***Warning!!! This chapter contains MATURE content. Parental guidance is highly encouraged.
"Hi! Ako nga pala si Lily, anong pangalan nyo?" nakangiting tanong niya sa dalawang bata. Tahimik ang mga itong nakatingin sa kanya. Nahihiya pa siguro. "Huwag kayong matakot, mabait ako."
"Pagpasensiyahan mo na ang mga batang iyan, Lily. Bihira lang kasi kami nagkakaroon ng panauhin kaya nahihiya pa sila. Ako nga pala si Amica." pagpapakilala ng babae kay Lily, mukhang mabait ito.
"Nice meeting you, Amica. Sabi nga pala ni manong Balbo dito daw ako pansamantalang tutuloy sa Bahay niyo." Si manong Balbo ang pinuno ng village na iyon. Iyon din ang nakausap nila kanina.
"Oo, napag-usapan na namin iyan. Halika, ihahatid kita sa magiging kwarto mo." Napag-alaman ni Lily na share sila ng higaan ni Amica kasi walang ibang extra na bakanteng kwarto. Medyo Malaki naman ang kama kaya okay lang. Si Juda naman ay sa Bahay ni Manong Balbo nakituloy. "Heto, mga damit ko iyan, pwede mong hiramin hanggat narito ka. Para naman malabhan mo ng maayos ang damit mo."
"Ay, maraming Salamat, Amica. Gustong-gusto ko na talaga maligo at makapagpalit ng malinis na damit. Nangangamoy fera bestia na'ko." aniyang inamoy ang kili-kili at napangiwi.
"Sige, ihahanda ko ang tubig para sayo. Sasamahan nalang din kita sa likod Bahay."
"Salamat ha." naiwan si Lily sa loob ng kwarto kaya nagkaoras siyang tingnan ang mga nandoon. Hindi kalakihan ang kwarto, sakto lang para sa kanilang dalawa. Konti lang din ang gamit doon. May mga libro na nasa lamesang may nakapatong din na lampshade, nasa paanan iyon ng kama. May cabinet para sa mga damit, salamin sa gilid niyon at halamang nakaflower pot sa gilid ng pintuan. Homey, naisip ni Lily. parang sa Pilipinas lang din. Namiss niya tuloy ang Bahay nila pati ang pamilya niya. Mag-eemote pa sana si Lily nang bumukas ang pinto at sumilip si Amica.
"Lily, handa na ang pampaligo mo. Halika na." Ang bait ng dalaga sa kanya, magaan na tuloy ang loob niya dito.
Nang gabing iyon ay mahimbing ang tulog ni Lily dahil sa preskong dala ng pagligo at malinis na gamit.
NAGISING si Lily sa maiingay na hiyawan ng mga batang naglalaro. Malapit nga pala sa bintana ang kama kaya dinig na dinig niya ang mga iyon. Nag-inat siya at naghikab. Iba talaga kapag may maayos na gamit at higaan, nakakabalik ng kagandahan.
'Rise and shine, Lily Rose! Ano bang pinagkaguluhan ng mga bata?'
Tumayo siya at sinilip ang labas ng bintana. Napataas ang kilay ni Lily dahil pinagkaguluhan ng mga batang daga si Juda. Nakapagtataka na hindi umiinit ang ulo ng lalaki sa kaguluhan at ingay. Nagsisibak ito ng malalaking kahoy gamit ang glaive. Tanging pantalon lang ang suot ng lalaki. Wala ang mabigat na armor at kapa.
'Marunong din palang makibagay. Ang weird naman ng taste ng mga bata dito. Ayaw makipagkaibigan sa akin na maganda at mukhang harmless pero aliw na aliw sa nakakatakot na bakulaw na iyon.'
Bumukas ang pintuan ng kwarto at iniluwa si Amica. "Gising kana pala, Lily. Magandang umaga!" nakangiting bati ng dalaga sa kanya. "Nadistorbo ka siguro sa ingay sa labas. Wiling-wili kasi ang mga bata kay Juda."
"Anong nakita ng mga bata sa kanya?" nakangiwing tanong ni Lily
"Pangarap kasi ng mga bata dito ang maging malakas kagaya ni Juda. Noong nalaman nila na nagapi ni Juda ang mga fera bestia ay naging idolo na nila ang lalaki."
"Ahh, ganun ba?" nilingon niya ulit ang mga batang kasalukuyang pinaglalaruan ang glaive.
"Halika na sa baba. Nakahanda na ang agahan, baka nagugutom kana."
Noon narealize ni Lily ang kalam ng sikmura kaya hindi na siya nagpacute pa. "Iyan ang magandang balita sa paggising!"
TINUTULUNGAN ni Lily si Amica na magsampay ng mga damit. Mataas ang araw kaya naglaba sila. Habang nilalagyan ng clip ang mga nalabhang kumot ay Nakita ni Lily ang isang babaeng, rabbit? Kulay puti ito na may gray na linya ang balahibo sa buntot. Nakasuot ng fitted na damit na hanggang hita lang. Kumembot-kembot itong naglakad palapit kay Juda.
"Friendship," siko niya kay Amica. "Sino iyan?"
"Ah, si Elysia. Anak ni manong Balbo."
"Bakit iba ang hitsura niya?"
"Mahilig kasi sa pampaganda iyan. Pati kagamitan yata na binili niya sa lungsod, eh nanggaling sa lepus. Ang planeta mga koneho."
'Oh, mahilig sa imported, parang ako lang. Kaya pala nagmukhang rabbit. Mas cute nga naman ang rabbit kaysa daga.'
Nakipag-usap si Elysia kay Juda na tumutulong sa pagkatay ng hayop para gawing karne. May dala itong puting tela at binigay sa lalaki. Tinanggap naman iyon ng huli.
'Hmmn, sounds fishy.' Hindi siya magtataka kung bakit pinaghiwalay sila ni Juda ng Bahay.
"Lily, kaanu-ano mo pala si Juda?" pagkuway tanong ni Amica
Talagang nahihirapan siyang sagutin ang tanong na iyon. "Bale, iyong kapamilya ko kasi, nainlove sa kapatid ni Juda kaya nagsasama sila ngayon. Napasama ako nang pumunta ng Sauro ang kapamilya ko kaya nakilala ko si Juda.
"Ah, akala ko kasi magkatipan kayo. Dito kasi sa Rattus, bihira lang magkasama ang babae at lalaki na hindi kasal."
"Ah, hindi, hindi kami ganun." aniyang exagge na umiling
"Hmn... may asawa na ba si Juda?" pagkuway tanong ni Amica
"Hin--di ako sure pero parang wala. Bakit, type mo?" nagbibiro lamang si Lily pero hindi makapaniwala nang napakagat-labi si Amica na nagpacute. Napangiwi siya.
'Ahay! Parang si Ara lang! Ano bang nakita ng mga nilalang na ito sa butiking iyon?'
"Malakas si Juda, matapang at lalaking-lalaki. pakiramdam ko kapag kasama ko siya, ligtas ako palagi sa kapahamakan. Sino bang hindi magkakagusto sa ganoon, diba?" anang babae na hawak ang dalawang pisngi.
'Pinagpapantasyahan pala ng mga babae dito si Juda?' hindi makapaniwalang nilingon niya ang hot topic nila. Nakatayo ito sa gilid ng balon at bitbit na ang pamunas na binigay ni Elysia. Iiling-iling na tinapos ni Lily ang pagsampay sa naiwang basang damit.
"No comment."
NABABAGOT si Lily sa kwarto kaya nagdesisyon siyang lumabas. Gabi na ngunit hindi na siya natatakot dahil napugutan nang lahat ni Juda ang mga fera bestia. Masarap ang ihip ng hangin sa kanyang mukha. Naririnig niya ang mga huni ng kuliglig sa damuhan.
'Parang probinsiya lang.' napapangiti si Lily sa tuwing naaalala ang buhay sa Pilipinas. Kalian kaya niya mararanasan uli iyon? Kailan siya makakauwi? Kailan matatapos ang journey niyang tila walang katapusan. Naglakad siya malapit sa kulungan ng mga hayop at sinilip ang mga iyon.
'Tulog na sila.' "Masaya ako at nakakapagpahinga na kayo ng maayos. Hindi na kayo takot everynight." bulong niya sa mga ito. Napukaw ang atensyon ni Lily nang makarinig ng mahinang ungol ng isang babae. Para iyong nasasaktan. 'May nagkasakit siguro sa mga tagarito. Baka kailangan ng tulong, mapuntahan nga.'
Lumabas siya ng kulungan at tinaluton ang likod niyon. Pilit hinahanap kung saan galing ang boses. Sa paghakbang niya malapit sa imbakan ng mga panggatong ay nakita niya si Juda. Nakatungo ito at tila may pinagkakaabalahan. Mula ulo hanggang baywang lang ang nakikita niya kasi natatabunan ang kalahati ng katawan nito ng mga panggatong. Nagtaka si Lily sa back and forth na galaw ng katawan nito.
'Anong ginagawa ng lalaking iyon sa dis-oras ng gabi, naglalagari?'
Sumagap si lily ng hangin para sana tawagin ang lalaki nang marinig na naman niya ang ungol ng babae. Malapit iyon sa kinaroroonan ni Juda. Nagtapo ang mga kilay ni Lily na tumitig. Nanlaki ang mga mata niya nang marealize kung ano ang nakikita. Gumalaw ang babae at bahagyang tumayo kaya namukhaan niya. Si Elysia?!
"Juda..." ungol ulit nito
Kasabay ng pagsinghap ni Lily at pagtakip sa bibig ay ang pagliyad ni Juda. Napapikit ito at nagpakawala ng mahinang ungol.
Dagling nagtago si Lily sa gilid ng kulungan.
'Hu May Gad! Hu may Gad! Totoo bang nakita ko? Si Juda at Elysia?! Shocks! bakit pa ako pumunta dito?' Napalunok siya at pinagpawisan sa noo. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Nahihiya siya sa sarili dahil nasaksihan ang ganoong tagpo.
Sa maingat na kilos ay bumalik si Lily sa kwarto at nagtalukbong. Hindi siya makapaniwala sa nakitang expression sa mukha ni Juda. Kaya pala nitong gumawa ng ganoong anyo?
NAKAHIGA ang hubad na katawan ni Lily sa malambot na kama. Mariringgan ang mabigat na hininga na kumakawala sa bibig niya. Napapaliyad siya sa tuwing dumadaan ang senswal na dila ni Juda sa kanyang balat. Ang banayad nitong kamay ay humahaplos sa makinis niyang baywang pataas sa naghihintay niyang malulusog na dibdib. He gave it a light squeeze while rubbing her hard n****e. Minamasahe ni Juda ang kaliwa habang nilalasap ang kabila.
"Juda..." ungol ni Lily
Napakapit siya sa braso nito sa kiliting hatid ng ginagawa. Mula sa dibdib ay gumapang ang kamay ni Juda pababa sa kanyang puson hanggang sa dumako sa gitna ng kanyang hita. Dinama niyon ang kahandaan niya. He moved his finger back and forth inside her. Mas Lalo niyang binuka ang mga binti at tila may sariling isip ang balakang niyang kusang gumagalaw, nagpakawala siya ng malakas na ungol. Para siyang mababaliw sa pinapalasap ng lalaki ngayon.
"Juda...please."
"Lily! Lily!" Malakas na yugyog sa balikat ang nagpagising kay Lily. "May sakit ka ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"
"A-amica?" pupungas-pungas siyang naupo sa kama.
"Kanina kapa kasi pinagpapawisan habang natutulog ka. Tapos tinatawag mo si Juda."
Napamulagat siya nang maalala ang panaginip, tutop niya ang bibig at nagpalinga-linga.
Juda.
Nanaginip siya kay Juda na nakipag chenelyn sa kanya! Shet! Parang totoo. Ramdam niya sa pribado niyang parte ang epekto ng panaginip, namimigat ang puson niya. Nakakahiya siya! At nagsi-sleep talk pa siya.
"Okay ka lang ba, Lily? Gusto mo tawagin ko si Juda para sa iyo?"
"No!" agap niya sa braso ni Amica. Napalakas ang pagsabi niya kaya napakislot ang kausap. "S-sorry. Huwag mo siyang tawagin, please. N-natutulog na iyon, magagalit iyon 'pag dinistorbo.
"Okay, may kailangan ka ba? Heto tubig, inumin mo."
"Salamat Amica." sabi niya pagkatapos maubos ang isang basong tubig. Ang init ng pakiramdan niya! Parang nag-aapoy ang katawan niya kapag naaalala ang nangyari sa panaginip.
Hindi na talaga nawala sa isip niya ang mukha na iyon ni Juda. Mabuti
nalang at magkaiba ang tinulugan nila ng lalaki kung hindi ay mamamatay na siya sa hiya.
KINABUKASAN ay pinilit ni Lily na iwasan na magkaharap sila ng lalaki. Nangingilag siya kapag nakikita ito.
Nagpresenta siyang mag-igib ng pampaligo dahil wala naman siyang ginagawa kaya pumunta siya sa balon. Nakakatuwa dahil wala nang ganoon sa Pilipinas, nawasa na kasi ang uso. Inikot niya ang tubo na humihila sa balde.
'Mabigat pala 'to. Para kasing magaan lang tingnan kapag sila ang gumagawa.'
Nakita niya na umaangat na ang balde kaya binitiwan niya ang tubo at kinuha, labas ang litid ni Lily nang buhatin iyon. Nabigla siya nang mula kung saan ay lumitaw ang green na kamay ni Juda at inagaw mula sa kanya ang balde.
Agad niyang nabitiwan ang hawak at umatras na tila napaso.
"Juda!"
Tumatambol ang dibdib ni Lily dahil naalala na naman ang panaginip. Nag-init ang mukha niya kaya umiwas siya ng tingin.
Nagtagpo naman ang kilay ni Juda dahil nagtataka sa kilos niya.
"A-akina ang balde." saad ni Lily
"Anong gagawin mo sa tubig?"
"Pampaligo." hindi parin siya makatingin ng diretso.
"Ako nang gagawa."
"H-hindi, ako na. Kaya ko naman. Pumunta kana dun." nguso niya
Tinitigan siya ng lalaki, tila inaalam nito kung bakit ganoon ang inakto niya. Mayamaya ay binitiwan nito ang balde at tumalikod.
'Shocks, ano bang nangyayari sa akin? Para akong timang.'
Hindi naman siya ganoon sa mga boys sa Earth. Sanay siyang i-deal ang mga pasaring ng guys. Sa katunayan, sanay na siya doon sa dami ng nanliligaw at naging boyfriends niya. At isa pa, hindi na siya virgin para mag-ala Maria Clara.
'Tigilan mo na iyan, Lily! Nahawaan kana talaga kay Ara. Pinagpapantasyahan mo ang isang dragon. Okay ka lang?'
Napabuntong-hininga ang dalaga na pinagpatuloy ang ginawa. Kailangan mag busy-busihan siya para mawala sa isip ang mga kabaliwan.