Chapter 17

1017 Words
Nakaupo si Zyros sa tabi ni Jackie habang hinihintay niyang magising ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa napakaganda nitong mukha. Ngunit napansin niya na tila pinagpapawisan si Jackie habang natutulog at tila nananaginip ng hindi maganda. Napansin niya rin na tumutulo na ang luha mula sa mga mata ng dalaga kahit nakapikit pa ito. Kaliwa't-kanan rin ang galaw ng ulo ng dalaga na tila binabangungot. Bahagya niya ring naririnig ang mahinang tinig ng dalaga dahil sa masamang panaginip nito. "'W-'wag. 'Wag kang lalapit sa 'kin! Lumayo ka!" sambit nito na tila takot na takot. Tagaktak na rin ang pawis mula sa kanyang noo habang tuloy pa rin sa pagtulo ang kanyang mga luha. Kaya biglang kumunot ang noo ni Zyros at tila biglang kinurot ang kanyang puso. Alam niya na nanaginip ng masama ang dalaga. "Jackie, gising. Jack!" kalabit nito sa balikat ng dalaga. Ngunit napansin niya na parang mainit ang dalaga. Kaya natigilan siya sandali. "May sakit ka ba?" Mabilis niyang idinampi ang kanyang palad sa noo ng dalaga na wala pa rin sa kakasalita. "Nilalagnat ka nga, Jackie." Nataranta siya kaya mabilis na tumayo para sana kumuha ng maaaring makapagpababa sa mataas na lagnat ng dalaga. Subalit bigla na lamang hinawakan ni Jackie ang kanyang kamay kaya natigilan siya. "'Wag mo akong iiwan, natatakot ako," mahinang sabi ng dalaga. Bahagyang nangulap ang mga luha mula sa mata ni Zyros at dahan-dahang nilingon ang dalaga. Nang tumama na ang kanyang mga mata sa dalaga ay natutulog pa rin ito habang panay pa rin ang mahinang tinig niya ng paulit-ulit. Kaya hindi na napigil pa ni Zyros ang luha na kanina pa nais kumawala dahil sa awa para sa dalaga. Hinawakan niya ang kamay ni Jackie at dahan-dahang umupo sa tabi ng dalaga. "Sige, hindi kita iiwan, Jackie. Pangako, dito lang ako sa tabi mo," mahinang usal niya din sa dalaga. At pakiramdam niya ay tila sinasaksak ng sampung punyal ang kanyang puso dahil sa kalagayan ng dalaga. "Kasalanan ko 'to. Dapat sana hindi ko siya iniiwan ng mag-isa dito!" Napayuko siya habang tuloy ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Inilapat niya rin sa kanyang bibig ang malambot na kamay ng dalaga. Kaya natutuluan niya iyon ng kanyang luha. At dahil sa luha na pumatak sa kamay ni Jackie ay biglang dumilat ang dalaga. Kaagad niyang nakita na hawak ni Zyros ang kanyang kamay habang nakadampi ito sa pisngi ng binata. At nang makita niya ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ni Zyros ay tila biglang sinasaksak ng paulit-ulit ang kanyang puso. "Bakit ka umiiyak?" mahinang sambit niya sa binata na wala pa ring malay mula sa paggising niya. Natigilan ang binata nang marinig niya ang boses ng dalaga. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo para tingnan ang dalaga. "J-Jackie?" madamdamin niyang usal na puno ng pagtangis ang kanyang mga mata. Ngumiti ng matamis ang dalaga bilang tugon sa binata na tila walang nangyari sa kanya. "'Wag kang umiyak, 'di bagay sa 'yo!" bulalas pa nito para lamang mapawi ang lungkot mula sa mga mata ng binata. Bigla umapaw ang puso ni Zyros sa tuwa dahil alam niya na magaling na ang dalaga. Kaya mabilis niya itong niyakap dahil sa labis na tuwa. "Maraming salamat at magaling ka na, Jackie!" masayang wika niya sa dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Jackie dahil nagulat siya sa biglaang pagyakap sa kanya ng binata ng walang pasabi. "T-teka, ano bang ginagawa mo?" pagkukunwaring sambit ng dalaga. Ang totoo ay gusto niya ang yakap na iyon dahil pakiramdam niya ay tunay siyang ligtas kapag dumadampi ang bisig ng binata sa kanya. Alam niya rin na ang binata ang dahilan kung bakit siya gumaling. Naalala niya kasi ang napanaginipan niya na iniligtas siya ng binata at hinawakan ang kanyang kamay. Kaya napangiti siya at dahan-dahang tinatapik-tapik ang likod ng binata. "'Wag ka ng malungkot, maayos na ako," usal niya sa binata habang panay pa rin ang himas niya sa likod nito. Kumalas sa pagkakayakap ang binata at mariing tinitigan ang mga mata ng dalaga habang ito ay nangungusap. "Mangako ka na hindi ka na magkakasakit, Jackie," madamdamin niyang usal sa dalaga habang nakatitig pa rin siya sa mata nito. Ngumiti naman ang dalaga bago nagsalita. "Panga—" Hindi na natapos ni Jackie ang kanyang sasabihin dahil biglang sinakop ni Zyros ang kanyang labi. Kaya namilog na naman ang kanyang mga mata dahil sa pagkabigla. Gustuhin niya mang iwasan ang kapangahasan ng binata ay hindi niya magawa. Hindi niya maintindihan kung bakit tila gusto niya ang bagay na iyon. Nararamdaman niya rin na lumalakas ang t***k ng kanyang puso dahil sa pananakop ni Zyros sa kanyang labi. "B-bakit hindi kita kayang iwasan?" Hanggang sa unti-unti na siyang nadadala sa mapang-akit na labi ng bata. Nararamdaman na niya na tila nakikisabay na rin ang kanyang labi kaya napapikit na lamang siya ng kanyang mga mata at hinayaan na lamang ang bugso ng kanyang damdamin. Nang marinig ni Zyros ang malakas na kabog mula sa dibdib ng dalaga ay lalo siyang nakaramdam ng kakaibang saya. Dahil hindi iyon kaba ng isang takot na puso, kundi kaba ng isang puso na nagsisimulang mamuo ang pag-ibig. Hanggang sa maramdaman niya na tila niyayakap na rin siya ng dalaga. Kaya sandali niyang binitawan ang labi ni Jackie para ipaabot ang nais niyang sabihin. "Mahal na mahal kita, Jackie," usal niya sa dalaga habang hawak niya iyon sa pisngi. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli niyang binalikan ang matamis na labi ng dalaga. At sa pagkakataon na iyon ay naging marahas na siya sa pagsakop sa labi ng dalaga. Unti-unti na rin nitong ibinababa ang halik mula sa leeg ni Jackie. Sumagot si Jackie mula sa kanyang isipan tungkol sa sinabi ng bata na mahal siya nito. "Mahal na rin yata kita, Zyros." Hindi niya na iyon nasabi dahil muling sinakop ng binata ang kanyang labi. At sa hindi niya maipaliwanag ay tila nakahanda na siyang i-alay ang buo niyang pagkatao sa binata. "Alam kong kahibangan ito sa 'king sarili dahil ibibigay ko ang sarili ko sa taong ngayon ko lang nakilala. Pero magtitiwala ako, Zyros."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD