"Kumusta na ang baby ko?" wika ni Niccolo sa kabilang linya. "Miss na kita agad." Natunaw naman kaagad ang puso ni Callie sa winika ni Niccolo. Hindi siya makapaniwalang ang dating pinapangarap lang niya ay sa kanya na ngayon. O, sa kanya nga ba talaga? Nawala ang ngiti niya sa labi at napalitan iyon ng napakaraming samu't saring alalahanin. "Okay lang ako. Ikaw, kumusta?" usisa niya. "Huwag mo akong isipin. Ginagawa ko ang mga dapat kong gawin. Ikaw ang inaalala ko," wika ni Niccolo. "Huwag ka na munang pumasok, okay? Magpahinga ka muna. Alam kong nabibigla ka pa sa mga nangyayari." "Kinakabahan ako, Niccolo. Iniisip ko si Ma'am Shannon." "Ako na ang bahala sa kanya, okay? Sinabihan ko na siyang huwag kang gagalawin. Tutuparin ko ang pangako ko sa iyo, Callie. I will protect you what

