Amea POV “Nakalimutan ko yatang sabihin sayo ang Elysian Fields ay hindi katulad ng Underworld.” Wika ni Apollo habang nakanganga kong tinitignan ang mga nakikita ko dito sa Elysian Fields halos d**o, puno at bulaklak lang ang nakikita ko kahit ang simoy ng hangin ay napakabango. Sinong baliw ang hindi mag-iisip na pangit ang Elysian Fields gayong napapagitnaan ito ng Underworld at Limbo? Ang ekspektasyon ko dito ay mainit katulad ng nadaanan namin kanina ngunit nagkamali yata ako ngayon ko lang naiintindihan ang kasabihang don't judge the book by it's cover may mga ibon ding lumilipad sa kalangitan ng Elysian Fields para lang itong napakalaking hardin! And it amazed me! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kagandang lugar sa buong buhay ko. “Wow! Just wow! Is this really the Elysian

