"GOOD morning, honey!" bati ni Niccolo sa asawa. He smiled at her. She was in the front of the mirror, getting ready for work. Tumayo siya at nilapitan ang asawa. Nangingilid ang mga luhang niyakap niya ito.
"I had a nightmare last night," sumbong niya sa asawa. "May iba ka at iiwan mo na raw ako. Buti na lang nagising ako. I am so happy that it was just a bad dream."
Inalis ni Shannon ang mga kamay ni Niccolo na nakayakap sa kanya.
"Amoy alak ka, Niccolo," matabang na wika ni Shannon. "You got too drunk last night. Fix yourself."
Imbes na sumunod ay muling yumakap si Niccolo sa asawa. "Pwede bang dito ka muna, honey? Dito muna tayo kahit isang araw lang. Huwag muna tayong pumasok sa trabaho. Miss na miss na kita. Nalulungkot ako kasi kahit gabi-gabi tayong nagkikita, parang ang layo mo sa akin. Parang hindi kita nakakasama."
Muling inalis ni Shannon ang sarili sa pagkakayakap ng asawa. Marahas siyang nagbuntong hininga. "Pwede ba, Niccolo?" naiirita niyang wika. "Stop this. Alam mong hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi."
Umiling si Niccolo. "Baka nanaginip pa rin ako hanggang ngayon," aniya. Sinampal niya ang sarili ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hindi siya nagigising dahil gising na siya, hindi niya lang matanggap.
"I don't want to talk about this now, Niccolo. Marami akong kailangang asikasuhin ngayon sa kompanya," ani Shannon. "Fix yourself, please," mas mahinahon na nitong wika. Lumabas na ito ng kwarto at hindi na ito pinigilan pa ni Niccolo.
Halos tulalang napaupo si Niccolo sa gilid ng kanilang kama. Nasapo niya ang kanyang mukha. Hinilamos niya iyon ng kanyang mga palad.
Of course, alam niyang hindi panaginip ang nangyari kagabi. Gusto lang niyang magbakasakaling magkaroon ng himala at hindi totoong hindi naman talaga siya mahal ng asawa. Sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama, hindi siya nito natutunang mahalin. Puro pagpapanggap lang pala ang ipinakita nitong lambing at pagmamahal sa kanya. All of a sudden, parang gumuho ang kanyang mundo.
Everything is making sense now. Lahat ng mga ikinikilos ni Shannon, kung paano siya nito tratuhin. Ang pagiging malamig nito sa kanya. Dahil pala iyon sa hindi siya nito totoong mahal. Gustong gusto niyang magwala ng mga oras na iyon, ngunit hindi siya bayolenteng tao. Palagi siyang kalmado. Iyon din ang ikinaiinis niya sa sarili. Hindi niya magawang magalit. Gusto niyang magalit. Gusto niyang ilabas ang hinanakit ngunit tanging pag-iyak lamang ang kaya niyang gawin.
Hindi siya lumabas ng kwarto buong maghapon. Hindi siya pumasok sa trabaho. Natulog siya nang natulog, nagbabakasakali pa ring magising siya na panaginip lang ang lahat.
Nagtaka si Callie kung bakit hindi pumasok ang kanyang boss. Sa loob ng ilang taong pagtratabaho niya kay Niccolo, never itong um-absent maliban na lamang kung may sakit ito o biglang lakad. Ang ipinagtataka niya, kung alin man sa dalawa ang dahilan, bakit hindi tumawag si Niccolo sa kanya para magsabi? Lubha siyang nag-alala para dito.
Pagkatapos ng office hours ay dumeretso siya sa De Monte residence. Sinalubong siya kaagad ni Aling Cely, ang mayordoma ng mga De Monte.
"Oh, Callie, naparito ka?" nakangiting wika ni Aling Cely.
"Magandang araw po, Aling Cely," bati ng dalaga sa ginang. "Si Sir Niccolo po, nandiyan ba?"
Kumunot ang noo ni Aling Cely. "Ha? Hindi ba pumasok?" anito.
"Hindi po, eh," tugon ni Callie.
"Hindi ko kasi napansin, eh. Ang nakita ko lang si Ma'am Shannon. Umalis nga nang hindi nag-aalmusal. May pinagkakaabalahan kasi ako kaya hindi ko napansin kung umalis ba si Sir Niccolo o hindi."
"Aling Cely, pa-check naman kay Sir Niccolo, oh," pakiusap ng dalaga. "Nakailang tawag na ho kasi ako sa kanya mula kaninang umaga, pero hindi siya sumasagot. Nag-aalala na po ako sa kanya."
Napabuntong hininga si Aling Cely at ngumiti. "Halika, pumasok ka muna at umupo sa salas. Aakyatin ko sa kwarto si Sir Niccolo. Tingnan natin kung ayos lang ba siya."
"Sige ho, Aling Cely," kabadong tugon ni Callie. Hindi na siya nag-abalang umupo. Nakita niyang umakyat si Aling Cely. Matiyaga siyang naghintay rito.
Nakasubsob ang mukha ni Niccolo sa unang tigmak ng kanyang luha na bahagya nang natutuyo nang magising siya sa mga pagkatok sa pinto. Hindi niya iyon pinansin. Alam niyang isa iyon sa mga kasambahay nila. Wala siyang ganang harapin ang mga ito.
Bumaba si Aling Cely. Halata na ni Callie ang pagkadismaya sa mukha nito. "Ano ho, Aling Cely, kumusta na si Sir Niccolo?" usisa niya.
"Ayaw akong pagbuksan ng pinto," tugon ng ginang. "Sigurado akong nandoon siya sa loob kasi kapag kapwa na sila nasa trabaho Ma'am Shannon, iniiwan nilang hindi nakakandado ang pinto."
"Lalo naman ho akong nag-alala niyan, Aling Cely. Baka may sakit si Sir Niccolo, o baka may problema siya," ani Callie.
"Nagtataka nga rin ako. Ngayon lang nangyari ito. Ngayon lang pumasok si Ma'am Shannon na hindi nag-uumagahan. Ngayon lang din hindi lumabas ng kwarto si Sir Niccolo maghapon. Ang mas ipinagtataka ko, wala namang ibinilin si Ma'am Shannon tungkol kay Sir Niccolo bago siya umalis. Nagbibilin naman siya kapag may sakit si Sir, eh," wika ni Aling Cely.
"Okay lang po ba kung ako na ang umakyat sa kwarto niya, Aling Cely? Hindi ho kasi ako nito matatahimik hangga't hindi ko nalalamang okay si Sir."
"Walang problema, Callie," mabilis na tugon ni Aling Cely. "Kapag pinagbuksan ka ng pinto, ikaw na ang bahalang kumausap, ha? Baka nga may problema at sa iyo maghinga." Tinapik nito ang balikat ni Callie at saka lumagos na sa kusina.
Umakyat na ang dalaga. Nang nasa tapat na siya ng kwarto ng mag-asawa ay pumikit muna siya at huminga nang malalim.
Kumatok siya nang makatlo. Inilapat niya ang kanyang tainga sa pinto. Wala siyang marinig na ingay mula sa loob, kaya kumatok ulit siya. "Sir Niccolo," wika niya. "Si Callie po ito. Sir, nag-aala po ako sa inyo. Gusto ko lang po kayong makita kung okay kayo."
Subalit, wala pa rin. Bababa na lang sana siya nang bumukas ang pinto. Nagpakita rin sa wakas sa kanya si Niccolo. Nakasuot pa ito ng pantulog. Ngumiti siya at napabuntong hininga sa ginhawa.
"Sir, kumusta ho kayo? Okay lang ba kayo? May sakit ba kayo? Sobrang nag-alala ako sa inyo, Sir. Hindi kasi kayo pumasok. Buti na lang, wala kayong meetings ngayong araw," aniya.
Niccolo managed to smile. "I'm okay, Callie. Thank you for checking on me. Wala akong sakit. I'm fine. Tinamad lang ako ngayong araw. Papasok ako bukas," kaswal na sagot nito.
Hindi kontento si Callie sa sagot ng kanyang boss sapagkat kahit nakangiti ito ay nakikita niya na may lungkot sa mga mata nito. Napansin nga niya na namamaga ang mga iyon at pulang pula. Pero inisip niya na baka dahil lang iyo. sa matagal nitong pagtulog. "Sige ho, Sir. Okay na ho ako kasi nakita kong okay kayo. Nag-alala lang po talaga ako kasi usually naman, tumatawag kayo sa akin kapag hindi kayo makakapasok."
"I'm sorry, nawala sa isip ko," tugon ni Niccolo. "Hayaan mo, next time, magsasabi na ulit ako para hindi ka na mag-alala."
Callie smiled. "Thank you, Sir. I'll go ahead," aniya. "See you tomorrow na lang po."
Tumango si Niccolo at saka pumasok uli ng kwarto. Wala na itong sinabi pa. Isinara na lang nito ang pinto.
Akala ni Callie ay mababawasan ang kanyang pag-aalala kay Niccolo ngunit hindi. Lalo lang iyong nadagdagan. He looks so sad. Why?
Nagsimulang lumipad ang kanyang isip. Sigurado siyang may problema si Niccolo dahil hindi naman ito mukhang may sakit. Napaka-jolly nito sa mga ordinaryong araw, ngunit ngayon ay napakatamlay nito at bagsak na bagsak ang mga balikat.
"Oh, Callie! Kumusta, nakausap mo ba si Sir Niccolo? Ano ang sabi?" usisa ni Aling Cely sa kanya.
"Wala naman ho siyang sakit, Aling Cely. Mukha lang siyang malungkot," tugon ng dalaga.
"Malungkot? Bakit kaya?" kunot ang noong wika ni Aling Cely.
"Aling Cely, wala ho ba kayong napansin na kakaiba kahapon?" ani Callie.
Mabilis na umiling si Aling Cely. "Kung tungkol sa mag-asawa, wala. Hindi ba nagdiwang pa nga sila ng wedding anniversary kahapon? Ang saya saya pa nga ni Sir Niccolo kagabi."
Kapwa sila napaisip.
"Ano kaya'ng problema no'n?" wika ni Callie.
Ngumiti si Aling Cely. "Hayaan mo na muna si Sir Niccolo. Baka naman talagang bad day niya lang ngayon."
Lumabi ang dalaga. "Sa bagay, ang sabi niya naman sa akin ay papasok siya bukas."
"Oh, 'di ba? Baka bukas balik na siya sa normal na siya. Kaya huwag ka nang mag-alala sa kanya."
Sa wakas ay ngumiti rin si Callie. "Ipagluto ho ninyo ng comfort food si Sir Niccolo mamayang gabi. Sigurado akong gutom na gutom na iyon lalo na hindi pa siya lumalabas maghapon," bilin niya sa ginang.
Tumango si Aling Cely. "Sige, gagawin ko iyan. Salamat sa pag-aalala mo kay Sir Niccolo. Ganyan din ako sa kanya dahil itinuturing ko na siyang anak. Sino ba naman ang hindi mapapamahal diyan kay Sir Niccolo, eh napakabait na tao? Kaya hindi kita masisi kung bakit ganyan na lang ang concern mo sa kanya."
"Tama po kayo, Aling Cely. Ayaw kong nakikitang malungkot si Sir. Hindi ako sanay. Siya ang sunshine namin sa trabaho. Kung wala siya, kulang talaga ang araw namin. Parang wala kaming vitamins."
Napangiti si Aling Cely. "Bukas papasok na siya, kaya bukas ay vitamins na ulit kayo."
Bahagyang natawa si Callie. "Sige ho, Aling Cely, kailangan ko nang umuwi."
"Oo, sige. Huwag kang mag-alala at ako na ang bahala kay Sir Niccolo," tugon ng ginang.
Tumango siya at saka humayo na.