NAKARAMDAM ng pagkagutom si Juda kaya nagpunta siya sa kitchen na nasa dulo ng shuttle. Pangalawang araw na nila iyon sa Piscis.
Mula sa hallway ay tanaw niya si Lily na tahimik na nakatayo at nakaharap sa tapat ng kitchen counter. Sa tuwing magkukrus ang landas nila ng babae ay halata niya ang matinding pagkatakot nito sa puntong nangingilag pa. Natutuwa siya doon dahil ayaw niyang isipin nito na tanggap ito sa mundo nila. Isa sa mga ayaw niya ay ang uri nito dahil noong nagpunta sila sa Earth para sana umangkat ng mga mineral--kung saan mayaman ang planeta--ay hindi man lang sila pinakiharapan nang maayos ng namumuno doon. Kagaya ng takot na nakikita niya sa mga mata ni Lily, ganoon din ang nakita niya sa anyo ng mga tao.
Tumuloy si Juda sa kusina at kumuha ng pagkain sa chiller. Nagtaka siya dahil hindi niya nakikita ang karaniwang reaksiyon sa babae. Nandoon lang ito at hindi kumikilos.
Binuksan niya ang botelya ng tubig at tinungga. Sasairin na sana niya iyon pero napatigil nang marinig ang pagkalansing ng kutsara sa sahig. Napalingon siya kaya nakita niya ang unti-unting pagbuwal ang katawan ng babae. Bahagyang nakasara ang mga mata nito na animoy inaantok. Bago pa ito tuluyang bumagsak ay mabilis na naiharang ni Juda ang kamay sa likod nito.
Damn instinct.
"Hoy, tao," yugyog niya sa balikat nito pero walang tugon. ". . . Gavin!"
Mabilis na nagpunta ang kapatid sa kinaroroonan nila. "Ano'ng nangyari, Juda?"
"How the f**k do I know? She just fell down like a shit."
Lumapit din si Ara at sinalat ang pinsan. "Medyo mainit siya, Gavin, dalhin natin siya sa cabin."
Tiningnan siya ng kapatid sa mata, alam niyang pasimple siya nitong inuutusan na buhatin ang babae. Pinandilatan niya naman ang huli.
"Thanks, Juda," saad ni Ara.
Sa nakalukot na mukha, kinarga ni Juda si Lily at inihiga sa kama nito.
"Marahil napagod siya sa biyahe," saad ni Gavin. "Hayaan muna natin siyang magkapagpahinga. Pagkagising niya mamaya, painumin mo siya ng gamot, mea amor."
Tumango si Ara at lumabas na sila sa cabin.
Hapon ng parehong araw nakompleto ang mga materyales na kinuha nila kaya nang panahon ding iyon ay umalis sila sa Piscis pabalik ng Sauros.
***
Dalawang oras nang lumilipad sa kalawakan ang shuttle ng nila. Si Gavin at Ara ay nasa control room habang si Juda naman ay nasa sariling cabin. Nagising si Lily kanina pero nakatulog ulit pagkatapos mapainom ng gamot ng pinsan.
Nagimbal ang payapang pamamahinga ng grupo nang marinig ang malakas na pagsabog na nagpayanig sa buong shuttle.
"Juda!" sigaw ni Gavin at agad dinaluhan ang nobya.
Alerto namang kinuha ni Juda ang glaive at pinuntahan ang pinagmulan ng ingay. Mula sa control room, mariringgan ang hiyawan ng mga nilalang at kalansingan ng sandata ni Juda, may maririnig din silang tunog ng laser guns.
Binunot ni Gavin ang espada sa baywang. "Ara, diyan ka lang sa likod ko."
"Gavin, si Lily!" nag-aalalang saad ni Ara. Ang mga cabin ay malapit sa kinaroroonan ng kaguluhan kaya mahihirapan siyang pumunta doon. Hindi parin bumabalik ang malay ni Lily kaya mas mahihirapan siyang saklolohin ito lalo at may nakapasok nang ilan sa mga kalaban sa control room.
Walang kahirap-hirap na umilag si Gavin sa mga espadang iwinasiwas ng kalaban. Marahas niyang hiniwa ang mga ito gamit ang dalang sandata. Binunot ang laser gun sa kaliwang baywang at pinaputukan ang iba pang kalaban na kapapasok palang.
In-ambush sila ng mga Anguis. Bakit nandito ang mga ito? Paano nalaman ng mga ito ang lokasyon nila?
Napakapit si Ara kay Gavin nang may isa pang pasabog ang nangyari. Kita sa malaking bintana ng shuttle ang isang spaceship ng kalaban. Malamang sa kabilang side ay mayroon din.
Lumapit si Gavin sa control, may tinipa, pagkatapos ay naramdaman ni Ara na bumilis ang takbo ng sasakyan nila kaya nalampasan nila ang grupo ng shuttle ng kalaban.
Sa kabilang banda, napakapit si Juda sa pader nang gumewang ang shuttle dahil sa biglaang pag-iba ng takbo.
Sumugod sa kanya ang naiwang dalawang ahas gamit ang espada pero napigilan niya iyon ng glaive. Sinipa niya ang isa kaya tumilapon palabas ng shuttle, ang isa naman ay walang pag aatubili niyang hiniwa sa tiyan
"Gavin, bilisan mo pa! Humahabol ang mga Anguis!" saad ni Juda na kakapasok lang sa control room.
'Anong iniisip ni Elko? Bakit bigla nalang siyang sumugod? Malilintikan sa akin ang payatot na iyon!'
INPUT ERROR. TROUBLE SHOOTING ON PROCESS.
Narinig ni Juda sa voice prompt ng shuttle.
"What's happening, Gavin?"
"I'm trying to set this thing to a faster speed but I can't. Mukhang napuruhan ang engine natin."
TROUBLE SHOOTING DONE. SEVENTY FIVE PERCENT ENGINE DAMAGE.
"s**t! Seventy percent?!"
"Malabo nang makarating ang shuttle na ito sa Sauro, Juda," sabi ni Gavin.
"Wala na bang ibang paraan? Karga natin ang mga materyales." Umiling lang si Gavin.
SEVENTY FIVE PERCENT ENGINE DAMAGE.
May pumutok na kung ano sa likuran ng shuttle kaya umuga ang sasakyan at unti-unting bumagal ang takbo.
Ilang sandali ay naririnig ulit nila ang ingay ng engine ng sasakyan ng kalaban na nakabuntot parin pala.
Pinuntahan ulit ni Juda ang likuran ng shuttle kung saan nagkaroon ng malaking butas. Isa-isa na namang nagsipasukan ang mga sundalong ahas sa loob ng shuttle.
EIGHTY PERCENT ENGINE DAMAGE.
Pinindot ni Gavin ang pulang buton na nasa gitnang bahagi ng control. Bumukas ang metal na pintuan sa gilid ng control room.
"Ara! Sakay na, dali!" Nakita ni Ara ang dalawang pangdalawahang spaceship. Gaya ng utos ng nobyo ay sumampa siya doon.
"Gavin, si Lily!"
"Hindi natin siya maisasabay dito. Dalawa lang ang kaya ng shuttle na ito. Si Juda na ang bahala kay Lily," anitong mabilis na sumunod sa pagsampa. Tinipa nito ang control ng maliit na shuttle at nagsara iyon.
"Seatbelt, Ara!" anang lalaki saka nagbukas ang sahig at nahulog sila sa kalawakan.
***
Nagising si Lily sa narinig na komosyon sa labas ng cabin. Medyo maayos na ang pakiramdam niya, salamat sa gamot na binigay ni Ara.
'Anong meron?' Kinuskos niya ang mga mata. Mukhang napuno na yata ang pantog niya sa kakatulog, kailangan niyang bumisita muna sa banyo.
Ang banyo ay nasa labas iyon ng cabin malapit sa kusina. Kumuha muna siya ng suklay sa bag at inayos ang kanyang brown curly hair.
"Nagda-dry na ang ends ng hair ko, shocks! Kailangan ko na talagang makauwi para makapag hair spa na," maktol niya. "I want nobody, no body but you!" turo niya sa repleksiyon ng salamin at kumindat pa. "Lily, ba't ang ganda mo?"
Kumuha din siya ng toothbrush at lipstick, "Doon na 'ko magre-retouch.''
Biglang yumanig ang paligid kaya napahawak si Lily sa kama.
"Ay! Turbulence? Sa kalawakan?"
Binuksan niya ang pintuan ng cabin at naglakad papuntang banyo para lang mapatda. May nakikita siyang puting mga ilaw na nagliliparan sa ere. At pagkatapos nun ay mga pagsabog. "Ay! Juice colored! Anech etech?!" nakayukong tinakpan niya ang mga tainga dahil nakakabingi ang ingay.
'Anong nagyayari? Giyera? Saan na ang mga kasama ko?' Mas lalo siyang napasiksik nang marinig ang isa na namang malakas na pagsabog.
'OMG! OMG! Lord, mamamatay na ba ako?'
***
Narinig ni Juda ang paglipad ng emergency shuttle sa control room kaya malakas niyang iwinasiwas ang glaive sa harap.
Nakaalis na sila. Kailangan ko na ring umalis dito.'
Sugatan lahat ang kalabang ahas. May isa pang humirit ng bunot ng baril kaya buong lakas niya itong sinipa sa dibdib. Tumalikod siya para magtungo sa isa pang emergency shuttle.
EMERGENCY! EMERGENCY! NINETY PERCENT SYSTEM DAMAGE. TOTAL SELF DESTRUCTION ACTIVATED. PLEASE EVACUATE THE SHUTTLE IN SIXTY SECONDS, saad ng voice promt.
Sa nagmamadaling kilos ay nilapitan ni Juda ang maliit na shuttle pero napatigil nang makita ang babaeng nakayukong sumiksik sa gilid ng hallway. Nagbawi siya ng tingin at tuloy-tuloy na naglakad.
"Ju-Juda!"
Tiimbagang siyang napahinto.
"s**t!"
Labag man sa loob pero umikot siya at naglakad pabalik, hinawakan ang damit ni Lily malapit sa batok at hinablot.
"Aray naman! Nasasakal ak--a--!"
Hila-hila parin niya ito hanggang sa shuttle at parang sako ng palay, padaskul na ibinalandra doon. Napasubsob tuloy ang mukha ng dalaga sa upuan ng sasakyan.
"Araaaay! Magdahan-dahan ka! Babae ako, babae!" turo nito sa sarili.
Sumunod siyang umupo sa katabing upuan at pinindot ang control.
Seven. . . six. . . five. . . four. . .
"Dammit! Dali!" pukpok ni Juda sa harap.
Nagsara ang shuttle.
Two. . . one.
At nagbukas ang sahig.
***
NAABUTAN ng pagsabog ng control room ang emergency shuttle nila Lily kaya nadaplisan ang bandang likuran nito.
"s**t!" malutong nitong mura.
"Hoy, Juda! Tulungan mo 'ko dito!" kung kaninay nakasubsob siya sa upuan, ngayon nama'y tabingi siyang nakadikit sa gilid ng shuttle kasi hindi man lang siya nabigyan ng chance na ayusin ang sarili. Bigla nalang bumulusok pababa ang pambihirang mini spaceship. Pero kahit na siguro mawasak ang vocal cords niya sa kasisigaw, mukhang pumutok na rin siguro ang eardrums ng kasama kasi parang wala itong naririnig.
Sa halip, pinindot ng hinayupak na butiki ang relo nitong malaki sa braso at tinawagan ang headquarters. Ilang ring lang ay mayroon nang sumagot. Lumitaw ang hitsura ng kalahi nito.
"Commander."
"Inambush kami ng Anguis. Nakatakas na sila Gavin pero ang shuttle ko nadaplisan sa likod. Mukhang hindi na ito makakarating sa Sauros kaya mag-i-emergency landing ako sa pinakamalapit na planeta ng Piscis."
Habang busy sa pakikipag-usap ang lalaki, nagsariling sikap na lamang si Lily na saklolohin ang sarili. May nakita siyang malapad na tali sa tabi ng upuan na sa pagkakaintindi niya ay seatbelt. Pilit inabot ng maikli niyang kamay iyon at hinila hanggang sa makapuwesto siya sa upuan nang maayos.
'Bwisit talaga ang butiking 'to!'
Itinali niya iyon sa katawan at ikinabit ang dulo sa kabilang side ng upuan.
"Copy commander, agad n'yo pong ipaalam sa amin kung saang planeta kayo tutungo. Maghahanda po kaagad kami ng rescue operation."
"Hindi mo na kailangang sabihin sa akin iyan," puno ng angas nitong sagot sa kausap. "Over and out."
'Nakakarinig naman pala, e, dinedma lang talaga ako ng halimaw!'
"S-saan tayo pupunta, Juda?" tanong ni Lily sa mahinahon nang tono pero hindi parin sinasagot ng lalaki.
***
Tiningnan ni Juda ang mapa sa monitor. May tatlong karatig na planeta ang Piscis. Ang pinakamalapit ay ang maliit na lugar ng mga alakdan, ang Scolopendra. Pero sa pagkakaalam niya ay wala iyong matinong koneksiyon sa Sauro, nahuhuli din ang teknolohiya na ginagamit. Baka mahirapan siyang makahanap ng matinong tulong. Ang sumunod ay ang isa din sa makapangyarihang planeta sa kalawakan, ang Simia o kaharian ng mga Unggoy. Kung kagamitan ang pag-uusapan, maihahalintulad sa Sauro ang kakayahan pero diskumpyado siya na makakahingi siya ng tulong dahil kamakailan lang ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang lahi nila sa mga ito tungkol sa pinansyal.
Damn. Ngayon niya mas napagtanto ang malaking kahalagahan ng koneksyon.
May isa pa namang naiwang pagpipilian, ang Rattus, planeta ng mga daga. Maganda ang relasyon ng pamahalaan nito at ng Sauro, may makabago ding kagamitan lalo sa komunikasyon, perpektong mahihingan ng tulong sa panahong iyon. Ang kaso, hindi siya sigurado kung makakaabot ang shuttle nila sa lugar na iyon dahil ngayon palang ay hindi na niya makontrol nang maayos ang bilis nito. Nagloloko na ang makina.
Pinindot niya ulit ang device pero static ang unang sumagot.
"Co-krrrsshhzzt...kkrrszt..."
Bahagyang pinukpok ni Juda ang device.
"Sa Rattus ako tutungo. Naririnig n'yo ba ako?"
"Kkrrsshzt...krshzzzt..."
"Nequam!" inis niyang pinukpok ulit ang suot na aparato. Nanlilisik ang mga matang pinagtuunan ang manibela. May pinindot na ilang buton sa kanan saka hinila sagad pababa ang isang bakal na korteng baliktad na L.
"Juice ko, roller coaster na naman ito!"
Narinig niyang usal ng babae saka kumapit ng mahigpit sa magkabilang gilid ng upuan.
Makalipas ang ilang sandali, naghanda na ang dalawa para sa paglanding. Unti-unting lumalapit ang shuttle sa kulay pinaghalong puti at asul na planeta. Nakikita na ang mga bundok. Plano ng lalaki na huminto sa lugar kung saan may makikitang mga gusali nang sa gayun ay hindi sila mahirapan sa paghanap ng maayos na komunikasyon sa pamahalaan nito. Pero malayo pa lang sila ay pumutok na ang likuran ng sasakyan at gumawa iyon ng malaking usok. Nagloko ang buong system dahilan ng agarang paglanding sa kabundukan.
"Hala ka! Ano na naman iyon?!" sigaw ni Lily.
Umarangkada sila pababa sa kakahuyan kaya mas lalong nabugbog ang mga parte nito. Kung hindi naikabit ni Lily nang maaga ang seatbelt ay siguradong nagpatumbling-tumbling na ito. Ngayon nga ay halos mapugto ang hininga nito sa impact ng sasakyan sa mga punong nasagasaan.
Huminto sila sa gitna ng gubat, nilalamon pa rin ng usok ang sasakyan. Bumukas ang shuttle at bumaba si Juda, si Lily naman ay hindi pa nakarecover sa karumal-dumal nilang paglanding. Sabog ang brown niyang curly hair sa buong mukha.
"Pesteng buhay 'to!" mura ni Juda na sinipa ang shuttle.
'Ay, formal tagalog pero may peste?'
Tumalikod ang lalaki at naglakad palayo na para bang wala itong kasama.
'Hala, iniwan ako?'
Dali-dali niyang kinalas ang seatbelt sa katawan at padausdos na bumaba ng sasakyan. Lakad-takbo siyang sumunod sa malalaking hakbang ni Juda.
"T-teka la--! Saan tayo pupunta? Puro puno lang ang nandito. S-saan tayo hihingi ng tulong?" tanong ni Lily sa habol na hininga dahil napopoison na ang lungs niya ang nalanghap na itim na usok.
Diretso lang sa paglalakad ang lalaki na parang walang narinig.
"At saka, naiihi ako. Hintayin mo 'ko, gusto kong umihi muna. Brrrr!" wala paring sagot ang lalaki. Nagbabadya na sa exit ng perlas niyang sinilangan ang isang litrong wiwi. "Juda!" Napatigil si Lily nang marahas na lumingon ang lalaki at inilang hakbang na nilapitan siya.
"Itikom mo 'yang bibig mo kung ayaw mong gilitan kita ng leeg!" duro nito sa mukha niya.
Literal naman na nagbackward ang dila ni Lily sa sinabi nito.
'Ang harsh talaga ng butiki na 'to! Hindi ba naimbemto ang G.M.R.C sa planeta nila?'
Nagkasya na lang siya sa pamimilipit habang patuloy na sumusunod dito.
Pagkatapos ng halos dalawang oras na paglalakad ay nakahanap ng timing si Lily para pumuslit dahil tumigil si Juda sa paglalakad. Panaka-naka nitong tinataas ang hawak na malaking relo habang paikut-ikot sa lugar na iyon, tila naghahanap ng signal.
'Sayang at walang papaya dito. Sa papaya raw kasi maraming signal.'
Nakahanap siya ng perpektong kumpol ng malalabong halaman kaya sumiksik siya doon at isinagawa ang matagal nang balak.
"Thank you, Looord!" para siyang napunta sa langit nang mailabas ang kanina pa ay pinipigilan. Nanginginig-nginig pa siyang napangiti. "This is life."
Natigil ang paghila ni Lily sa panty pataas at napakunot ang noo nang makaramdam siya ng tila magaspang na dumikit sa kanyang puwet, wala naman iyon kanina. Nagtataka niyang nilingon ang kung anumang nasa likuran para lamang mapatili nang malakas.
Isa iyong nilalang na sa tingin niya ay parang ahas pero mas pangit ang hitsura. Color gray ang kunot nitong balat na may pulang bilug-bilog. May kalakihan ang mukha nito at may tusuk-tusok ang leeg. Siguro ay nabigla din ito sa pagsigaw niya kaya nagalit at ngumanga, nagpakawala ng nakakatakot na hagishis at pinagmalaki ang maliliit ngunit matutulis na mga ngipin.
"Ahas! Ahas! Dinosaur!"
Pagapang siyang lumayo. Nahirapan na siyang tumayo dahil sa panty niyang nakatengga sa tuhod, idagdag pa na ang lapit ng pambihirang nilalang sa puwet niya. Mangiyak-ngiyak siyang sumigaw ulit nang gumalaw ang pangit na ahas pasunod sa kanya. Ang buo niyang pisngi ay nababalutan na ng luha.
"Huwag kang lumapit! Tulong! Tulooong!" Halos mabaliw na siya sa kakasigaw. Wala siyang pakialam kung sumabog man ang lalamunan niya. Sa kakaatras ay nacorner siya sa isang puno, ilang dipa na lang ang ahas at wala siyang maisip kung paano tumakas dahil sa kaawa-awa niyang posisyon.
Nakabuka parin ang bunganga nito at biglang nag-backward ang leeg. Kumambyo na yata para chukchukin siya! Nauubusan na siya ng pag-asa sa katawan kaya mariin na lamang siyang pumikit at pigil ang hiningang hinintay ang katapusan.
'Goodbye Philippines! Goodbye Mama! Goodbye Pap--'
Thwak!
Ang tunog na narinig ni Lily, nakapikit paring nakiramdam kung ano ang susunod na ganap.
'Walang masakit sa katawan ko, wala bang kumagat?'
Narealize ng dalaga na wala na pala ang ungol ng ahas kaya dahan-dahan niyang binuka ang isang mata, sinunod ang isa pa.
Itim na boots at pulang tela ang nakita ni Lily. Sa ilalim ng sapatos ay ang pitpit nang ahas. Nagkalat ang violet na likido sa katawan nito.
Dahan-dahan niyang inangat ang paningin para salubungin ang mukha ng kanyang tagapagligtas. Napalunok siya ng makita ang hitsura nitong ewan kung nakangiti o nandidiri. Nakataas ang isang side ng nguso nito habang nakakalokong tumitig sa ibaba ang mga mata.
'Muntik na 'yon, a. Akala ko matitegi na 'ko."
"Salamat." As expected, hindi na naman sumagot pero hindi parin nagbawi ng tingin.
Na-conscious tuloy siya at inayos ang sarili, doon niya narealize ang kalunus-lunos na hitsura. Nakabukaka ang mga binti niya sanhi ng paggapang at nakababa ang panty. At dahil suot niya ang favorite at nag-iisa niyang mini skirt na floral kaya kita lahat ang hindi dapat mahantad. Napalunok ulit siya at nanlaki ang butas ng ilong. Ramdam ni Lily ang pag-init ng buo niyang mukha pati katawan.
"Bastos! Huwag kang tumingin!" sigaw niyang kumuha ng mga tuyong dahon at tinapon sa lalaki. Dali-dali siyang tumayo at inayos ang damit. "Hindi ko alam na maliban sa wala kang modo, bastos ka rin pala!" nag evaporate na lahat ang takot niya sa lalaki dahil sa matinding pagkapahiya.
"Hmf, kunwari ka pa. Sinasadya mo naman," bulong nitong tumalikod. Bulong lamang dapat iyon pero rinig na rinig niya dahil sa laki ng boses nito.
"Ano'ng sabi mo?! Excuse me, bakit ko naman gagawin iyon? Wala akong gusto sa iyo at lalong never akong magkakagusto sa tulad mo! Mukha nito," aniyang pinagpag ang puwet.
"The pleasure is mine dahil ayo'ko din sa mga nilalang na katulad mo," sagot nito.
'Aba! Taglish at sumasagot na!'
Aarangkada pa sana ang bunganga ni Lily nang maalala ang sitwasyon. 'Naliligaw nga pala kami at ang kumag na 'to lang ang kasama ko. Baka iwanan ako 'pag nagalit. Nakow! Pagbalik natin
No choice, nagkuha na lamang siya sa kabubuntot dito.
***
PABABA na ang araw kaya marahil ay hapon na, no wonder kaya lumalakas na rin ang tunog ng gutom na tiyan ni Lily. Buong araw na siyang walang kain! Ang huling tinanggap ng tiyan niya ay apple lang. Yes, may apple sa Sauros pati ibang prutas ay halos pare-pareho lang din. Hindi na siya nagtanong kung paano at bakit, ang mas mahalaga alam niya na safe ang mga iyon kainin. Kung alam lang sana niya na mag-aadventure sila nang ganoon kasaklap ay naghanda na siya ng baon.
Ang butiki, hindi pa rin kumakain. May secret chamber ba ang tiyan niya para storage ng pagkain?'
"Juda, nagugutom ako. T'saka uhaw na 'ko. Ikaw ba hindi? Break naman tayo."
Katahimikan. Ano pa nga ba? Napaismid siya.
Ilang dipa ang layo ng lalaki sa kanya dahil nga higante at malalaki ang hakbang. Kahit lakad-takbo siyang sumusunod dito, ay wa epek. Napapagod lang siya kaya hinayaan na niyang malayo ang agwat ng kanilang distansya. Hindi pa rin sila nakalabas sa kagubatan.
Tahimik ang paligid at tanging huni ng ibon, ihip ng hangin at tunog ng tuyong dahon na naapakan ang naririnig ni Lily.
Hindi naman pala nakakatakot ang guba--" hindi na natuloy ng babae ang iniisip dahil naputol iyon nang bigla siyang dumausdos pababa sa isang butas.
Sa bigla ng pangyayari ay hindi niya nagawang sumigaw man lang. Pahiga siyang naglanding sa medyo maputik na lupa.
"Araaay!" Mangiyak-ngiyak niyang hawak sa balakang. "Ano na naman to?! Bakit ba andaming nakakamatay na bagay dito!" Pakiramdam ni Lily ay parang binugbog ang buo niyang katawan. "Judaaa!"
Maririnig kaya siya no'n? E, malayu-layo 'yon sa kanya.
"Judaaa! Tulong! Nahulog ako!" Tantiya niya ay nasa pitong talampakan ang taas ng butas at ang height niya ay five two lamang. 'Kumusta naman kaya iyon?' Pinakiramdaman niya kung ano ang ginagawa nito. Kung magtu-to-the-rescue ba. "Judaaa!" Nabasa na naman ang mga mata niya dahil sa pinaghalong sakit ng katawan at awa sa sarili. Niyuko niya ang sarili, tadtad ng dumi at putik ang buo niyang katawan. Bakit ba ganoon ang dinanas niya? Ano ba'ng ginawa niyang kalokohan para parusahan nang ganoon? Gusto lang naman niyang tulungan ang pinsan sa akala niya ay mapanganib. Okay na sana na nalaman niyang mabait naman pala ang jowa ng pinsan. Bakit pa kasi siya sumama sa biyahe? Naghintay na lang sana siya sa mansyon kahit bilangin nalang niya lahat ng peables sa pader. Buhay nga siya ngayon, pero kasama naman ang bakulaw na walang paki kung mamatay man siya o hindi. Hihikbi-hikbi si Lily nang dumating si Juda.
"Juda!" may kagalakan niyang usal. "Tulungan mo 'ko. Hindi ako makaakyat," saad ni Lily na itinaas ang mga kamay.>
"Humanda ka, butiki ka! Makalabas lang ako dito, lilitsunin kita!"
mama Madilim na pero hindi pa rin nakaalis si Lily, nawawalan na siya ng pag-asa. Baka doon na talaga siya mamamatay. Baka ang butas na iyon ay tinadhana para maging libingan niya.
'Mama, Papa, sorry po. Sorry dahil nauubos ko lagi ang allowance ko sa kabibili ng makeups. Sorry kung nag-boyfriend kaagad ako no'ng twelve years old pa lang ako. Sorry kung binibigyan ko kayo ng problema minsan. Elio, sorry kung hindi kita binibigyan ng bili kong ice cream. Sorry kung kinukupit ko ang ipon mo sa alkansya. Sorry kung hindi ako naging best sister. Sorry sa lahat. Hindi ko na kayo makikita.' Ang kaninang pinipigilang luha ay tuluyan nang naglandas sa pisngi ni Lily. Pumalahaw siya nang abot sa kanyang makakaya. Ang lahat ng pagod, pagkalito, gutom, takot at awa sa sarili ay doon niya ibinuhos. Nanatili si Lily nang ganoon hanggang sa napalitan na ng kadiliman ang araw. Mugto ang mga mata, ang mahihinang hikbi na lamang niya ang maririnig.
Nagtagpo ang mga kilay ni Lily sa naamoy.
'May nag-iihaw?' Tumayo siya sa kinalalagmakan at mas pinatalas ang pang-amoy. 'Meron nga! May mga bahay na siguro malapit dito?' Kailangan niyang makaalis sa butas nang sa ganoon ay makahingi siya ng tulong sa mga nakatira doon.
Nag-isip si Lily ng iba pang paraan kung paano makaakyat, tinitigan ang pader na lupa at napangiti nang may maisip. Gamit ang mga kamay, naghukay siya sa gilid niyon, medyo malambot ang lupa kaya hindi siya nahirapan. Naghukay uli siya ng isa pa sa kaliwa, at dalawa din sa itaas. Inapak niya ang mga paa sa butas na nasa ilalim at pinasok ang mga kamay sa butas na nasa itaas. Nagsilbi iyong hawakan at apakan para unti-unti siyang makaakyat. Gumawa ulit siya ng dalawa pang ganoon hanggang sa nahahawakan na niya ang mga damo itaas. Doon siya huling kumuha ng lakas para tuluyang makaahon, hihingal-hingal siyang napahiga sa damohan nang marating ang tuktok.
"Oh My God! Nagawa ko! Nagawa ko! Wooo!" Halakhak niya na animo'y baliw.
Naalala ni Lily ang naamoy na inihaw kaya tumayo siya at sinundan iyon. Hindi kalayuan mula sa kinaroronan ay natanaw niya ang isang bon fire. Katabi ng bon fire ay ang damuhong reptile na nagpabaya sa kanya. Abala itong nilalantakan ang hawak na inihaw na isda.
"'Di ba nagugutom ka?" anitong tila walang nangyaring kalunos-lunos sa kanya. Magsu-super sayan na sana si Lily pero mas naunang nagreklamo ang sikmura niya, tumunog iyon nang pagkalakas-lakas. Napapailing at sarkastikong napangisi si Juda.
Lumapit ang babae sa bon fire at sa namimilog na mata'y kinuha ang isa sa mga nakasalang na isda.
'Thank you Lord, You're the best!'
"Tubig, may tubig ka?" paismid niyang tanong sa kasama. Sumenyas naman ito sa kaliwa na ipinagtaka niya. Tumayo siya para tingnan kung ano ang ibig nitong sabihin kaya nakita niya ang isang maliit na lawa. Tutop ang ibig na napasinghap si Lily pero nang maramdamang nakatingin sa kanya ang lalaki ay kaagad na binura ang tuwa sa mukha saka pinatirik ang mata at umirap.
'Nunca na magpapasalamat ako sa'yo! Hinding-hindi mo mababayaran ng pagkain at tubig ang pag-iwan mo sa akin sa butas na iyon! ' Nangilid na naman ang mga luha sa mata niya sa sinapit. 'Kung hindi pa 'ko nagsikap na makaakyat, siguro hahayaan mo lang talaga ako doon hanggang sa mamatay.'