Chapter 11 "Mag-iingat ka dito ha? Kapag pinabayaan ka ni Evander, ipapapatay ko siya kay Leon." Ani Angel. Tiningnan niya ng masama ang kaibigan. Kasalukuyang nasa BLCK Airport sila ni Evander para ihatid ito. Kailangan na kasi nitong bumalik sa New York dahil may trabaho raw rito. Mabuti nalang at tinulongan siya nitong kumbinsihin ang kanyang Papá na manatili sa Pilipinas kasama ang kanyang asawa na si Evander. Isang linggo't kalahati na niya itong nakasama sa penthouse nito at wala siyang maipintas rito. Magaling ito sa lahat ng bagay at maalaga ito sa kanya. "Okay, sorry. Basta tatawagan mo ako ha?" Tumango siya at nginitian ang kaibigan. "Oo naman." Kumaway ito sa kanyang at ganoon din siya rito. Angel is really a good friend. Hindi siya nito pinabayaan at pinoprotektahan siya

