MAJA-RUTH "Babe? Babe, wake up. Nandito na tayo sa airport, wake na baby babe." Bagong endearsment niya sa akin. Baby Babe? Ang sweet. Kinuskos ko pa ang aking mata ng idinilat ko ito. Napa-ngiti nalang ako ng makita ko ang isang maamong, gwapong, inosenteng mukha ng isang lalaki sa tabi ko. "Gising na, Baby babe." Sabi pa nito at inayos ang magulo kong buhok. Ba't ba? Kinikilig ako sa ginagawa niya. Bihira lang kasi sa mga lalaki ang inaayos ang buhok ng babae o girlfriend nila. Katulad nalang ng Dart babe ko. "Nakatulog pala ako sa byahe. Ba't 'di mo ako ginising?" Magiliw kong tanong habang siya naman ay busy sa kakatali ng aking buhok. Kakatwang kahit hindi siya marunong ay nag e-effort ito na maitali ng maayos. Ako na ang mahaba ang buhok na katulad ni Rapunzel o ni Tangled.

