Chapter 30

1214 Words
Dahil sa pagod ay mabilis nilamon ng antok ang mga talukap ng mata ni Jackie. Nakatagilid ito habang nakaunan ang ulo sa makisig na bisig ng binata. Nakayakap rin ito ng mahigpit sa katawan ng binata habang nakabaon pa ang mukha nito sa dibdib. Kapwa hubad pa rin ang kanilang mga katawan kaya damang-dama pa nila ang init ng bawat isa sa malamig na gabi. Nang masiguro ni Zyros na natutulog na nga ng mahimbing ang dalaga ay dahan-dahan niyang tinaggal ang ulo nito mula sa kanyang braso. Pagkatapos ay isinunod naman nito ang nakayakap na kamay sa kanya ni Jackie. Bawat galaw niya ay maingat upang masiguro na hindi magigising ang dalaga. Matapos ang bagay na iyon ay maingat siyang bumangon na halos pigil ang hininga at siniguradong hindi masasagi ang dalaga. Nang makabangon na siya ay muli niyang binalingan ng tingin ang dalaga. Pigil hininga pa siyang napapikit dahil bigla itong gumalaw. Subalit nang imulat niyang muli ang kanyang mga mata ay nakatalikod na ito sa kanya at mahimbing pa ring natutulog. Kaya napabuntonghininga siya ng malakas kasabay ang sunod-sunod niyang paglunok dahil sa naramdamang pagbabara sa kanyang lalamunan. Mula sa dulo ng higaan kung saan siya nakaupo ay dahan-dahan niyang ibinaba ang mga paa niya sa sahig at maingat na tumayo. Nang mapagtagumpayan niya iyon ay mabilis niyang hinahanap ang kanyang mga damit na nagkalat sa baba. Matapos makuha ay agad siyang nagbihis ng kanyang damit. Pinulot niya rin ang mga damit ng dalaga na nagkalat din sa baba at ipinatong ito sa tabi ng dalaga. Pinasadahan niya muli ng tingin si Jackie bago tuluyang tumalikod dito kasabay ang maingat na paghakbang palabas ng kuweba. Matapos makalabas ng kuweba ay muli na namang nagbago ang itsura niya. Naging mabangis na naman ang kanyang mga mata na umiilaw sa dilim. Humahaba na rin ang mga kuko niya sa kamay kasabay ang paglabas ng kanyang dalawang pangil. Sa 'di kalayuan ay mula sa kanyang kinatatayuan ay nakahilera na ang mga naglalakihang puno. Mabilis siyang tumakbo na mala-kidlat ang bilis kasabay ang paglundag niya sa mataas na puno. Matapos makasampa sa puno ay tumingala siya sa taas at tumambad sa kanya ang bilog na bilog na buwan. Umalulong siya ng tatlong beses ng malakas at siniguradong maririnig ito sa kabuuhan ng Death Forest. Maski sa karatig na nayon ay maririnig rin ito. Matapos niyang gawin iyon ay bumalik ang kanyang mukha sa pagiging mabangis habang mahigpit na nakahawak sa puno. "Sisiguraduhin ko na pagsisisihan niyo ang pagpasok niyo rito!" madiin nitong banta na bakas ang panlilisik ng mga mata sa gitna ng bilugang buwan. Pagkatapos ay mabilis na tumalon sa kasunod na puno. Papalit-palit siya ng puno na tinatalunan hanggang sa makarating siya sa kuta ng mga pangahas na mortal. Nagkubli muli siya sa puno na madalas niyang tambayan kapag pinagmamasdan niya mga tao na sumisira sa kanyang teritoryo. At sa ngayon ay malaya na naman niyang nakikita kung ano ang ginagawa ng mga mortal sa baba. "Talagang hindi kayo natakot sa ginawa ko sa isang niyong mga kasamahan." Sa galaw at kilos nila ay makikita na tila walang kinatatakutan. Tuloy lang sila sa pagtatrabaho kahit sa malalim na gabi. May mga kalalakihang nagbubungkal ng lupa ng manu-mano gamit ang isang metal na bagay na kung tawagin ay asarol at ang iba naman ay piko. Bawat bato at lupa na nahuhukay nila ay iniipon ng bulldozer truck. Matapos maipon ay sisikwatin ng malaking bakal na kamay ng backhoe para isakay sa malaking track na nakaabang. Maraming mga nakapaligid na kalalakihan na nagbabantay sa kanila. Lahat ng mga ito ay armado at puro malalakas na baril ang sukbit sa harapan. Paikot-ikot sila sa paligid na wari'y alerto sa bawat oras. Kung dati ay iilan lamang sila noong unang dating nila ay iba na ngayon. Marami na sila at talagang makikita na planado ang lahat ng pagpunta nila sa bundok. Sa tansya niya ay may mahigit isang daan na ang mga kalalakihan na nakikita niya sa buong paligid kasama ang mga minero na masisipag magtrabaho. Naririnig niya rin ang tunog ng isang makina na pakiwari niya ay doon nagmumula ang maliwanag nilang ilaw. Kaya malaya nilang nakikita ang kanilang ginagawa at tinatrabaho. Bawat sulok ng kanilang pwesto ay may mga nakakabit na ilaw sa taas ng puno kaya kahit madilim ay maliwanag pa rin. Napangiti ng mapait si Zyros sa kanyang naiisip. Mukhang may pumasok na magandang ideya mula sa kanyang isipan. "Hindi niyo ako maiisahan!" Pinikit niya ang kanyang mga mata at inangat sa ere ang isang kamay habang nakabuka ang kanyang mga palad. Kasabay ng pagdilat ng maliwanag niyang mga mata ay ang pagtiklop ng isang kamay niyang nakaangat sa ere. Kaya sabay-sabay na pumutok ang lahat ng ilaw na nagbibigay liwanag sa mga mortal kasabay ang pagsabog ng maingay na makina kung saan nanggagaling ang kanilang ilaw. Rinig na rinig niya ang pagkataranta ng lahat ng mga kalalakihan sa baba at rinig na rinig niya ang t***k ng pagkagulat sa kanilang mga puso. Napangiti siya ng mapait dahil doon at mabilis na pumuwesto para sa gagawin niya. "Magpaalam na kayo sa mundo!" Matapos ang salitang iyon ay agad niyang nilundagan ng talon ang isang lalaking bantay kaya mabilis itong pumalahaw ng sigaw na ikinagulat ng kanyang mga kasamahan. Agad namang nagpaputok ng mga baril ang lahat sa direksyon ng nakapangingilabot na sigaw. Wala silang makita dahil madilim kaya nangangapa lang ang bawat bala na pinapakawalan nila. Ilang segundo pa ay sunod-sunod na ang mga palahaw na maririnig sa kabuuhan ng kinatatayuan nila. Lahat sila ay natataranta na dahil hindi nila alam kung sino at ano ang umaatake sa kanila. Nasa loob noon ng sasakyan sina Berto at Congressman dahil nanonood lamang sila sa paligid. Alam nila na baka mangyari ulit ang pagsalakay ng mga kakaibang nilalang na laman ng bundok kaya hindi talaga sila lumabas ng sasakyan. Hindi sila nagkamali dahil biglang pumutok ng sabay-sabay ang ilaw kasabay ang pagsabog ng kanilang generator. At ilang segundo lamang ay mga palahaw na ng kanilang mga tauhan ang naririnig nila mula sa loob ng kanikang sasakyan na pakiwari ay tila kinakatay sa bawat sigaw na pinapakawalan nila. "Anong nangyayari?" Bakas na gulat na pagtatanong ni Berto sa kanyang Amo. Lalabas sana ito subalit mabilis na hinawakan ni Congressman ang kanyang braso kaya natigilan siya. "Baka maubos ang mga tauhan natin, Congressman!" protesta nito. "Hayaan mo sila, Berto. Marami pa tayong tauhan na maaaring pumalit sa kanila!" "P-pero—" Mabilis na tinalaman ng tingin ni Congressman si Berto kaya natigilan na lamang siya. Malungkot niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa madilim na bahagi kung saan naririnig ang mga paghiyaw na humihingi ng tulong. Hanggang sa bigla na lamang silang nagulat dahil sa isang pabagsak na pagkatok gamit ang mga palad nitong puno ng dugo sa bintana ng kanilang sasakyan. Pilit itong nagmamakaawa na humihingi ng tulong mula sa kanila habang bakas na ang paghihirap sa kanyang mukha. Punong-puno ito ng dugo na tila isang hayop na kinakatay. Pagbubuksan sana ulit ito ni Berto, subalit muli na naman siyang pinigilan ni Congressman kasabay ang paulit-ulit nitong pag-iling. Kaya kahit malaki ang awa na narararamdaman ni Berto ay hinayaan na lamang niya ito. Kitang-kita niya ang pagkalat ng dugo mula sa salaming binata ng kanilang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD