ryan ang virginity ko dahil nasa tamang edad na ako. Palagay ko rin ay ito na ang tamang panahon upang magkaroon ng sariling pamilya.
Liberated man akong manamit ay ‘di naman ako liberated mag-iisip. Sa totoo nga niyan ay mas gusto ko ang old fashion style na iminulat sa’kin.
Bawat isa sa aming magkakapatid ay may bantay na nakatalaga. Animo’y mga anino namin sila sa paligid na laging nariyan lamang sa tabi-tabi.
Kilala ko ang nakatalagang bantay sa akin kung kaya tinakasan ko. Sa aking gagawin, hindi pwedeng may taong iistorbo.
Narinig ko ang papalapit na mga yabag kung kaya mabilis kong inayos ang sarili. Gumalaw ang doorknob tanda na may taong nagbubukas mula sa likuran ng pinto. Nagkubli ako sa may likuran ng pintuan.
Pagpasok ni Ryan doon ay itutulak ko lamang iyon pasara sabay yayakap sa kaniya hanggang sa tuluyan kaming mauwi sa mainit na pagniniig.
Kinakabahan na nangingiti ako sa naiisip na itsura naming dalawa ni Ryan.
Tiyak kong masosorpresa siya sa aking gagawin at paniguradong daig pa niya ang nanalo sa lotto dahil sa labis na tuwa. Matagal niya ng gusto na mag-sèx kami, ngunit hindi ko lamang pinagbibigyan.
Natatakot akong suwayin sila mommy at daddy. Ayokong iyon ang maging nitsa ng ‘di namin pagkakaunawaan.
Mahal ko si Ryan pero higit kong mahal ang aking magulang.
Isang malalim na buntonghininga ang aking pinakawalan. Inabot ng daliri ko ang switch ng ilaw upang pindutin iyon. Nagdilim ang buong paligid.
“Humanda ka babe, mapapalaban ka sa akin ngayon!” malanding usal ko.
Bigla akong gininaw na ‘di ko mawari ang dahilan kung bakit. Hindi ko alam kung dulot lamang ng manipis kong kasuotan o dahil sa aking gagawin.
Hinila ko ang laylayan ng suot kong nighties upang kahit papaano ay bumaba iyon sa bandang itaas ng mga tuhod ko. Pinagsiklop ko ang mga braso sa tapat ng dibdib ko at saka hinintay ang tuluyang pagbukas ng pintuan.
Ipinaskil ko pa ang matamis na ngiti sa aking labi saka bumilang ng tatlo.
Isa. Dalawa. Tatlo.
Pagbukas ng pintuan imbes ako ang manggugulat ay ako ang nagulat sa nasaksihan.
Si Ryan nga ang pumasok habang may babaeng nakapulupot ang mga hita sa kaniyang baywang. Halos hubad na ang pang-itaas nilang damit at hawak ng mga kamay niya ang bandang pwetan niyon.
Natauhan ako kasabay nang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa ulo ng halos sabay silang umungol.
“Mga wàlànghiya!” hiyaw ko sabay sugod sa kanilang dalawa.
Nahawakan ko ang buhok ng babae kung kaya hinila ko iyon dahilan para malaglag siya mula sa pagkakabuhat sa kaniya ni Ryan.
Kinaladkad ko ang babae na animo'y isang basahan at saka ipinaikot-ikot sa sahig.
“Babe, help me!” umiiyak nitong sabi.
“Jela, stop it!” awat naman sa’kin ni Ryan.
Tinabig ko ang mga kamay ni Ryan na humawak sa ‘king braso. Nanlilisik ang mga mata kong tumitig sa kaniya.
“Sa bawat oras na tinatanggihan ko ang hiling mong makipag-sèx sa iyo ay nagi-guilty ako. Feeling ko ay napakawalang kwentang nobya ko.” Nagtatagis ang mga bagang ko.
“Jela lalaki ako at bilang isang lalaki kinakailangan ko rin magkaroon ng kaulayaw. Hindi mo naman maibigay sa’kin iyon kaya humanap ako ng iba na handang magkaloob.”
“P*tang-ina!” Kuyom ang isang kamao na lumapit ako sa kinatatayuan ni Ryan habang kaladkad ko pa ang malanding babae.
Hindi ko binitiwan ang kaniyang buhok at mas hinigpitan ko pa nga ang pagkapit do’n.
“Babe, help me!” maarteng wika ng babae habang patuloy sa pag-iyak.
“Tumahimik ka!” singhal ko sa kaniya.
“Buong akala ko ay ikaw na ang lalaking nararapat kong iharap sa aking mga magulang. Akala ko pa naman, ikaw na ang lalaking pakakasalan at makakasama ko habangbuhay. Pero akala ko lang pala!” Dinuro-duro ko si Ryan sa kaniyang dibdib.
“I’m sor--” Lumagapak ang palad ko sa pisngi ni Ryan kung kaya tumabingi ang kaniyang ulo.
“Babe!” bulalas ng malanding babae na nananatiling hawak ko sa buhok.
Hinarap ko ang malanding babae at sa kaniya ibinunton ang aking galit. “Ikaw na makating hitad ka, inalam mo sana kung may nobya ang lalaking nilalandi mo!”
Puno nang panggigigil na hinigpitan ko ang pagkapit sa kaniyang buhok at saka buong pwersang sinabunutan iyon.
Hindi nakuntento ang mga daliri ko sa pagsabunot kaya inilàmpàs0 at ingìnudng0d ko pa siya ng husto sa sahig.
“Babe, help me!” maarteng hiyaw ng babae.
“Jela please, stop it!” pakiusap ni Ryan. “You know how much I love you. Si Liz ay parausan ko lamang kaya bitiwan mo na siya.”
Napakagandang pangako para sa isang tàngàng babae. Pero hindi ako ganoon kadaling mabilog ng kaniyang mga salita dahil wala sa bokabularyo ko ang pagiging tàngà!
“Ul0l! Huwag mo akong daanin sa mga mabulaklak mong salita!” nanggigìgìl kong wika.
Inilampàso kong muli ang babae sa sahig saka walang pakialam na iniikot doon. Para lang siyang basahang ipinamunas ko lamang sa sahig.
“Babe, help me... please!” umiiyak na sumamo ng babae kay Ryan.
Patuloy kong ipinaikot-ikot ang babae kahit pa nga napapansin ko na ang pag-ikot ng kaniyang mga mata.
Banaag sa kaniyang mukha ang labis na hirap ng aking ginagawa, pero ‘di ko pa rin siya tinigilan.
Mga wàlànghiya kasi sila!
“Jela. Stop it, please!” Mula sa likuran ko ay yumakap sa akin si Ryan.
Itinaas ko ang kaliwang paa kung kaya sumapol iyon sa kaniyang ari. Napaatras siya habang sapo-sapo ang kaniyang hinaharap.
Buong panggigigil kong sinabunutan nang sinabunutan ang buhok ng malanding babae hanggang sa mawalan siya ng malay.
“Babe!” Mabilis na tumakbo palapit sa malanding babae si Ryan.
Pinanliitan ko siya ng mga mata ko at walang anumang salitang inundayan ng aking kamao sa kaniyang mukha.
“F*ck!” malutong kong mura habang pinagmamasdan ang walang malay na katawan ni Ryan sa sahig.
“Ang gàgo, ang lakas mambabae pero mahinang nilalang naman pala. Isang suntok lang bagsak na!” ngitngit ko.
May alam ako sa self defense dahil iyon ang unang itinuro sa’kin ng ama ko. Hindi pwedeng hindi ko raw iyon matutunan dahil babae ako.
Dinukwang ko ang walang malay na katawan ni Ryan saka sinipa-sipa sa kaniyang hita. Hindi talaga nagigising ang hinayüpàk kahit pa anong sipa ang gawin ko.
“Iyan ang nababagay sa mga walang kwentang lalaking tulad mo! Nagsisisi ako kung bakit ikaw pa ang minahal ko!” Puno ng pait ang aking salita.
Nagbihis ako ng kasuotan at mabilis na iniwanan ang unit ni Ryan. Kung hindi lang talaga ako makukulong ay susunugin ko pa nga sana iyon.
Malalaki ang mga hakbang kong bumaba sa parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan.
Tinawagan ko si Shane para ayaing uminom sa isang sikat na bar. Ilalabas ko muna ang lahat ng sama ng loob ko ngayong gabi at ng sa gayon ay medyo makalimot ako.
Tatlumpung minuto lang ay narating ko na agad ang bar. At dahil masama nga ang loob ko, uminom agad ako ng alak pagkalapit ko pa lamang sa may bar counter.
Inisang lagok ko ang bawat laman ng basong iniaabot sa’kin ng bartender. Wala na akong pakialam pa sa kung anong klaseng alak iyon basta ang mahalaga ay makainom ako.
Nakararami na ako nang naiinom na alak ngunit wala pa rin si Shane. Sa sobrang inip ay naisipan ko nang pumunta sa gitna ng dance floor.
Para akong luka-lukang nagsasasayaw sa gitna ng dance floor kahit pa nga hindi akma sa saliw ng tugtugin ang aking sayaw.
Ramdam ko ang pag-agos ng mga luha sa aking pisngi dahil sa mga alaala ng masasayang sandali ng pinagsamahan naming dalawa.
“F*ck you!” lasing kong bulalas sabay taas ng gitnàng daliri na animo'y nasa aking harapan ang g*gong si Ryan.
“Ipapakita ko sa’yo ang sinayang mo!” Tumaas ang isang sulok ng labi ko at saka iginiling nang iginiling ang aking katawan.
Bawat lalaking napapatingin sa’kin ay nginingitian ko. Tila nahihipnotismo naman sila dahil hindi na maalis-alis ang kanilang mga tingin sa akin.
May naglakas loob pang lumapit at inaya akong makasayaw siya.
Pangit ang lalaki kaya pinaalis ko. Sa lasing kong diwa ay malinaw pa rin naman ang mga mata ko.
Itinaas ko ang mga kamay ko sa ere at iwinagayway iyon. Para akong batang paslit na tuwang-tuwa sa kung anumang maisip gawin.
Maraming alak na rin ang nainom ko, pero kaya ko pa naman i-handle ang sariling katawan.
Patuloy lamang ako sa pagsayaw at walang kapagurang umindak nang umindak.
“Excuse me mam, here's your drink!”
untag sa’kin ng waiter.
“My drink?” maang kong tanong.
Wala kasi akong maalala na tinawag ko siya upang humingi ng alak.
“Yes, mam! Naiwanan mo raw po sa counter sabi ng bartender,” tugon ng waiter.
Tumingin ako sa gawi ng bartender. Itinaas nito ang hawak na kopita nang magtagpo ang aming mga paningin.
Nagkibit-balikat na lamang ako saka nginitian siya bilang pasasalamat sa alak na kaniyang ipinahatid.
Kinuha ko ang baso na iniabot sa ‘kin ng waiter at saka inisang lagok ang pag-inom sa laman niyon.
Nagbalik ako sa pagsasayaw nang umalis ang waiter sa aking harapan.
Walang humpay akong umindak muli sa saliw ng tugtugin.
Naramdaman ko ang pagsulpot ng mainit na presensiya sa aking likuran. Haharapin ko sana siya pero pinigilan niya ako.
“Dance!”
Buong-buo ang kaniyang boses nang magsalita. Para lang siyang isang DJ sa radyo at pamilyar din sa pandinig ko ang kaniyang tinig.
“Dance Honey, dance!” Pag-uulit na utos ng taong nasa aking likuran.
Sumayaw ako kagaya ng kaniyang nais. Pakiwari ko'y alipin ako ng kaniyang tinig at walang lakas ang katawan kong tanggihan siya.
Ipinikit ko ang mga mata ko kasabay nang paglanghap sa pabangong hindi ko maiwasang amuyin. Ang taong nasa likuran ko ang may-ari niyon.
Natigilan ako sa pagsasayaw ng mula sa likuran ko ay bigla na lamang yumakap ang malabakal niyang mga braso.
Nakadama ako ng inis dahil sa ginawa niyang iyon. Naiinis rin ako sa kaniya dahil para siyang linta na ang higpit ng kapit.
Naalerto ako nang gumapang ang isa niyang kamay. Sinikap ko namang kumawala mula sa kaniyang paghawak.
Ngunit hindi ko magawa dahil sa may kaunting tama na ang espiritu ng alak sa ‘king katawan.
“Let m--” Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil bigla akong nakadama ng hilo. Isinapo ko ang mga palad sa aking sentido para hilut-hilutin iyon.
Nanatiling nakayakap sa baywang ko ang mga braso ng taong nasa aking likuran.
Pinilit kong tatagan ang loob ko at saka sinikap kausapin ang taong wala yatang balak bitiwan ako mula sa mahigpit niyang pagyakap.
“Lay-” Tuluyang umikot ang paningin ko kasabay ng unti-unting pagkawala ng lakas ng mga tuhod ko.
Ikinapit ko ang mga kamay ko sa braso ng taong nakayakap sa aking katawan upang doon kumuha ng lakas.
Nang ipinikit ko ang aking mga mata at bigla namang umangat ang aking katawan.
Sinubukan kong idilat ang mga mata ko upang makita kung sino ang taong nagbuhat sa’kin, ngunit malabo ang kaniyang mukha hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.