Nagpatuloy sila sa paghakbang, binaybay pa nila ang makipot na daan sa pagitan ng mga nagtatayugang mga puno bago sila tuluyang makarating sa patag na daan kung saan ay sentro ng Nayon. Tuluyan nang nakalabas ang haring araw sa pisngi ng langit nang sapitin nilang dalawa ang sakayan ng tricycle dito. May mangilan-ngilan doong mga pasahero na kagaya nilang maagang gumising upang makabalik agad. “Hoy, kailan ka pa dito Gucci?” tanong ng isang babae na may katabaan sa dalaga na humakbang pa palapit sa kanya, malawak itong nakangiti habang matamang sinisipat siy at ang lalaking kanyang kasama. “Ngayon lang kita nakitang lumabas ng iyong lungga, ang payat pa rin natin ngayon ah?” pagak itong tumawa na ikinatawa na rin ni Gucci, “Mabuti naman at naalala mo pang umuwi dito.” “Lagpas ng isan

