MAJA-RUTH NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa lakas ng katok sa pinto ng aking kwarto. "Ruth? Ruth? Are you there?" Napatingin pa ako sa aking wrist watch. "Hala!! Alas-syete na ng gabi. Napasarap ata ako ng tulog." Tiningnan ko ang aking phone. 20 misscalls from Dart babe. "Patay!" Napatampal ako sa aking noo. "Ruth? Open the door." Doon lang ulit bumalik ang diwa ko ng tinatawag ni Dart ang pangalan ko. Dali-dali akong tumungo dun at agad kong pinag-buksan ng pinto. "D-dart." Nauutal ko pang sabi ng mapayakap ito sa akin. "Pinagalala mo ako ng sobra, akala ko kung napano ka na dyan sa loob." Halata sa boses ang pagaalala. "Sorry, napasarap ako sa tulog." Kagat ko ang aking labi habang nagpapaliwanag sa kanya. Maya lang ay kumalas ito at hinawakan ang magkabila kong balikat

