Doon pa lang nagising ang tila natutulog na diwa ni Gucci, nahihiya siyang ngumiti sa dalawang Ginang na tumayo na mula sa kanilang pagkakaupo. Nahihiya niyang sinulyapan si Damian na nagkibit lang ng balikat sa kanya. Hindi na pansin ang pagkakaroon ng lagnat sa kanyang mga mata. Ibinaling ni Gucci ang kanyang buong pansin sa dalawang Ginang na akmang lalabas na ng bahay. “Hala, pasensiya na po talaga Aling Wena, Aling Eni.” hatid ni Gucci sa kanila sa may sirang tarangkahan ng tahanan, “Hindi ko po kayo naalok man lang na mamemeryenda kanina.” “Naku, huwag mo ng alalahanin pa ang bagay na iyon at busog rin kami, Gucci.” si Aling Wena na natatawa lang sa kanya ng mahina, bago sila magtungo doon ay kumain na sila ng tinapay na handang pameryenda ng kanilang kapitan sa tahanan nito

