Chapter 16

1434 Words
Naalimpungatan ako sa malalakas na katok mula sa likuran ng pintuan. Inis na tumayo ako saka pupungas-pungas na nilapitan iyon. "Bakit?" may iritable kong tanong kay Lawrence, ang sumunod sa'kin na kapatid ko. "Ate pinabababa ka ni daddy," tugon niya. "Pakisabi mamaya na ako bababa at medyo inaantok pa ko." Muli akong humikab at akmang isasara ang pintuan nang pigilin niya iyon. "Bumaba ka na ate at may bisita ka sa ibaba. Pinakatok ka sa akin ni daddy dahil mahalaga ang pag-uusapan ninyo." Masyadong seryoso ang bakas ng kaniyang mukha kaya nakaismid akong sumagot. "Oo na. Bababa na!" Nanghahaba ang ngusong tinalikuran ko ang kapatid at saka dumiretso sa may loob ng banyo. Binuksan ko ang shower para umagos ang tubig mula roon. Ganito ang gawa ko sa tuwing maliligo upang mawala ang ginaw sa aking pakiramdam. Pagkatapos maligo ay namili ako nang maisusuot na damit mula sa closet. 'Di ako papasok sa trabaho ngayon dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Medyo pagod ako sa staycation namin sa Batangas dahil imbes na pahinga ang gagawin ko, panay pag-ungol ang aking ginawa. Nagpaalam ako kay Jordan dahil siya ang CEO ng kumpanya. Advantage rin ang posisyon niya dahil 'di ko na need magpaalam sa kung kanino pa man sa office. Matapos kong sipatin ang sariling repleksyon sa salamin, napangiti ako. Nagbalik sa isipan ko ang mga kaganapan sa aming dalawa ni Jordan na tila ba wala kaming pinagdaanang pangit na simula. "Ate Jela, bilisan mo na raw!" Tinig ni Jermaine ang umuntag sa aking pagmumuni. Nakabusangot na pinagbuksan ko ng pintuan ang ikatlo kong kapatid. Kung gaano kabait ang aming ina, siyang 'di namin minana. Pareho kaming mataray at masungit ni Jermaine lalo na sa mga lalaking 'di namin masyadong kakilala. Gayunpaman ay nagagawa pa namin kontrolin ang aming mga katarayan kapag nasa loob kami ng foundation. Numero unong rules na bawal maging masungit sa foundation lalo sa tuwing kaharap namin ang mga batang doon nakatira. "Ang tagal mo, Ate!" reklamo ni Jermaine nang pagbuksan ko ng pintuan. "Huwag mong sabihin na inutusan ka rin ni daddy na sunduin ako." Tumikwas ang isa kong kilay. "Oo, inutusan nga nila ako!" maktol nito sabay padyak ng isa niyang paa. "Kapag nakita ka ni daddy na ganiyan ay tiyak na grounded ka." Pang-iinis ko sa kaniya. "Joke lang!" Mabilis siyang lumapit sa akin sabay kunyapit sa braso ko. "Hindi ka mabiro." Pinapungay pa niya ang kaniyang mga mata nang tumitig sa'kin. Mahinang pinitik ko ang kaniyang noo. "Puro ka talaga kalokohan!" "I love you, Ate!" Kuntodo ngiti niya na para bang hindi nagrereklamo kani-kanina lang. Despite of being mataray sa harap ng ibang tao, kabaligtaran niyon ang mga ugali namin kapag magkakasama na. Sweet, caring, and loving sisters kami sa isa't isa. "Sino nga ba iyong bisitang sinasabi ng Kuya Lawrence mo?" kapagkuwa'y tanong ko kay Jermaine nang maalala ang bisitang sinambit ng ikalawang kapatid. "Ay oo nga pala!" Bigla akong hinila sa kamay nito dahilan para kamuntikan na akong mawalan ng balanse. "Jermaine!" tawag ko sa kaniyang pangalan. "Oops... Sorry!" Nag-peace sign siya sa akin. Nahagip ng paningin ko ang ngiti sa kaniyang labi na para bang may iba iyong kahulugan. Bigla tuloy akong nagduda sa kilos ni Jermaine. Malapit na kaming dalawa sa puno ng hagdan nang makarinig ako ng tinig ng mga pamilyar na tao. Pasimple akong dumukwang at gayon na lamang ang panggigilalas ko nang makita ang mga magulang ni Jordan na kaharap sila mommy at daddy. Pakiramdam ko'y hindi ito normal na pagkikita lamang dahil naroon din sa sala ang mga kapatid ng binata. Seryoso ang pag-uusap sa pagitan ng mga magulang namin. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko at para na akong mabibingi. "Narito na pala si Ate Jela!" Anunsyo ni Lawrence. Siniringan ko siya ng mga mata ko at iningusan. Hindi naman pinansin ng kapatid ko ang ginawa kong iyon, bagkus lalo pa nga akong inasar nito. "Kuya Jordan sigurado ka ba talagang si Ate Jela ang gusto mong maging nobya? Pwede kang umayaw kung gusto mo, 'di kami magagalit sa iyo." Mapang-asar na kinindatan ako ni Lawrence. Mabilis ang ginawa kong pagbaba ng hagdanan at saka nagmamadaling lumapit sa mapang-asar kong kapatid. Bago ko magawang batukan ang aking kapatid ay maagap si Jordan tumabi sa amin. Nawala kay Lawrence ang pansin ko saka masungit na hinarap si Jordan. "Anong ginagawa mo?" pabulong lang ang tanong na iyon pero mariin ang bawat bagsak ng mga kataga. Nagsisimula na kasing umalpas ang katarayan ko at tiyak na kapag hindi niya inilagan ay tiyak na tatama iyon sa kaniya ng bongga! "Nabalitaan naming magkasintahan na kayong dalawa kaya inaya ko agad si Jordan na magtungo kami rito para personal namin kayong mabati," saad ni Tita Jona. Maang akong napatingin sa kanilang gawi at saka kapagkuwan ay muling ibinaling ang aking paningin kay Jordan. Humihingi ako ng paliwanag mula sa kaniya nang marinig ko ang winika ng aking ina. "Mabuti pa nga si Jordan nagsabi sa iyo, hetong si Jela mukhang walang planong magsabi sa amin." Sunod ng madramang salaysay ni mommy ay ang kaniyang paghikbi. Napangiwi ako sa inaktong 'yon ng aking ina. Parang gusto ko na lamang biglang maglaho gaya ng isang bula. "Hindi nga rin nagsabi si Jordan, buti na lang may pagkachismosa itong si Clarisse." Nakangiting itinuro ni Tita Jona ang dalagitang anak na biglang napasimangot dahil sa pagbuking sa kaniya. "Kung ganoon ay wala siguro talaga silang planong ipaalam sa atin." Dapat ko na yatang bigyan ng best actress award ang aking ina dahil sa galing umarte. Nadako ang paningin ko sa aking ama na matamang nakatingin din sa amin ni Jordan. 'Di ko alam kung ano ang kaniyang saloobin pero sa paraan ng pagtingin niya ay nakatitiyak akong may mangyayari kapag hindi pa ako nagsalita. Inalis ko muna ang bumarang laway sa'king lalamunan bago nagsalita ng mahinahon. "Mommy, Daddy, boyfriend ko na po si Jordan." Awang ang bibig ko ng bigla silang nagpalakpakan na parang maganda ang aking sinabi. Kasunod niyon ay ang pag-ugong ng malakas na tili at kantiyaw ng mga kapatid naming babae. "Anong nangyari sa kanila?" pabulong kong tanong kay Jordan. Hindi ko alam kung mangingiti ba ako o maiinis dahil sa mga ekspresyon sa mukha ng aming pamilya. Para kasi sila naging ibang tao sa’king paningin. “Masaya lang sila para sa atin,” untag sa’kin ni Jordan. Grabe naman iyong kasiyahan nila. Si mommy na umiiyak-iyak pa kanina ay parang baliw na ngumingiti kila Tita Jana. Si daddy na nakamatyag lamang ay biglang may malawak na ngiti sa kaniyang labing inilahad. Hinawakan ni Jordan ang kanan kong kamay kung kaya napalitan ng kilig ang naaasar kong pakiramdam. May kung anong mainit na pakiramdam ang nagpakalma at nagpalambot ng aking emosyon. “We’re official, Hon!” Sumilay ang simpatikong ngiti sa kaniyang labi. Nang matitigan ko ang gwapo niyang mukha ay kinilig ang tínggil ko. Ang linaw nang nakikita kong kislap mula sa kaniyang mga mata na para bang sinasabing malaya na kaming gawin ang mga bagay na maaari naming gawin. Dahan-dahang nabaling ang tingin ko sa aking ama nang tumikhim siya. Sa kaniyang mga mata ay banaag ko ang labis na saya ngunit may nakatagong mensahe. “Simula bukas ay maaari ka nang magsimula sa kumpanya,” wika ng aking ama. “Talaga po?” Tumango-tango si daddy bilang pagtugon. Mahigpit kong niyakap ang aking ama saka nagpasalamat sa kaniya. “I love you, daddy!” “Kung hindi mo pa magiging nobyo si Jordan ay hindi mo rin maaalalang muling sabihin sa akin ang katagang iyan.” Narinig ko ang mahinang pagtawa ng aking ama. “Daddy, kailan ka pa naging katulad ni mommy?” Bahagya akong umatras palayo sa kaniya habang tinatawanan ko siya. “Hindi ko nakakalimutan ang usapan natin at dahil magkasintahan naman na kayong dalawa ni Jordan ay para mo na rin tinupad ang alinman sa mga iyon,” nakangiting pahayag ni daddy. Napakamot ako sa ulo nang maalala ang usapan namin. Sinasabi ko na nga ba’t may nakatagong mahiwagang mensahe sa likod ng mga ngiti ng aking ama. Nang lingunin ko si Jordan, nasilayan ko ang matamis na ngiti sa kaniyang labi. Tila sinasabing huwag na akong mag-alala. Kunsabagay ay hindi naman na ako lugi. Mapamumunuan ko na ang kumpanya ng aking ama, meron pa akong gwapong kasintahan na walang itulak kabigin lalo na pagdating sa kama. Roar! Naging kaakit-akit sa paningin ko si Jordan at bigla ay parang nakahubad na siya. Parang gusto ko tuloy ng buko juice! Iyong buko juice na maputi at makatas ang sabaw na kayang pumatid ng uhaw ko. Ehe!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD