Chapter 1
"Welcome back, 3792. We have a new client. That means you have a new assignment." Imporma sa kanya ng kanyang boss habang may mga ngiti sa labi.
Napasimangot siya.. Kararating lang niya pero may panibago na naman siyang assignment. "Okay. What is it." She asked.
"Maganda ka pa rin kahit na nakasimangot. Anyway, the client wants you to find this person. We already have three leads. Spain, Brazil and Mexico. Originally, i gave this assignment to 1118 pero mas kailangan siya ngayon sa L.A. Naisip kong ibigay nalang sayo dahil marunong ka namang magsalita ng Español at Portuguese. This assignment is perfect for you."
Tinitigan niya ang boss. Okay lang ba ito? Bakit ito nakangiti? Kinikilabutan siya dahil hindi siya sanay na makita itong nakangiti. Naninibago siya. Nakadrugs ba ito? High? Lasing? Ano?
She sighed loudly. "Alam mong hindi ganyan ang mga assignments ko."
Nginitian ulit siya nito. "Well, for a change. Ayaw mo ba? Gusto mo bang palitan ko ang code mo?"
Pinukol niya ito ng nakamamatay na tingin. Kahit na palitan pa nito ang kanyang code at ilipat siya sa ibang departamento, walang magbabago. "No need."
"So, payag ka na?"
She nodded. "Do i have a choice? Knowing you, babawasan mo na naman ang sahod ko but you're right. For a change. Kailan ang alis ko?" Tanong niya sa kanyang boss.
"Pack some clothes. You'll leave tomorrow afternoon. Thank you, 3792. Expect your allowance tomorrow morning."
Nginitian niya ito at kinindatan. "I like that. Lakihan mo ha?"
Tumawa ito ng malakas. "Oo naman. And knowing you, you might shoot me in the head kapag kulang iyon at nadelay. I will email your tickets and accomodation later. And oh, the details of your assignment. Read it properly, okay."
She rolled her eyes. "You don't need to remind me about that. Of course i'll read it. Ano bang akala mo sa 'kin." Kumumpas siya sa hangin at tinalikuran ito. "Gotta go. I need some sleep."
She drove her car back to her apartment. Pagdating niya ay agad siyang natulog. She's really tired. Buong araw kasi siyang walang tulog. Nagugutom rin siya pero mas nananaig ang kanyang antok kaysa sa gutom kaya napagdesisyonan niyang mamaya nalang kumain. Kaya pa naman niya. Sa ngayon, mas importanteng ang pagpapahinga dahil bukas ay aalis na naman siya para sa panibagong assignment.
Alas singko na ng madaling araw nang magising siya. Agad na kumalam ang kanyang tyan dahil sa gutom. She took a quick shower and packed her clothes pagkatapos ay tiningnan ang cellphone. May mensahe ang kanyang boss. Binasa niya iyon bago inilagay sa backpack ang cellphone. Pumara siya ng taxi at nagpahatid patungo sa isang 24 hours fastfood chain para doon magbreakfast. She ordered a heavy meal and a coffee at pagkatapos niyang mag agahan ay pumara ulit siya ng taxi at nagpahatid sa BLCK International Airport. Nagpalipas siya ng oras sa isang coffeeshop. Inilabas niya ang laptop mula sa backpack para i-check ang kanyang mga emails. Nakita niya email ng boss tungkol sa panibago niyang assignment. She sighed after reading 1118's reports about the missing person. Kailangang iisa-isahin niya ang mga lugar na nakasulat sa reports nito.
In her peripheral vision, she can see a man staring at her. Nag-angat siya ng mukha at sinundan ng tingin ang waitress na dumaan sa kanyang harapan. Patungo kasi ito sa lalakeng nakatingin sa kanya.
"Good morning, Sir Evander. Heto na po ang coffee niyo."
"Thank you."
Tiningnan niya ang lalake at nang magtama ang kanilang mga mata ay bigla siyang kinabahan. Hindi naman siguro ito isa sa mga naging kaaway niya noon diba? Mukha naman kasi itong isang bigating businessman. Iniwas niya ang mga mata at muling itinuon ang atensyon sa kanyang laptop. Pagkatapos niyang replyan ang boss ay muli siyang nakaramdam ng pagkaasiwa. Nararamdaman na naman kasi niya ang mga titig nito sa kanya kaya hindi na naman niya mapigilan ang sariling lingunin ito.
The man is breathtakingly handsome. Halatang may lahi itong banyaga. His thick eyebrows, light brown eyes, high-bridge nose, stubborn jawline — and his beard. He is a very attractive man. Nang tumayo ito ay bigla siyang kinabahan at nang tumigil ito sa kanyang harapan ay para ring tumigil ang pagtibok ng kanyang puso.
"It's been a while Lily."
Nalukot ang kanyang noo. Lily? Bakit tinatawag siya nitong Lily? She cleared her throat and looked at him in the eyes. "You got the wrong person Mr. My name is not Lily."
Kumunot din ang noo nito habang nakatitig sa kanya. Napalunok siya. Hindi siya komportable sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
"Right. The color of eyes were different. So, what's your name?" Bahagyang nginitian siya ng lalake.
Napamura siya sa isipan. Is he hitting on her? Para-paraan? "Liel." Tipid niyang sagot.
"Liel?"
She nodded. "Liel Levy."
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Let me guess, you are from Israel."
Napangiti siya dahil sa sinabi nito. Paano nito nalaman iyon? "Yeah. How did you know that?"
"Your name sounds Jewish. Liel Levy." Sagot nito pagkatapos ay tiningnan ang oras sa suot na mamahaling relo. "I'm Evander Black. Nice to meet you, Levy. I have to go."
She nodded and smiled a little. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito ng coffeeshop. Nakaramdam siya ng panghihinayang. Hindi kasi nakaligtas sa mga mata niya ang suot nitong wedding ring. Napailing si Liel. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil sinabi niya rito ang totoo niyang pangalan na ang tanging nakakaalam lang ay ang kanyang boss at iilang katrabaho niya. Outside, she is Liana Leniere. Not Liel Levy.
Wala sa sariling napangiti si Liel nang maalalang tinawag siya ng gwapong lalaki ng Levy. Akala siguro nito pangalan niya iyon. Liel lang ang pangalan niya at ang apelyido naman niya ay Levy. Nangingiting napailing nalang siya at iniligpit ang laptop. She ordered mocha cake and bottled water. Pagkatapos niyang ubusin iyon ay i-chineck in niya ang kanyang luggage, finil-upan ang departure card at nagtungo sa immigration office. Pagkatapos niyang iproseso ang paglipad papuntang Madrid Spain, nagtungo na siya sa waiting area. Kinuha niya ang headset at mp3 sa bag at nagsoundtrip. Napangiti siya nang tumugtog ang paborito niyang kanya.
¿Quién te dijo esa mentira?
Que eras fácil de olvidar
No hagas caso a tus amigos
Solo son testigos de la otra mitad
Dos besos son demasiado
Y un beso no bastará
Y aunque adviertan a soldados
Si está enamorado en guerra morirá
Ya no tienes que cuidarme porque yo
Siempre he sabido que tus besos matan
Que tus promesas riman con dolor
Que eres experta en robarle latidos a mi corazón
Y tú nunca juraste que saldría ileso
Ya no te atrevas a pedir perdón
Yo te confieso que no me arrepiento
Y aunque estoy sufriendo podría estar peor
Napapikit siya at sinabayan ang kanta sa isipan. Hindi niya pinansin ang lalaking umupo sa kanyang tabi. I missed this song...
"Porque yo, siempre he sabido que tus besos matan —"
"Nice song."
Napadilat siya. Malakas naman ang volume ng headset niya pero narinig pa rin niya ang boses ng katabi. Her heart instantly hammered inside her chest when she saw the handsome man she met at the coffeeshop. Evander Black.
Tinanggal niya ang headset. "P-pupunta ka rin ng Madrid?" Hindi makapaniwalang tanong niya rito.
Bahagya itong ngumiti at tumango. "Yeah. Work." Sagot nito.
"I see."
Nahihiwagaan si Liel sa mga pangyayari ngayong araw na ito. Simula nang makilala niya ito kanina sa coffeeshop, parang pilit na pinagtatagpo sila ng tadhana. Nagkita sila waiting area habang hinihintay niya ang kanyang flight patungong Madrid. Hindi siya makapaniwalang papunta rin pala ito ng Madrid. Tapos ngayon, magkatabi pa sila sa eroplano. Wala sa sariling napailing si Liel. Pasimpleng sinulyapan niya ang suot nitong wedding ring. Bumuntong-hininga siya. Hindi niya gusto ang nararamdaman ng kanyang puso sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata. Hindi siya komportable. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganito. Goodness! She's already 26 years old pero para siyang teenager!
"Chara." s**t.
"Are you cussing?" Tanong nito.
Gulat na napatingin si Liel sa katabi. Mabilis na iniiling niya ang ulo. "M-matutulog na muna ako."
"Mr. Black, here's the pillow you requested."
Napatingin siya sa unan nang iabot nito iyon sa kanya. "Use this then."
Tinanggap niya iyon at nagpasalamat. Ipinikit noya ang mga mata para maiwasang makipag-usap rito. He is a married man! She shouldn't involve herself with this person!
"This is a 21 hours flight. Give the passengers a pillow." Utos nito sa flight attendant.
"Yes, Mr. Black." Dinig niyang sagot ng flight attendant.
Sino ito para mag-utos ito ng ganoon? Nagkibit-balikat siya. Makalipas ang ilang minuto, hindi pa rin siya makatulog. Gusto niyang imulat ang mga mata at tingnan ang katabing lalake. Kahit sandali lang. Stop, Liel. Kinastigo niya ang sarili. Nababaliaw na ba siya? Bakit bigla-bigla nalang gusto niyang makita ang gwapo nitong mukha!
Her heart began to race when she saw his handsome face at the back of her mind.
Evander Black..
Hindi alam ni Liel kung paano at ilang oras siyang nakatulog. Paggising niya ay agad na sinulyapan niya ang katabing lalaki. Nahihirapan itong matulog dahil masikip at dahil na rin sa mahaba nitong biyas. Bakit naman kasi nag-economy class pa ito? Mukha naman itong yayamanin. Sana nag business class o first class nalang ito.
Tinitigan niya si Evander. Hindi niya mapigilang mapahanga ulit rito. Napakagwapo talaga kasi nito. Ngayon lang niya ito natititigan ng maayos dahil hindi naman siya makatingin rito ng matagal dahil nahihiya siya. Napatingin si Liel sa flight attendant na naglalakad patungo sa kanila. May dala itong itim na kumot. Tumaas ang kanyang kilay nang makitang kinumotan nito si Evander Black. Nginitian naman siya nito bago umalis.
Waah. Seriously? May ganoon? Nakakainggit naman 'tong Evander Black na ito. Kinukumotan pa. Special treatment!
Ipinikit ulit ni Liel ang mga mata at bumalik sa pagtulog. Ang landing flight attendant. Sa isip niya.