Hindi pa sumisikat ang araw kinabukasan ay lulan na ng tricycle si Damian at Gucci, araw mismo iyon ng kaarawan nilang dalawa lingid man sa kanilang kaalaman. Patungo sila sa beach na kanilang napagkasunduang dalawa. Kumikislap ang mga mata at ngiti ni Gucci habang panay ang kanyang sulyap kay Damian na nagmamasid ang mga mata sa paligid at daan na kanilang binabagtas. Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga na ngayong kaarawan niya ay hindi siya mag-isa, kasama niya ang lalaking literal na inihulog sa kanya ng langit. Kumikislap rin ang suot nilang magkaparehang singsing na pinayagan na niyang gawin ni Damian, lalo at kanyang kaarawan. Ipinalagay nalang ng dalaga na iyon ang kanyang regalo sa binata na pinasaya siya sa araw na ito. Hindi na niya ipagdadamot pa ang munting kasiyahan nito sa k

