Kabanata 9

1262 Words
“I was a girl in the province doing not fine~ then, I became a mommy overnight~” habang kinakanta ang intro ng Sofia the first at iniiba ang liriko ay masayang sinusuklay ni Yasmien ang kanyang buhok sa salamin. Halos isang linggo na siya rito sa loob ng mansyon at wala na siyang ibang mahihiling pa. Mayroon siyang sariling kwarto na may malambot na kama, may telebisyon, at electric fan! Libre din ang masasarap na pagkain na animo araw-araw fiesta, at higit sa lahat, walang pakialam ang mga tao sa loob ng mansyon sa kanya kung kaya't malaya niyang nagagawa ang gustong gawin kasama ang makulit na bata na si Lance! Ano pa nga bang mahihiling niya? Wala na. Isang daang por ciento ay kuntento na siya sa ganitong klase ng buhay! “Bitawan mo ako, Nanny! Kailangan kong makausap ang impostor na babaeng ‘yun!” “Hmm?” natigil siya sa pagsusuklay ng buhok at dali-daling nagtungo sa kanyang pintuan para buksan iyon. Bumungad sa kanya ang isang maliit na batang may salamin sa mata, walang iba kundi si Leo. “Ikaw!” may matining na boses siya nitong tiningala at tinuro. “Sumama ka sa akin para sa DNA test!” Napaigtad si Yasmien sa gulat. “A-Anong DNA test?” “Don’t act foolish! Hindi ko na kayang i-take pa na nakikita kitang pakalat-kalat sa mansyon! You and Lance are annoying! Papatunayan ko na hindi talaga ikaw ang Mommy namin!” “A-Anong sinasabi mo…” nataranta si Yasmien nang makita niya ang mga guwardiya at mga katulong na babae sa likod ni Leo. “Kunin niyo na siya, guards! Naghihintay na si Doc Joross sa clinic room!” Nag-aatubili man ay sumunod ang mga guwardiya sa pag-uutos na bata. “Ahh!” napaatras kaagad si Yasmien at mabilis na dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Ang akala niya ay okay na! Ano itong DNA?! Sa oras na malaman na hindi siya ang ina ay mapapatalsik siya kaagad mula sa mansyong ito! No more malambot na kama with TV and electric fan, no more free foods, and no more dreams come true! Babalik siya sa bahay-kubo na iyon at titiisin mula ang p*******t ni Carding! “Ayaw ko!” akmang isasarado ni Yasmien ang pintuan nang mabigo siya dahil hinarang ng isang guwardiya ang katawan nito! “Aahh! Ayaw kong magpa-DNA test! Nasa'n si Lance?” tumakbo siya sa loob ng silid at umakyat sa kama. Napapasinghap ng hangin na sumunod sa loob ang maliit na batang si Leo. “I knew it! Tama ang hinala ko! Ayaw mong magpa-DNA test dahil takot na malaman ni Lance na hindi ikaw ang mommy namin!” “M-May Amnesia ako, b-baka maapektuhan lalo ang pag-iisip ko kung magpapa-DNA ako!” “Where's the logic in that?” napaayos ng salamin si Leo. “You brainflux! Hindi maaapektuhan ang utak ng isang tao dahil lang sa pagkuha ng DNA! You can't fool me because I might only be six years old, but I have a much higher IQ!” “LAAAANCEEE!” malakas na sumigaw si Yasmien, hinahanap ang guardian angel niya. “You! Shut up, old hag!” anito at binalingan ang mga guwardiya. “Ano pang hinihintay niyo? Isusumbong ko kayo kay Daddy dahil hindi niyo sinusunod ang gusto ko! Get this old hag to Doctor Joross now!” “Masusunod, young master!” nakakilos ang mga guwardiya aktong kukunin si Yasmien mula sa pagkakatayo niya sa kama. “Aaah! Huwag kayong lalapit sa akin! Isusumbong ko kayo kay Lance!” pinagbabato niya ng unan ang mga lalaking iyon na wala namang nagiging epekto. “Anong ginagawa niyo kay Mommy?!” sa wakas ay umalingawngaw sa silid ang maliit na tinig ng batang si Lance! Nakahinga ng maluwag si Yasmien. Bumaba siya sa kama at puno ng kaba na lumapit sa bata. “Hindi ko alam sa kanila! Bigla-bigla nila ako sinusugod dito!” sumbong pa niya. Nang maintindihan ni Lance ay galit siyang humarap sa kapatid. “Leo?! Ano na naman ba ‘to? Bakit mo na lang palagi ginaganito si Mommy? Kung ayaw mo sa kanya, puwes hindi ka namin bati! Kaya bakit hindi mo na lang kami lubayan at doon ka magpapansin kay Dadddy?---Ay! Oo nga pala! Kasi palaging busy si Daddy, kaya hindi ka niya magagawang pansinin!” Kumuyom ang mga maliliit na kamao ni Leo. “At least ako naiintindihan ko kung bakit busy palagi si Daddy, kaya hindi ako nagtatampo hindi katulad mo na humanap pa ng impostor na mommy para maging rebound mo!” “Rebound??” napatanga si Yasmien. Nalukot ang mukha ni Lance. “What are you talking about? Hindi impostor si Mommy. Tama ako na siya si Mommy. Dahil kung hindi, bakit wala namang ginagawa si Daddy para palayasin siya?” “HA! Hindi mo kasi alam na hinahayaan ka lang ni Daddy ngayon dahil naaawa siya sa'yo dahil naghahanap ka lang ng kalinga ng ibang tao! Palibhasa hindi mo siya naiintindihan kung bakit palagi siyang wala at kung bakit palagi siyang busy sa trabaho! Lahat ng ‘yon ginagawa niya para sa atin, tapos puro pagpapasaway lang ang ganti mo? Where's your brain, Lance?” Sumama ang timpla ng mukha ng Lance. “Sinabi ni Dad na naaawa lang siya sa akin at naghahanap ng kalinga ng ibang tao?” “W-Well, not directly but don’t him wrong---" “That is the reason why I hate him!” napaasik si Lance. “Lance, that's not—” “Hmp!” humawak sa kamay ni Yasmien si Lance. “Hindi ibang tao si Mommy sa akin! At wala akong pakialam kung awa lang ang kayang ibigay ni Dad sa akin, kaya hinahayaan niya ako sa gusto ko! ‘Wag niyo na kaming pakialaman ni Mommy dahil masaya kami at nananahimik dito!” hinila ni Lance si Yasmien. “Let's go, Mommy!” Nakahinga ng maluwag si Yasmien matapos ng bangayan ng mga bata. Tanging si Leo lamang ang kontrabida ngayon para kay Yasmien dahil ito ang palaging nang-aaway sa kanya. Bakit kasi ang batang iyon ay mahirap utuin! Bakit kasi ang tatalino ng dalawang batang ito, kung kaya’t pakiramdam niya ay nakaapak siya sa bubog---isang maling hakbang ay babaon ito sa mga paa niya! “Stop right there!” pagpigil ni Leo sa kanila bago pa sila makalayo sa lugar. “Tutal, Lance, palagi mong sinasabi at buo ang loob mo na Mommy natin siya, bakit hindi natin siya ipa-DNA test ngayon mismo tutal nandito si Doctor Joross?” Nanlaki ang mga mata ni Yasmien. Kagat ang ibabang labing napalingon kay Leo. “I-Ikaw talaga! Ayaw ko—” “KUNG siya si Mommy, sisimulan ko siyang respetuhin, igalnag, at tratuhing Mommy katulad mo! Hindi na rin ako manggugulo at hindi ko na siya guguluhin pa!” Napaharap din si Lance sa kapatid na nagugulat. “Really? You would do that? Kapag napatunayan na siya ang Mommy natin, talaga bang itatrato mo siya bilang Mommy?” “I promise.” determinadong tugon ni Leo. “PERO kapag napatunayang hindi siya, at isa lang siyang impostor mommy, babalik mo siya sa pinanggalingan niya at wala na dapat kayong magiging contact sa isa't-isa!” Kinabahan nang husto si Yasmien sa sinabi nito. “L-Lance—” “DEAL!” determinado ring tugon ni Lance na kinalaki pa lalo ng mga mata ni Yasmien! Nanlamig ang buong katawan niya at para siyang tinakasan ng kaluluwa! ‘Oh no!! Ngayon na ba matatapos ang pangarap niya? Sa loob lamang ng isang linggo?!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD