"Anong balita?" tanong ni Congressman kay Berto habang nasa loob sila ng sasakyan. "Nagawa ko na ang ipinag-uutos niyo, Congressman," sagot naman ni Berto. Inutusan niya si Berto na magpadala ng tauhan para bantayan ang bawat kilos at galaw ni Zyros. Alam na rin nila kung saan madalas tumambay si Jackie kapag umaalis ang binata. At alam na rin nila ang oras ng pag-alis at pagbalik ni Zyros sa kuweba. "Kailan niyo balak sumugod doon, Boss?" "Bukas!" Matapos sabihin iyon ay napangiti siya ng mapait dahil alam na niya na magtatagumpay siya. Inilabas niya ang dalawang baril niya na may bala na gawa sa pilak. Tinitigan niya iyon ng mapait mula sa kanyang mga kamay na mala-demonyong ngiti. "Handa na ba ang kadena na gawa sa pilak? Hindi ordinaryong tao ang kalaban natin, Berto, kaya da

