"I'm sorry, Shannon. We're over," tugon ni Niccolo. Sa muli't muli ay paninindigan niya ang kanyang desisyon. Sa pang-ilang pagkakataon ay gumuhong muli ang mundo ni Shannon. Inalis ni Niccolo ang kanyang mga kamay sa mukha nito at lumabas ito ng kanilang bahay. Narinig niyang nag-start ang kotse nito at saka ito umalis. Kung saan ito pupunta ay hindi niya alam. Napasalampak siya sa sahig at humagulgol. What more can she do to bring her husband's love back? She'd do anything. She'll trade anything. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Noah. Here she goes again with her impulsive actions. She can't help it. Pupungas pungas pang bumangon si Noah upang tugunin ang tawag na iyon. Kakahulog lamang niya sa pagkatulog nang tumunog ang kanyang cellphone. "Ate Shannon, napata

